A Night with Mr. Pride

331 2 1
                                    

Ano kaya mangyayari ngayon? Naiinis na ako kasi sa lahat ng practices namin sa Prom, bihira lang uma-attend si Lloyd Villafuerte, my very handsome partner. Di talaga ako nag-expect na siya maging partner ko gosh! Pero bukod dun, naiilang ako pag kasama siya kasi makikita mong maraming nagbubulungan sa harap namin. Sikat kasi sa school namin ang mokong na to.

Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng tanungin ako ni Sir Ryan.

"O Ms. Bermundo? Bat di mo pa kasama si Mr. Villafuerte?" "Mahahanap ko rin yun Sir." Naiinis kong sabi at saka umalis na si Sir. Nakakainis tong Lloyd na to! Di porket gwapo siya at ako panget.. (Sa paningin nila) ay mas uunahin niya pa ang bwesit na pride niya.!! Oo, ma-pride siya! Nakakahalata naman kasi. OA na ma-PRIDE pa. Gusto niya yung partner na ka-level lang niya. Di kagaya ko na hindi gaanong mayaman. Pasalamat na lang siya at maganda ako NGAYON.

"Xheena, you're beautiful. Wag mo silang pansinin. Masisira make-up mo niyan. OK?" Sabi ko sa sarili ko.

"Xheena, your partner. Ayiiiie." Bulong ni Faye, One of my closest friend.

Nandito na nga ang Mr. Pride ng Sacred Heart University. Hindi man lang bumati. Ay sh*t this life. Worst feeling ever. Ni-isang letter wala siyang imik.! Nakakabitin!

--

"Go Xheena, smile. Ayiiiiie. Haha."

Dinig na dinig kong sabi ni Kaycee. Ngumiti na lang ako bilang ganti. Gusto nilang ngumiti ako kahit di ko gusto. Sh*t. Di ako sanay ngumiti parati ano! Magmumukha lang akong clown. At itong pagmumukmok ko ang sagot sa tanong nila kung bakit lagi akong ganyan. E ganito naman talaga ako e. Wala nang makakapabago nun.

--

"Gosh! Sh*t! Sh*t! Humaygad! Nakakahiya. Sana busy sila. Huhu." Panay ang kapit to sa kamay ni Lloyd habang umaakyat sa stage na na dala dala ang napakahabang gown. Argggggh! Ako lang talaga nagsasalita! Kainis! At aba, napaka-cold ng mokong nato. Akala niya siguro ako lang ang mapapahiya a.

Nakakabwesit. May judge pala sa likod ko. Sana di nila narinig sh*t.

At nakatungtong na rin. Hay salamat! Tinanggap ko ang walang kabuhay buhay na pulang rosas! Sh*t pati ba naman ito? Naiinis na ako Lloyd ha.

Nakapunta na kami sa upuan namin at di na naman niya ako inalalayan! Nananaig talaga ang pride ng letseng mokong na ito.! Kahit ngayon lang please? Wag ka namang ma-PRIDE. binubwesit mo ang gabi ko. Wala na bang natitirang side mo na maging friendly? Bullshit!

Mabuti at nakababa narin. Wala ng ginawa ang gabi kong ito kundi ang sirain ito. Nakakaiyak na. Sa dinami daming gwapo sa buong mundo siya pa talaga tong nakakainis na, masyadong ma-PRIDE. Lesheng buhay to. Sana panaginip lang 'to. Tumutulo na ang luha ko. Buti ako lang nakakapansin sa sobrang dilim.

Nawala ako sa pag-iisip nung may kumalabit sa akin. "Alam mo ba yung mga sasayawin mamaya?" Aba! Naglakas-loob na magtanong sh*t. "Absent pa more." "May binubulong ka?" "Uhhm. W-wala. Ano nga ulit?" "Ang tanong ko, alam mo ba yung sasayawin mamaya.?" "O-oo." "Di kasi ako marunong." "Yan! Buti alam mo! Absent ka kasi ng absent bat di ka gumaya sa girlfriend mong reyna ng ka-late-an." "Ano?" "Ah. Wala. Ang sabi ko, tumingin ka na lang sa mga steppings tutal malayo pa yung sa atin. Pare-pareho lang naman yan. Ok na?" "Oh. I see. Thanks" malamig nitong sabi.

Aba't nagpasalamat. May kabaitan ka rin palang tinatago. Pero bwesit ka parin! 3 years ang inantay ko ma-accept mo lang FR ko sayo pero di mo kino-nfirm. Damn you! Nag cancel request na lang ako. Nakakabwesit na e.

Gosh, nanlalamig ako. Bahala nang mapahiya tutal sa practice pa lang, hiyang hiya na ang gandang di ko inakala. Geez, nanlalamig ako. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay na nanginginig. Ano nangyari dito.?

A Night with Mr. Pride (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon