Chapter 2

47 2 1
                                    

*2

 

Marga's POV

 

Isang lingo na ang nakalipas ng natalsikan ako ng putik ng gagong lalakeng yun from Kings Academy. Hanggang ngayon hindi parin ako maka get over sa accidenteng yun (kahit na binigyan nya ko ng pambayad).

 

Andito lang naman ako sa canteen. Nakatunganga. Well, kasama ko naman ang tatlo kong bagong matatalik na kaibigan. The fact na 1 week pa lang kami nagkakakilala eh bestfriends na agad kami. Si Toni, anak lang naman sya ng isa sa may-ari ng pinakamalaking shipping company dito sa Pilipinas. Si Ina na anak ng batikang aktres na si Valentina Narda. At si Jane na anak ng ambassador ng America dito sa Pilipinas. Oh san ka pa? Hindi kapanipaniwalang magiging kaibigan ko sila d ba.

 

"Hey Marga! Bat nakatunganga ka naman dyan?" sabi ni Ina while tweeting about how strict our teacher was in Chemistry.

 

"Maybe he's still thinking about that boy from Kings Academy. Uy!" sabi ni Jane.

 

"Akala ko ba aral muna bago landi Margs? Asan na?" patawang sabi ni Toni.

 

Nagtawanan silang tatlo at ako naman ay nag-iisip parin sa kanya eh este nag-iisip para sa next subject namin.

 

"Ano ba kayo girls, napaka judgemental nyo talaga. Porket nakatunganga lang eh nag iisip agad sa mokong na yun? D ba pwedeng namimiss ko lang ang mama ko?" sabi ko sa kanila.

 

Hay naku! Pero kapag makita ko lang ang lalakeng yun, humanda talaga sya sakin. Ipapakita ko sa kanyang nagkamali sya ng binangga!

 

Kriiiiiiiiiing————-*

 

"Oh tapos na ang lunch break girls!" dali-dali kong sinabi sa kanila at baka naman ma late pa kami d ba.

 

 

"Oh My G Margs! Malalate na talaga tayo nito." Nababahalang sabi ni Ina

 

Eh ikaw ba naman ang matapilok sa hagdanan sa kakamadali nyo. Tignan ko lang ko makabangon ka pa.

 

"Mauna na nga kayo. Iwan nyo na ako dito." pa emote kong sabi sa kanila, alam mo na bestfriends kaya di kayang iwan (evil laugh)

 

As expected hindi nga nila ako iniwan. Kaya ang ending late kami pare pareho sa Grooming class naming. Eto si Jane ginamit ang pacute nya para hindi na kami mapagalitan ni Madame Stella. Effective naman. Pinaupo na lang kami ni Madame dahil may importanteng sasabihin daw sya.

 

"Okay settle down girls. I have an announcement for you. All students of Queens Academy are required to attend the acquaintance party together with Kings Academy students."

 

Napasmile ako bigla sa sinabi ni Madame. There is no other good opportunity to meet him again pero sa acquaintance party na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Queens vs KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon