Ginny's POV
"How's your first day, princess?" - tanong ni papa sa'kin.
"Have you met new friends?" - tanong naman ni mama.
"Ma, Pa, imposibleng hindi makahanap ng bagong kasama o kaibigan yang si Ginny. Kahit siguro itaboy siya ng mga gusto niyang makasama, kukulitin at kukulitin pa rin niya." - napairap ako sa sinabi ni kuya. Ang sweet niya talaga! Grabe!
"Pa, okay naman yung first day ko sa SU. Ma, yes. May bago na akong mga kaibigan sa SU. Actually, classmate ko po si Chin. Pati yung boyfriend niya, at mga barkada nila. Sila po ung mga kasama ko ngayon. Lastly kuya, for your information, sila ang lumapit at hindi ako."
"Buti naman kung ganun. Alam ba nila na ikaw ang may-ari ng school?" - napatingin ako kay papa. "Nailipat na ni Dad sa pangalan mo ang kalahati ng pagmamay-ari niya sa SU. Hindi na daw kasi niya kayang ihandle dahil tumatanda na siya. Pagkatapos ng graduation mo, itetraining ka nila doon o pwede din ngayon at pwede mo ng ihandle ang school, you, together with the grandson of Mr. Valderama."
"Alam po ng mga bago kong kasama na apo ako ng founder pero sa mga classmates at schoolmates ko, ang alam nila isa lang akong regular student."
Tumango-tango naman si papa.
Pagkatapos ng dinner, dumeretso na ako paakyat sa kwarto ko. "Ano kayang magandang gawin?" - tanong ko sa sarili ko.
Ng maalala ko yung plano ko. Kinuha ko yung laptop ko sa study table ko tyaka nag-open ng facebook account. Kaagad kong hinanap yung facebook page ni Marco. "Grabe naman. Isang araw lang akong hindi nagbukas ng account, flood na nga ako." - para lang akong baliw na nagsasalita mag-isa dito.
Teka... Joseph Marco... Marco Polo? Ayy. Ano palang apelido ni Marco? "Tae naman oh!" - kainis lang ha? Napapansin ko lately napapalpak ako sa mga plano ko. Paano ko hahanapin si Marco kung hindi ko alam yung surname niya? Ugh!!
I'm about to close my laptop when something caught my attention.
**
Excited ako sa pagpasok. Syempre may plan B na ako. Nasa parking na ako, buti nalang may space pa. Kaagad akong bumaba. Nakita ko pa si kuyang guard kaya nginitian ko siya.
Papasok na ako sa room nang makasalubong ko si Marco. Napatigil kami pareho. Nagkatinginan kami sa isa't-isa. Bigla na naman nagreact yung puso ko. Bakit ganun? Lagi nalang ganyan yung reaction ng puso ko kapag nakikita ko si Marco. Kapag nakakasama ko siya.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya na ngumiti sa'kin tapos tuluyan na siyang pumasok. Oh My G! Ngumiti ba talaga siya? Anyare? Ngumingiti na ngayon si Marco. Geez! Anong nakain nun? Oh my! Kung ano man ang nakain niya, sana araw-arawin na niya.
Nasa loob na din pala sina Liam. Lutang pa din ako kasi nga nakakapanibago si Marco. Siya? Ngumingiti? Isang lalaking masungit? Marunong ngumiti?
Tao din naman siya kaya pwede at may karapatan naman siyang ngumiti.
Sabagay, may point yung other side na sinasabi ng utak ko.
BINABASA MO ANG
Mister Masungit meets Miss Makulit (Genuine Love)
RandomWhat if Mister Masungit meets Miss Makulit? Si Marco Valderama a.k.a Mister Masungit, not typically na Harsh kung makapagsalita at Hard kung makapanasakit, may pagkasuplado lang talaga at Si Makulit a.k.a Ginny Valdez na nasobrahan sa kadaldalan at...