Chapter 15

9.5K 282 260
                                    

Chapter 15

I Mean It


"Can you all lower down your voices?" strikto ang boses ni Eli nang sabihin niya 'yon sa kalagitnaan ng practice nila.

Sabado at narito kami para samahan si Ays. Hindi naman kasi p'wede na mag-isa lang siyang sasabak. Gusto rin naman ni Covy pumunta. Wala akong choice kundi sumama dahil ayaw ko namang manatili sa bahay. Uulanin lang ako ng mga masasamang salita roon.

"Bakit 'di ka kasali sa banda? Maganda naman ang boses mo," tanong ko kay Basti nang napagpasyahan naming lumabas.

Kaming apat, kasama si Covy at Terry. Galit na kasi ang leader nila sa amin. Kulang na lang bugahan kami ng apoy. Palagay ko sasaluhin lahat ni Covy sakaling maging totoo 'yon. Buga ba naman na galing kay Eli.

"Ayaw nga ng family ko. At alam kong 'di rin para sa akin."

"Ano'ng para sa'yo?" tanong ko habang kumakain ng chips. Galing 'to kay Lorcan. Hindi naman n'ya binigay sa akin, nilagay n'ya lang sa lamesa namin kanina.

"Hindi ko rin alam. Ngayon, masaya naman akong manager nila."

Natawa ako. I am not shaming him for that, I just laughed because of the way he said it. Akala mo naman ay international band na sila. Pero alam kong 'di malabong mangyari ang bagay na 'yon. Right now, they've been getting offers, but they're declining everything. They're doing it their way. They're buying their time. They're not in a rush.

"Nakakausap mo 'yong may-ari ng resto?" he asked when we stopped in a gazebo. Mainit kasi.

"Si Lei?" I asked him.

"Yup?"

Tumango ako.

"Ano'ng full name n'ya, Seth?" tanong ni Covy habang nakikinig sa amin. Si Terry naman ay napilitan lang sumama sa amin dahil ayaw naman niyang maiwan mag-isa sa studio.

"Leandro."

"Ah," si Covy na halatang walang ka interes-interes sa lalaking nakakausap ko. Hindi ko alam kung bakit parang boto na s'ya kay Lorcan.

Siguro dahil naikwento ko ang mga sinabi ni Lorcan sa akin. Kilig na kilig siya habang sinasabi ko ang mga sinabi n'ya sa akin sa araw na 'yon. She even told me to give it a try one last time. Ano ako? Pinsan n'ya? No!

"Pa'no na si Lorcan? Ang manok ko?" pang-aasar n'ya kaya natawa si Covy.

Sinamaan siya ng tingin ni Terry dahil malapit ang tainga n'ya sa bibig ni Covy.

"Katayin mo na," sabi ko at may naisip na laro para sa aming apat.

Tutal ay matagal pa naman ang klase namin, bakit hindi kami maglaro 'di ba? We should enjoy our highschool life! Kasi kung hindi, talagang pagsisihan namin 'pag laki. As much as possible, I want a lot of memories from my highschool life.

"Wala sa malayo! Within the quadrangle lang. Tang ina, porque nag-iisang lalaki ako na ang taya. Unfair ka talaga, Seth!" sigaw ni Basty habang tumatakbo kami palayo.

Hindi ako mahilig tumakbo pero ayaw ko naman maging taya. Kailangan kong makahanap ng magandang pagtataguan!

Nagkahiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan dahil sa sigaw ni Basty na tapos na s'yang magbilang. Dahil puro abandoned rooms ang nasa paligid namin, madali lang maghanap ng pagtataguan, at siyempre madali lang din kaming mahahanap dahil wala naman nang laman ang mga silid.

"Hay, minsan talaga ang swerte ko," nasabi ko nang may makitang room na maraming gamit. May mga cabinets pa na pwede kong pagtaguan.

"Don't lock the door—"

Cursed to You (Velocity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon