Heartless Sweetheart

27 1 0
                                    

"Vincent Regor, right?"

Nag-angat ako nang tingin sa babaeng naglahad ng palad niya sa harap ko, bahagya ko pa itong tinitigan bago iabot ang kamay ko. Halos pasigaw akong sumagot dahil sa lakas ng sounds dito sa bar. Minu-minutong may lumalapit sa'king mga babae upang magpakilala.

Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin ang mga kaibigan ko, gusto ko ng umuwi dahil hindi naman ako nag i-enjoy. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako sumama sakanila eh hindi naman ako laman ng bar.

"Hoy, Luis!" Agad kong hinatak ang braso ng kaibigan kong si Luis nang makita kong akay na niya ang isang babae. Natawa ako dahil halatang inis na inis 'to sa'kin.

Sinamaan niya lang ako nang tingin bago hawiin ang kamay ko. "Alam mo Regor? Ikaw ang tinik sa lalamunan ko! Bakit mo ba ako hinatak?"

Ako ang tinik sa lalamunan niya dahil hindi natuloy ang binabalak niya, kaya ako nasasabihang babaero ng dahil sa lalakeng 'to, eh! "Hindi naman nakaka enjoy 'to! halika na bumalik na tayo sa condo! Nasaan na ba sina Jeno?" Nakita kong sumimangot pa siya bago ako hinatak sa isang table kung saan may isang babaeng naka upo.

"Ang aga pa, tanga! Chill ka lang riyan. Kausapin mo 'yang si hot girl, para naman mag-enjoy ka!" Tinapik niya ako sa balikat bago nilingon ang babaeng nasa tabi ko. "Ilabas mo na ang tinatago mong landi, bro! 'Wag ka na magpanggap!"

Tatayo na sana ako para batukan siya, pero bigla na itong tumkbo sa kinaroroonan nung babaeng kasama niya kanina. Ang lalakeng 'yon, halos araw-araw ata ay nakakatikim ng ligaya, eh.

Kaagad akong napalingon sa babaeng nasa harap ko, walang emosyon ang mga tingin niya, blangko ang mga mata. Hindi ito gaya ng mga babaeng nasa paligid, tahimik ito at walang pake sa mga lalakeng lumalapit sakaniya, muntik pa akong mapagkamalan na boyfriend niya.

"Uhh... miss oka---" Naputol ang sasabihin ko nang bigla itong nagsalita at iniabot ang isang shot glass sa'kin bago salinan ng cuervo.

"Hindi ako nakikipag landian." Tinitigan niya ako na para bang sinasabi niyang lagukin ko na ang binigay niya. Kakaiba ang babaeng 'to, ah!

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sakaniya, bahagya pa akong natatawa dahil tatanungin ko lang naman kung okay lang siya. Para kasing hindi siya okay, eh. Tapos pagkakamalan niya lang akong lalandiin siya?

"Don't worry, miss! Hindi naman ako nakikipaglandian kung kani-kanino." Ngumisi ako at ininom na ang alak na binigay niya, nakita ko rin ang bahagya niyang pag ngisi. "Ikaw lang ba mag-isa? Wala ka bang kasama?"

Lumingon ito sa magkabilang direksyon niya at tsaka ibinalik ang tingin sa'kin. "May nakikita ka bang kasama ko? Wala, kaya ano sa tingin mo?"

Ang babaeng 'to! Ipinaglihi ata sa sama ng loob, eh! Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya makipag-usap sa mga taong ngayon niya pa lang nakikilala. "Ganiyan ka ba talaga makipag usap sa iba?" Tanong ko nang makita kong tumingin ito sa'kin.

"Depende." Sumimsim ito ng alak bago magsalin ulit.

Pinagmasdan ko lang ang mukha niya, nasa mukha niya na nga ang pagka masungit. Maganda siya, at 'di naman mapagkakaila dahil sa dami na rin ng lumalapit sakaniya simula ng pumunta ako sa table niya. Pero lahat ng 'yon tinanggihan niya.

Napabalikwas ako sa pagkakatitig sakaniya ng marinig ko ang pagtawag sa'kin ng kaibigan kong si Lucas. Nasasapawan pa ng bunganga niya ang tugtugan, daig pa niya ang speaker.

"Hoy, Marley! Titig na titig, ah?" Nagpapalit-palit ang tingin niya sa'kin at sa babaeng kausap ko, napatakip pa siya sa bibig niya nang makita niya ang babae. Hindi ko alam kung lasing na ba siya oh ano, eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartless Sweetheart ( ONE SHOT )Where stories live. Discover now