Chapter 5

141 10 1
                                    

" Bakit mo tinatanong? " Tanong ko

Ngumiti siya at sabing " Wala, pw-pwedeng ikaw ang kaibigan ni Maria sa fast life niya mag ka ugali kayo kasi, reincanation ganon "

Bigla akong nanahimik.

" So yun lang? "

Tamango siya at nginitian ako, bago siya umalis tinapik niya ako at umalis na.

" Nawa'y dina mag cross ang ating tandas " Bulong ko

Umalis nako sa lugar na iyon. Saking pag lalakad-lakad tumawag ang boss ko " Justin, pwede kanang bumalik sa trabaho " Sabi nito, kung tatanggapin kopa ang trabaho maaring pwede ko pang makita yung lalaki na iyon.

" Sorry sir, dina po pwede may work nako " Sagot ko at biglang patay ng telepono

" Oh anong sabi? " Tanong ni josh

" Wala sir dina raw siya babalik " Sagot nito

Iba na ang mundo ngayon 2038 na at dina 1999, galing ko mag tago ng lihim noh?

Ako si Maria Christina Dilag saaking unang buhay, kung may pag kakataon na babalik ako sa panahon na naging kami ng lalaki naiyon mas nanaisin ko nalang muling mabuhay sa ibang mundo.

Naalala ko rin ang aking unang buhay katulad niya dahil sa kaniyang istorya bumalik ang lahat.

Nag mamahalan kami sa panahon na iyon ngunit dahil sa ayaw ng magulang niya saakin naisipan ko'ng lumayo, sa ilang buwan ko'ng wala sa buhay niya diko alam na kakayanin niya na wala ako at nag pakasal sa ibang babae, kaya naisipan ko ang di maka d'yos.

Diko rin inaasahang mag kikita kami ngayon.

" Justin! " Tawag saakin mula saaking likoran, lumingon ako sa likod ko at nakita muli si josh

" Aishh, ano ba to? Tigilan mo nako " Bulong ko

" Teka, wag kang aalis riyan " Sigaw nito, di nga ako tumakbo dahil kumakain ako ng ice cream, sayang naman kung matatapon lang.

" Bakit dika bumalik sa pinag tra-trabahoan mo? " Tanong nitong hingal na hingal " Dina, diko na kailangan ng work " Sagot ko

Bakas sa muka niya ang pag kapagod kaya binigay ko tubig ko sakaniya, pero yung ice cream ko kinuha niya, ang linaw naman siguro ng tumblr na hawak ko.

" Thank you " Sabi nito, kumukulo dugo ko!

" Pigilan mo sarili mo de dios ice cream lang yan pwede kapa bumili ng bago "

" Eh ang mahal nu'n! "

" Okay lang yan, gwapo naman kumain ng ice cream mo "

" Wala akong pake, yung ice cream nayan mahal na favorite kopa! "

Pag tatalo ng isip ko.

" Oh bakit parang nang iinit ulo mo? " Tanong ni Josh

" Ah wala, sayo nayan! Wag kanang mag papakita ah! " Galit kong umalis sa harap niya

Ice cream lang yun pero sobra galit ko, baka pati sa ginagawa niya saakin sa fast life niya sinama kona o dipa sapat yun dapat sinuntok kona.

Bumalik ako sa bahay namin na masama ang loob sa cullen na yun.

" Bakit ang aga mo ata? " Pag tataka ni mama

" Na tangal nako sa trabaho, at di na ako babalik " Sagot ko

" Bakit naman? May ginawa ka bang kasalanan? " Tanong ni mama

" Wala naman ma " Sagot ko

Dina kumibo si mama. Ilang oras nakong tunga-nga dito sa kuwarto ko ang boring pala kapag walang ginagawa.

Dahil sa sobrang boring ng buhay ko ngayon,pumunta ako sa store na malayo pa sa bahay namin.

" Ito lang po ba sir? " Tanong ni ate girl

" Opo, thank you- " Biglang may nag salita sa likod ko kaya natigil ako " Ito pa miss sama mo na riyan ".

Ang famiryal ng boses niya kaya tumingin ako sa likod ko, si josh! Dahil sa naka hoodie naman ako kinuha kona binili ko at tinago ang muka ko.

Pero di ata epective.

" Hepp "

Biglang hila nito sa damit ko, bakit ba ang hilig niyang hinihila damit ko!

" Bakit ba? " Tanong ko

" Akina binili ko" Sabi nito, hinalungkat ko ang plastic at binigay ang binili niya " Oh yan na! "

" Oh de tara- " Natigilan siya ng nag salita ang cashier na babae " Sir josh, pwede po bang mag pa photograph sainyo? " Tanong ng babae, sumang-ayon naman siya kaya pwede nakong umalis.

Naka alis nga ako pero di naman ako makaka alis ko'ng walang sasakyan, eh bakit kasi di nalang malapit saamin ang arte-arte pa!

" Hoy! " Sigaw saakin ni Josh, dinilaan ko muna siya at tumakbo

Best runner ata to! Ang bilis niyang tumakbo, hingal nako kaya naupo ako sa gilid " ahh ayaw kona! Mama! " Sigaw ko

Tumawa ito at umupo sa tabi ko.

Nakita kong tunaw nanaman ang ice cream na binili ko dahil nanaman sakaniya.

" Oh bakit ka umiiyak? " Tanong niya

Pinakita ko ang tunaw na ice cream sakaniya, tapos tinatawanan lang ako.

" Tara, bili tayo bago " Aya niya saakin

Tumayo ako at sinundan siya, binilhan niya ako malay ko ilan binili niya, naka uko lang kasi ako.

Lumabas na siya ng store kaya sumunod na rin ako " Oh yan na, ang dumi mo naman umiyak parang ice cream na natunaw lang naman yan "

Tumingin ako ng seryoso sakaniya kaya tumahimik siya " Kumain ka nalang " Sambit nito habang di maka tingin sa'kin

Hinila niya ako at binuksan ang kotse niya. " Gagawin ko? " Tanong ko habang binubuksan ang plastic ng ice cream, bigla niyang kinuha ang buong plastic kung san andon ang binili niyang masasarap na ice cream

Umikot siya papunta s driver sit.

" Papasok o itatapon ko ito "

Sumakay na lang ako sa dina nag salita " San papuntang bahay niyo? " Tanong niya

" Eh? Pano kung makita ka ni mama, wala akong tiwala sa muka mo, pag nalaman mo bahay namin pwede kang punta ro'n any time na diko alam "

May isip rin ako noh, sabi ko ayaw kona makita muka nito tapos dahil sa ice cream rurupok nako, hay nako.

" Itatapon ko talaga toh "

Tinuro kona nga ang bahay namin, at naka rating naman ako ng ligtas.

" Oh thank you! Akina ice cream ko " Bigla kong hablot sa plastic at pumasok na sa kuwarto, sakto naman nakita ko si ken na papasok sa bahay naman

" Nako po! Hoy umalis kana! Dalian mo! "

" Bakit? " Tanong niya

" Umalis ka nalang ng mabilis, andiyan na si ken "

Dina siya pa nag tanong at umalis nalang nga.

Reincarnation [ JoshTin ] × [ Sb19 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon