I : Begin

24 4 0
                                    

Miley Cortez

NAPASANDAL ako pagkatapos kong humikab. Tinignan ko ang orasan malapit sa entrance ng convenience store kung saan ako nagpa-part time job.

Gusto ko nang umuwi para pakainin si Mochi. Umalis ang parents ko at wala siyang kasama sa bahay. Si mochi ang aso na regalo sakin ng dad ko for my 19th birthday last year para daw mas maging responsable pa ako. Nakatulong din sakin si mochi para ma-survive ang mga araw ko dito sa Eustis dahil bukod sa friends at family ko si mochi ang isa sa nagpapasaya sakin.

Nilibot ko ang store at inalala ko noong unang beses kong magtrabaho dito. After ng birthday ko last year ay napag-desisyunan kong maging independent financially. Although, binibigyan parin ako ng allowance ng parents ko pero hindi na ako nanghihingi para sa mga gusto ko at kailangan ko.

I guess, this is the right desisyon i've ever made. Masaya naman pero may mga araw na nakakapagod at nakakatamad pero, normal naman yun dahil ilang araw ay magana na ulit ako.

Pumunta ako sa hilera ng mga chips at kinuha ko ang coins na nasa bulsa ko para bumili. Kailangan bayaran kasi, counted yun.

Binuksan ko ang Nova at umupo sa loob ng counter para makikita ko agad kung may papasok na customer.

May mga tao pang dumadaan sa labas pero bihira nalang. Mga worker na pauwi o mga call center na papasok palang. Sanay na ako kaya hindi naman ako natatakot. Crime free ang eustis town kaya walang dapat ipangamba.

Maliit lang ang bayan na ito at halos magkakakilala ang mga tao.

Tinignan ko ang orasan na nasa taas ng entrance. Saktong alas-onse may isang oras pako dito.

Ilang saglit pa ay may pumarada sa tapat ng store pero mukhang hindi rin naman magtatagal dahil ang nasa passenger seat lang bumaba.

Pinaningkit ko ang mga mata nang makita kong si Iris ang sakay ng kotse. Leggings at jacket ang suot nito, napansin kong bothered siya habang papasok ng store at dumiretso sa mga lalagyan ng drinks. Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at inopen ko nalang ang phone ko para may mapaglibangan.

Binuksan ko ang wifi at sunod-sunod na nagpop-up ang messages na galing lang sa gc namin ng friends ko. Nagseen ako at puro memes lang na sinend ni Ichigo. Weird name, diba? Hindi ko alam kung anong trip ng parents ni ichigo para ipangalan siya sa isang sikat na anime character. Sinakyan naman yun ni ichigo at nagpakulay ng orange sa buhok niya para daw maging makatotohanan.

Nagulat ako noong may naglapag ng alcohol drinks sa counter, si iris. Tumayo ako sa pagkakaupo. Napansin kong palingon-lingon siya at malikot ang mata. Kahit naman hindi kami magkasundo ni iris ay hindi ko maiwasan na mag-isip.

"Okay ka lang ba?" Genuine kong tanong sakanya.

Tinaas niya ako ng kilay at umirap.

"Why do you care? loser" Nagdadabog itong lumabas ng store at sumakay sa kotse.

Aba!

Pasalamat siya at umalis siya agad kundi papatulan ko talaga yang ugali niyang panget.

Napabuntong-hininga nalang ako para kalmahin ang sarili ko.

Ilang saglit pa ang lumipas at dumating na yung papalit sakin na si Roi. Hindi ko na namalayan ang oras.

"Hey, roi" pagbati ko sakanya.

Inayos niya ang eyeglasses niya at binati ako pabalik bago pumasok sa locker room para magpalit.

Roi is a typical nerd. Payat at naka-eyeglasses pero genius. Cute siya.

Ako naman ang pumasok sa locker room pagkalabas ni roi. Mabilis akong nagpalit at kinuha ang backpack ko nandito din ang mga important things ko.

NAGLALAKAD nako pauwi konti nalang ang mga dumadaang tao at sobrang tahimik na. Expected naman yun dahil alas-dose na ng madaling-araw. Hindi katulad sa ibang lugar, tahimik at maagang nagpapahinga ang mga tao dito sa Eustis Town.

Napalingon ako nang biglang may tumunog sa likuran ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bigla akong kinabahan, humigpit ang hawak ko sa strap ng backpack ko. Gusto kong tunakbo at sumigaw pero hindi ko magawa.

Mas binilisan ko nalang ang paglalakad para maibsan ang kaba na nararamdaman ko. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko para mag dial ng emergency number.

Hindi ko maintindihan ang kaba na nararamdaman ko, paliko na ako sa kanto ng street malapit sa subdivision kung san kami nakatira.

Sa bilis ng pangyayari ay bigla nalang akong nahilo at natumba sa daan. Ramdam ko ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko dahilan para unti-unti akong mawalan ng malay.

"Tangina baka mahuli tayo, bilisan mo na." Yun ang huling narinig ko bago ako tuluyang pumikit. Pamilyar ang boses na iyon.

•~•~•~•~•~•

PLAGIARISM IS A CRIME.

This story contains typo and grammatical error.

I know who did itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon