I Walked Through The Door With You

87 4 1
                                    

"JISOOOOOO! TANGINA! HINAHABOL AKO NG MGA BABAE MO DAHIL HINAHANAP KA NILA SA AKIN!"

Pasigaw na bungad ni Lisa ng makarating sa condo at bakas sa mukha niya ang pagod ngunit di ko ito pinasin.

"Jisoo naman apakalandi mo tas di mo sila kayang harapin"

Reklamo ulit ni Lisa habang kumuha ng kung ano sa ref habang ako patuloy parin sa pagsscroll sa phone ko.

"Anyway Ji sabi ni Mr. Lim may big event daw and need ka daw nila na sumali to attract an audience kaya sinabi ko tanong ko muna sayo"

Sabi ni Lisa habang may hawak na softdrinks sa kanyang kaliwang kamay at chips naman sa kanan.

"Tell them my answer  is yes"

Maiksi kong sagot dahil busy parin ako sa phone ko.

"Noted"

Sagot ni Lisa at tumabi na siya sa akin habang binubuksan ang TV


"Alam mo Ji?"

Tanong ni Lisa na agad kong sinagot ng "Hindi"

"TANGINA"

Malutong na mura niya kaya napatawa ako ng bahagya

"Seryoso kasi ako dito Ji!

Reklamo niya kaya napatitig ako sa kanya sabay baba ng phone and said " ok fine. Ano yun?" Kaya napairap siya

"What I'm saying is are you sure na kaya mo ng makipagrace? Di mo naman siya need puntahan. You're still Jisoo The Great kahit di ka pumunta doon."

Seryosong sambit nito sa akin kaya nginitian ko lang siya sabay tapik sa balikat niya habang tumatayo ako papuntang kusina.

"JI SERYOSO AKO!"

Sigaw nila Lisa mula sa living room kaya sumigaw din ako ng "I KNOW!"

"JISOO MAY FAVOR PALA AKO"

Sigaw ulit ni Lisa mula sa living room kaya sumigaw di ako ng "ANO?"

"PWEDENG PAKUHA NG CHIPS PAGBALIK MO DITO? THANK YOU AGAD LABYO"

Sigaw niya kaya napamura nalang ako ng mahina.


..............................................



"Asan na ba si Lisa at sobrang tagal niya" bulong ko sa sarili ko habang papasok na sa room kung saan mag-uusap daw kami ng mga organizer ng event til napasigaw ako ng "Fuck!"

"Aray ko naman"

Sabi ng babae na nakaluhod habang pinupulot ang mga papel na  nalaglag nong binangga niya ako.

"Miss are you blind or stupid ka lang?" Tanong ko na may halong inis

"Excuse me lang miss pretty pero di ako bulag at lalo ng hindi ako stupid. Kayo nga nakaharang sa pinto eh" Sagot niya kaya lalo ako nainis


"For your impormation hindi ako nakaharang sa pinto dahil papasok pa lang ako dito because may business ako with this room. Ikaw lang tong di marunong tumingin stupid" sagot ko sa kanya kaya napakunot siya



"For your imformation too may business din ako dito sa room na iyo dahil need ko i meet yung isa sa pinakasikat na Racer here in our country kaya if you don't mind pwedeng padaan na?" Sagot niya kaya nag-init lalo ang ulo at nong sasagot sana ako biglang narinig ko si Lisa


"JISOO!" Sigaw nila Lisa na nakangiti kaya napatingin kami ni Miss Stupid ng sabay sa kanya.


"Sorry Jisoo medyo nalate ako kasi sobrang traffic  kaya yun" paliwang ni Lisa

"Jisoo?" Tanong ni Miss Stupid kaya napatingin kami ni Lisa sa kanya

"You mean Kim Jisoo?" Ulit niyang tanong kaya napailing ako

"Oo. The Great Kim Jisoo in your areaaa" Sambit ni Lisa na feel na feel pa niya kaya napahawak ako sa sentido ko.

"OH MY GHAD!!!" Sigaw ni Miss Stupid na ikanagulat namin ni Lisa kaya napatingin kami paligid namin na pinagtitinginan na din kami kaya napabulong ako ng "what the fuck?"

"Oh my ghad miss Kim Jisoo please patawarin niyo po ako" Sambit ni Miss Stupid na biglang lumuhod sa harapan ko at niyakap mga paa ko

"Pwede bang tumayo ka jan Miss Stupid? What the fuck?" Sambit ko at sobrang hiya hiya na ako dahil dumadami na ang tumitingin sa amin kaya tinitigan ko si Lisa sabay bulong ng "Do something!"


"Miss stand up please." Sabi ni Lisa at tinulungan ito para makatayo pero bakas sa mukha nito na nagpipigil ng tawa kaya inapakan ko ang paa niya kaya napasaigaw ito ng "aray"


"Sorry talaga Miss Kim Jisoo di ko alam" sabi ulit ni Miss Stupid na naluluha pa kaya sinagot ko siya ng "whatever"









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All To Well // JensooWhere stories live. Discover now