Part 19

40 4 0
                                    

Nako po napahaba ata ang tulog ko' nag mamadali naman akong nag lakad papunta ng Academy .

" magandang araw po kuya" nakangiting bati ko kanila kuya guard sabay takbo 'papuntang gym napailing nalang ako makita ang iilang kaklase ko sa labas ng gym at buhat buhat ang iilang karton papunta sa mga bus.

" nako po mukhang tapos na ata sila" nag lakad naman ako papunta dito at nakita ko naman sa di kalayuan sina Sarah kasama si Williams kaya lumapit naman ako sa mga ito.

"Cassandra?? teka?? okay ka lang? hingal na hingal ka ata?" nag aalalang tanong sakin ni sarah,

" uhmm ang totoo niyan tumakbo ako papunta dito kanina pa ba kayo??" tanong ko sa mga ito.

"haha mag dadalawang oras na rin " nakangiting sagot sakin ni Sarah nako naman dalawang oras na pala akong late.

"Late kana!! teka?? san kaba galing?" takang tanong sakin ni Williams sabay abot ng panyo nito' agad ko naman itong kinuha sabay punas sa mga pawis ko.

"sa bahay ang totoo kagigising ko lang 'thank you dito' papalitan ko nalang" sagot ko kay Williams sabay alis, kailangan ko mag attendance bago pa ako mahuli ng mga officers namin pa simple naman akong pumasok sa gym at agad ko namang inikot ang paningin ko nandito ang ibang officers namin at nandito rin si Connell tila nag lalagay ng iilang gamit ang mga ito sa loob ng karton.Napatingin naman ako sa isang lamesa sa tabi may nakapatong dito na iilang folder mukhang dito ata mag a- attendance sakto walang tao ' pa simple naman akong nag lakad papunta dito at tama nga hinala ko dito nga mag a- attendance .

" ito na nga yun" nakangiting bulong ko sabay bukas ng folder napakunot naman ang noo ko ng wala akong makitang ballpen sa tabi nito.

" Ano ba yan wala pa naman akong dalang ballpen " wala sa sariling bulyaw ko.

"need this?" rinig ko na bulong at maya maya pa ayy may umabot sakin na ballpen agad ko naman itong kinuha at di na nag abala pang tingnan ito.

" ohh thank you" wala sa sariling pag papasalamat ko dito habang nag susulat ng pangalan ' buti nalang at naka abot pa ako sa attendance nakangiting inayos ko naman ang mga folder sabay harap sa taong nag abot sakin ng ballpen.

"nako Thank you sa pag papa--- ...
..Tucker??" nanlaki naman ang mata ko makita si Tucker na nasa tabi ko na naka pamulsa at seryosong nakatingin sakin' agad ko naman inabot ang ballpen nito na agad naman nitong hinablot sa kamay ko.

" Are you done Miss Walker? " seryosong tanong nito sakin. Inis ko naman itong tiningnan tsk akala nito nakalimutan ko na yung ginawa nito sakin sa gym?? tinapon niya lang naman ang pantali ko sa buhok hmm.

"Your late Miss Walker" sagot nito sabay tingin sa relo nito.

"0o na late na ako" inis na sagot ko dito,sabay talikod bahala ka sa buhay mo nasisira ang araw ko sa tuwing nakikita ko ang lalaking ito, nag lakad naman ako papunta sa kinaroroonan nila Williams at tumulong na rin mag buhat ng iilang karton.

" oh?? san ka galing? bat ganyan mukha mo haha" takang tanong sakin ni Williams sabay lapag nito ng karton.

" nag attendance lang" sagot ko dito sabay lapag rin ng karton.

" Bat ganyan mukha mo??" natatawang tanong nito

"Wala...." walang ganang sagot ko dito sabay lakad. Nag patuloy lang kami sa pag bubuhat ng iilang karton ' maya maya pa ayy may lumapit sakin isang school officers taka ko naman itong tiningnan.

"Ikaw ba si Miss Walker? pinapatawag ka ni President sa gym" sagot nito sakin.

" bakit? anong kailangan niya?" tanong ko dito di naman ito nag salita.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now