Prologue

161 7 5
                                    

/<\NARRATION/>\

Rein's POV

Maybe this is the time...

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang siyang pagtigil ng mundo ko.Bigla akong napatigil sa gitna ng kalsada.

Hindi alintana ang samo't saring tunog ng iba't ibang sasakyan na nagpapalis sakin.

Ito na talaga....handa na ako...papakawalan na kita...

Pumikit ako at ninamnam ang ulan sa buong mukha't katawan ko.

"This is the last time my love....i love you...goodbye..."

And the lats thing i knew,kadiliman na ang nakita ko.

This is Rein Bautista, promising to love Uno Sebastian Marquez till my last breath.

This is the end...goodbye...

*Bippppp*

Hahapo-hapo akong napaupo sa gilid ng kama ko habang nanlalamig ang katawan ko.

That scene hunt me in my dream again.

I tried to move my hand but i can't. Nang tingnan ko ang kamay ko ay napabuntong hininga ako ng makita ang dextrose na nakakabit doon.

Hindi pa pala naaalis ng nurse?

Mahina ang mga galaw na inayos ko ang pagkakaupo ko at napatingin sa kawalan.

It's been 4 months since that incident happened.

Of course, ang daming nagbago. Ang daming nagulo. Ang daming nawala.

While running away to those two that night, nabundol ko ng isang truck. I was so unconscious that time. Ang alam ko lang, may malakas na liwanag akong nakita kasunod ng nakakabinging tunog.

After that, nagising nalang ako na nasa isang putinh kwarto ako. May umiiyak sa tabi ko at patuloy na humihingi ng sorry.

Wala man lakas, pinilit kong tingnan kung sino yun and i was so shock that time. Hindi ko inaakalang si Uno 'yon.

My Uno....

He keep saying sorry and please forgive him.

Wala akong lakas ng mga panahong 'yon. Gusto ko man siyang patahanin at sabihin sakaniyang wala siyang ginawang mali, i have no energy. Hanggang sa nakatulog ulit ako ng hindi niya namamalayan na nagising ako.

Kinaumagahan na ng magising ako. Doon ko nalaman ang totoong nangyari. I was in coma for almost 2 weeks.

Takot na takot na si mommy. Even Dad. Grace, Jel and Queen almost die. Matapos pala nilang malaman ang nangyari sa'kin, pinuntahan nila si Uno.

Naaksidente sila sa sobrang pagmamadali na masuntok si Tian.

Doon din nalaman nila mommy na si Uno ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Oh well, based lang naman sa kwento nila Grace because i'm in coma that time, halos lumuhod daw si Uno sa harap nila mommy habang umiiyak.

Hindi ko na din pinakinggan ang iba pa nilang kwento kasi ayaw ko ng maalala ang gabing 'yon.

Gabing sinabi ko sa sarili ko na titigil na ako. Na papakawalan ko na siya.

Tama na ang ilang taon na pagpapakatanga. Halata namang mahal na mahal nila ang isa't isa at ako lamg yung anay doon. They both loved me as their bestfriend. Okay na ako doon.

As long as they're with me. I'm fine with it.

But yeah, things are not the same.

Lumayo si Uno and Franse for mine and their own good. Ayaw man nila pero hindi nila kayang nakikita akong nasasaktan.

Sabi ko nga okay lang, kasi balak ko na rin namang lumayo pero nauna sila.

And today, today is the big day. Ngayon na ang araw kung kailan ako makakalabas sa hospital na parang naging pangalawang tahanan ko na ng 4 months.

Napakurap ako ng may marinig na tunog. Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan at kanina pa rin nagr-ring ang cellphone ko.

Gamit ang kaliwang kamay, sinubukan ko itong abutin ito sa may table ngunit hindi ko magawang maabot. Hindi pa naman ako ganoon ka-fully healed kaya hindi pa bumabalik sa dati ang lakas ko.

Inabot ako ng ilang minuto bago mapagtagumapayang makuha ang cellphone ko.

Saktong paghawak ko ay ang pagkatigil naman ng tawag.

Napailing ako at tiningnan kung sino ito.

Biglang nanindig ang balahibo ko sa buong katawan. Bigla din sumikip ang dibdib ko because of unknown reason ng matitigan ang unregistered number na nakailang missed call sa cellphone ko.

"This number is familiar..." Bulong ko sa sarili ko.

Pinagkatigigan ko ito at halos maitapon ang cellphone ko sa kawalan ng maalala kung saan ko ito nakita.

4 months ago, at exactly 6 in the evening. I was singing while recording in the living room of my condo back then when suddenly my phone rang.

I received a message from unknown person slash number. Saying that i should go to our memorable place to see the reason why should I let Uno go.

At dahil magulo ang utak ko ng mga oras na 'yon, hindi ko na pinansin kung sino ang nagpadala ng message.

Na hanggang ngayon ay palaisipan sa'kin. Halatang wala ni isa sa kaibigan ko ang nagmessage sa'kin non. Hindi halatang may magsisinungaling sakanila.

And knowing them, tamad pa sila sa tamad. Hindi sila mag-a-aksaya na bumili ng new sim card at i-text ako.

And now, nandito nanaman. Nagpaparamdam nanaman.

Walang pagdadalawang isip na tinawagan ko ang numero. Ring lang ito ng ring ngunit walang sumasagot.

Frustration ate me.

Hindi ko mabilanh kung ilang beses ko pinindot ang call button. Hindi ko mabilang kung ilang minuto o oras aking naghintay bago niya sagutin ang tawag.

"Ugh! Fuck this! Isa pa talaga, kapag hindi mo pa 'to sinagot ipapahanap kita!" Nangigigil kong bulong.

I dialed again the number.

Ilang minuto itong nagring hanggang sa sagutin niya bigla ito. Nabigla ako. Nanginginig man at naghihina, i tried my best para kausapin ang nasa kabilang linya.

"Hello!? Who the fuck are you? Anong kailangan mo sa'kin!? Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako nakakulong sa hospital na to ng almost 5 months!? Hah? You piece of sa shit! Talk! Wag kang duwag! Kausapin mo ako!"

Habol habol ang hininga ko ng tumigil ako sa pagsasalita. Para rin namang walang naririnig ang kausap ko kasi ni kahit tunog ng paghinga ay wala akong naririnig.

Is he playing with me!?

Magsasalita na sana akong muli ng may marinig na akong boses.

At last.

"I'm sorry..."

Nabitawan ko ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko. Tuluyan ko ng nahigit ang hininga ko.

That voice....

Is it possible?

Gosh!

Thank you, Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon