CHAPTER 35: To The Rescue

1.3K 53 2
                                    

CHAPTER 35:

Jasmuels' P.O.V.

"That would be all, class. See you next semester!" Huling pangungusap ng aming professor bago tuluyang lumayas ng classroom. Bakasyon na!

Mabilis na nagsilabas ang mga kaklase ko kaya hindi na rin ako nakipagsiksikan sa kanila at pinauna na. Naiwan kami nina Jamie at Seb dahil nagpapaunahan silang lumabas.

"Hindi naman sila ganu'n ka-excited, 'no?" sentemyento ni Jamie.

"Hamo na, bakasyon naman na eh." Sabi ko sa kanila at lumabas na ng classroom.

Akala ko nakalayas na 'tong mga 'to pero nagkakagulo sila sa may harap ng bulletin board na hindi lalayo sa room namin.

"Ano kayang meron?" Rinig kong tanong ni Seb.

"Baka may scandal." Sagot ng kaibigan niya.

"Halika lapitan na natin." Nanguna nang lumakad si Jamie na sinundan namin ni Seb. Hinawi niya ang mga tao para makita namin kung ano ang pinagkakaguluhan nila doon.

And it's an announcement.

"All Bachelor of Science in Business Administration students are invited to the yearly year-end party on March 29, 2015, 9:00 in the evening, at Aracama Restaurant and Lounge in Taguig City. Payments will be given at the Students Affairs Office to Mr. Jose Sancho, BSBA President." Klarong pagbabasa ni Jamie.

"Eh may party naman pala na magaganap eh. Pupunta ba kayo?" Sabe at tanong ni Seb.

"Game ako d'yan! Ikaw, Jas?" Tanong naman ni Jamie at tumingin sa akin.

Pinaglaruan ko ang labi ko habang nag-iisip. Bakit ba kailangan ko pang pag-isipan kung aattend ako? May inhibitions, gano'n?

"Let's see. Baka may schedule ako that day eh." I said.

"Owkay." Jamie said at naglakad na kami.

***

"Tito may schedule ba ako ng 29?" Excited kong tanong kay Tito Ogs nang maupo kami sa loob ng opisina niya.

Umikot siya at naupo sa kanyang desk. Binuklat ang kalendaryong nasa ibabaw ng lamesa niya.

"Hmm.... March 29... Anong meron ng March 29, aber?" Tanong niya habang pinagmamasdan pa din ang kalendaryo.

"May sem-ender party kasi ang course namin. Eh, kung bakante ang araw na 'yon, pupunta ako." Explain ko.

Tumaas ang kaliwang kilay nito habang sa kalendaryo pa din ang tingin. Napapahawak-kamay na lang ako sa sarili ko na sana bakante ang araw na 'yon para makapunta ako.

"Well... according to your bookings, you have an endorsement meeting - 9 in the morning, TVC shoot - 12 to 3 in the afternoon and a taping for a show from 5 to 6 in the evening. By 7 onwards, may taping ka until matapos." Sinabi niya at pabagsak na nilapag ang kalendaryo sa lamesa.

Napaigtad ako sa tunog nito dahil habang binabasa niya ang busy schedule ko ng araw na 'yon ay nawalan na ako ng pag-asa. Sayang, unang party ko pa man din ito kasama mga course mates ko.

"Ganu'n po ba... Sige po, hindi na lang ako a-attend." Bakas sa boses ko ang lungkot at dismaya at paghihinayang.

Kulang na lang tumulo na ang luha ko sa mga narinig ko. Pero nakita kong pinulot ulit ni Tito Ogs ang kalendaryo at binasa ulit ito ng mas masinsinan.

"Ay sorry, mali 'yung kalendaryong nabasa ko. 2014 pala 'yon. You're free on the 29th!" He exclaims kaya napangiti agad ako ng napakalaki at napatayo sa kinauupuan ko.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon