Chapter 12 *Enemy Again?"

195 3 0
                                    

May mga bagay talaga na nangyayari ng hindi mo inaasahan. Mga bagay na may maliit na rason, pero pinapalaki. Mga bagay na pwede naman iwasan, pero pilit na binabangga. Mga bagay na pwede naman kalimutan, pero pilit na pinapaalala, at mga bagay na wala namang patutunguhan, pinag-aawayan pa.

(Relate kayo??)

Sa isang pagkakamali, sa isang maling desisyon, sa isang maling pagkakataon. Diyan nagsisimula ang malaking hamon na kahaharapin ng bawat isa sa atin. (waahh ang senti)

Eh yung maranasang masaktan dahil sa kaibigan? Kaibigan na dapat na siya ang tutulong sayo, hindi yung siya pa ang unang mananakit, manlalait at magda-down sayo? 

Mahirap ang ganyan, mag-iingat sa karma :DD

[Steph's POV]

Nagulat ako sa sinabi ni Janna. Halos gumuho na ang katawan ko sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na magagawa niya yun sakin (ni Dustin). Bakit? Bakit kailangan pa niyang man-trip?? Hindi na ba talaga siya magbabago? Habambuhay na ba talaga siyang magiging ganito, especially sa akin?? Bakit ako nagpauto? Nagtiwala ako sa kanya pero sa huli, ako parin, ako na naman ang nasaktan! 

Ang tanga ko talaga! Bakit hindi ko naiisip na talagang walang chance na maging close kami ni Dustin! Gwapo siya at matalino dahil dun, andaming babae ang nagkakandarapa sa kanya (except me!)

Hindi naman ako nagalit dahil sa nalaman ko na trip lang lahat lahat ng yun. Nagalit ako sa kanya kasi bakit pa siya naging malapit sa buhay ko. Bakit pa siya pumapayag na maging close kami dati??

Ang sakit sakit! Sa kaibigan ko pa nalaman yun. Bakit kailangan maranasan ng mga tao ang ganitong sakit? Hindi ba pwedeng wala nalang masasaktan at wala na rin sanang mananakit? Ang saya siguro ng buhay ng mga taong katulad ko kung ganun ang mangyayari.

Walang masasaktan kung walang mga nananakit at nagpapaASA!

Pagkalabas ko sa ospital, agad akong sumakay ng FX para umuwi. May nakasabay ako, isang matandang babae na ang misteryoso ng itsura. Nginitian niya ako pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. Ngumiti din naman ako agad. Umandar na ang taxi, then after 5 minutes, kinausap ako nung matanda.

She's Inlove with Her Enemy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon