Chapter 6

5.7K 111 1
                                    

CHAPTER 6

Abala si Katelyn sa pagpipintura ng magiging unit niya nang makarinig siya ng doorbell. Hindi kaagad siya kumilos upang tingnan kung sino dahil wala naman siyang hinihintay na bisita. Bukod pa sa hindi pa siya nakakalipat sa nasabing kwarto. Wala pa ring nakakaalam noon kundi ang Mommy niya at si Anika.

Muli niyang narinig ang doorbell. Noon siya kumilos. Inilapag niya ang brush at nag-iisip na nilapitan ang pinto.

"Hi." Napasinghap si Katelyn nang makita ang nakangiting si Seoff ang nasa bungad ng pinto. Parang saglit na tumalon ang puso niya dahil sa gulat. Bigla tuloy siyang kinabahan.

"Anong ginagawa mo dito? At saka paano mo nalamang 'tong unit ko?" taka niyang tanong. Napakamot ito sa ulo.

"Kay Anika." Sagot nito. Lalong kumunot ang noo niya. Hindi niya alam na nag-uusap pala ang mga ito.

"Si Nikka? Bakit?" tanong na naman niya.

"Pwede, papasukin mo muna ako?" imbes ay tugon nito. Wala siyang nagawa kundi lakihan ang bukas ng pinto upang makapasok ito.

Kaagad na nilibot ng tingin ni Seoff ang maliit na kwarto. Wala pang gamit at mga dyaryo at pintura pa lang ang nakikita nito. Sumunod siya dito habang pinagmamasdan ito.

"Pwede na." saad nito at tumingin sa kanya. "Bakit ikaw lang ang gumagawa?"

Kumibot ang labi niya. "Gusto ko lang. I want to design this place. At saka maliit lang naman ang space. Kaya ko na. Sandali nga. Ano bang ginagawa mo dito?"

Ngumiti ito. "Helper mo."

Ngumiwi siya. "Hindi naman ako nagpapatulong."

"Pero gusto ko pa ring tumulong." Sagot nito.

"Istorbo ka lang." Pagsusungit niya at tinalikuran ito. Itinuloy niya ang naiwang trabaho. Alam niyang sumunod ito sa kanya.

"Hindi ako istorbo. Ikaw lang ayaw tumanggap ng tulong. Hindi ka ba nalulungkot dito? Mag-isa ka lang." Anito.

She snorted. "Hindi. Baka ikaw."

"Of course. Nakakalungkot ang palaging mag-isa." Sagot nito at natigilan siya. Tumingin siya dito.

"Matagal akong tumira sa New York. I'm with my relatives there but I live alone. Kaya alam ko ang pakiramdam ng independent. You will take care of yourself. Lalo na kapag may sakit ka." Sabi nito.

"Kaya ka ba umuwi dito?" she asked. Nagbuntong-hininga ito. Bahagyang lumayo at sumandal sa mesa na pinaglalagyan niya ng mga hindi pa nagagami na pintura.

"Siguro. But I enjoyed my life there. Marami akong natutunan sa pagtira doon. Ayaw ko lang doon tumanda. I want to settle here." Sagot nito.

"Kasama ba 'yan sa planong sinabi mo?" muli siyang nagtanong.

"Nagkibit-balikat ito. "Yeah. I want to fall in love here."

"Talaga? Corny mo." Sabi at biglang napatawa. Marahil hindi niya inaasahan na sasabihin ng isang katulad nito ang ganoong bagay. Ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Natigil tuloy ang pagtawa niya.

"Sorry. I didn't-"

"Lalo kang gumaganda kapag tumatawa. Hindi mo ba alam 'yon?" sabi nito.

She gaped. Mabilis niyang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi niya. She knew she blushed. Hindi niya napigilang mapatungo at pasimpleng lumunok. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang kanyang naramdaman.

"H-hindi." Mahina at tila nahihiya niyang sagot.

"Now you know."

Muli siyang tumingin dito. Ayaw niyang gawin iyon dahil alam niyang maiilang siya ngunit hindi niya mapigilan. He looked at her half smiling. Tila may hindi maipaliwanag na damdamin din siyang nakita sa mga mata nito.

The Game LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon