Gastadoras GC
Andie:
Girls 😭Mavs:
Pusta ako isang milyon lubog ka na naman sa crush mo.Andie:
Nag text na naman kasi sa akin huhu.
Wala lang naman yung message pero hayup na yan
kinilig na naman ako. 😭Isha:
OMG! Tingin nung message dali!Mavs:
Ano ba yan! Paka cold naman nung mga reply mo sa kanya!Isha:
Mhie... bakit naman thumbs up lang yung reply mo sa dulo 🤦♀️Andie:
Ay bakit ano ba dapat sabihin?
Tsaka para lang akong cold nyan pero
deep inside nag wawala na talaga ako 🤧Isha
Sana man lang tinanong mo kung kumain na ba siya
o nag volunteer ka na ikaw na gagawa nung brownies
tutal pastry chef ka naman! Sisiw lang sayo yan!Andie:
Eh baka sabihin ang feeling close ko naman!
Di nga kami close. 🤧Mavs:
Nag ch-chat siya sayo, paanong di kayo close?Andie:
Puro work related nga lang pinaguusapan namin
tsaka pag may itatanong siya sa akin na recipe. 🤧Isha:
O eh pareho kayong chef. Work nyo ang pagkain.
Kaya pwede mo siyang tanungin kung kumain na ba siya. 😇Mavs:
HAHAHAHAA may point si Isha! 🤣Andie:
Ewan ko sa inyo huhu.
Pero alam nyo nakakainis yan i-stalk!
Yung twitter niya walang laman. Hindi ma tweet.
Nag open lang ata para palitan yung profile pic nya eh.
Ayan couples dp kami. Yung IG niya onti ng pictures.
Tapos yung fb sobrang private!Isha:
Stalk lang ba? Akong bahala diyan. Anong full name?Andie:
Nathan Suarez.Isha:
Girl ang private nga ng account niya haha.Andie:
Di ba? Kainis!Mavs:
May jowa ba yan?Andie:
Hindi ko alam! As in wala akong masyadong alam sa kanya.
Nakasama ko lang siya once nung may
out of town client yung hotel namin tapos ako yung pinadala
para mag luto ng dessert tapos siya naman sa main dish.
Pero pag sa hotel, halos hindi kami nag kikita
kasi ang layo ng pastry kitchen sa hot kitchen
kung saan siya designated.Mavs:
Pero finofollow nyo na isa't isa sa ig?Andie:
Oo kasi may need ako noon i-send sa kanya na
plating na nakita ko sa IG kaya
finafollow na namin isa't isa doon.
BINABASA MO ANG
Deleted (An Epistolary Story)
RomanceIt all started with a happy crush---until feelings starts to get deeper.