Prologue

342 3 0
                                    

Nasa playground ako ng school, mag uusap daw kami ng boyfriend ko. Lately kasi palagi kaming nag aaway kasi, ewan, madami kasing nangyari e. Masyadong madami para ilagay dito sa prologue.

After 5 minutes

Dumating na siya, ang gwapo niya talaga kahit nakayuko siya, yung kissable lips niya tanaw na tanaw ko.

"Oh? Anong paguusapan natin? Parang ang tamlay mo.." Nakayuko parin siya.

Hinawakan ko yung pisngi niya and hinarap ko sakin yung muka niya..

Yung mata niya...

Malungkot...

Matamlay...

Walang emotions...

Ganyan din yung muka mata niya nung nag away kami dahil nadedepress siya dahil sa mga issues and chismis nung inamin namin na kami na.

Tumalikod ako para umalis, ayoko na pag usapan pa 'to. Sawang sawa nako.

He grab my wrist at hinarap ako sakanya.

Tinignan ko siya. May luha sa pisngi niya.

Alam ko na yung mangyayari e

Patakbo nako nang-.

"Mahal na mahal na mahal kita baby, diba ikaw yung princess ko? Wala namang papalit sayo dito e."

Natigilan ako and humarap ulit sakanya.

Tinuro niya yung dibdib niya.

"Alam mo naman yun diba?"

Di parin ako makasagot, maybe dahil masyadong mabilis yung mga pangyayaari.

"Hindi ko to ginagawa dahil yun, yung sinasabi ng iba na gawin ko, ang perfect na nga natin e, yung parents ko gusto ka para sakin, yung parents mo gusto ako para sayo, pero.."

"Pero ano?!" sigaw ko sakanya

"Pero, kailangan ko lang ng time and space para makapag isip.."

"Time and space?! Bakit di mo nalang aminin na lumalayo ka dahil sa sinasabi ng iba?! Bakit hindi mo nalang aminin na nahihiya ka sa relasyon natin! Na hindi tama yung ginagawa natin?! Na wala! Walang tama! Pati yung relasyon na 'to hindi tama! Kasi...kasi..-

Pareho tayong lalaki."

Sa galit ko tumakbo ako ng tumakbo habang umiiyak, di ko alam san ako pupunta, di ko alam kung san ako dadalin ng mga paa ko, basta alam ko, ang sakit sakit..

Parang dinudurog yung dibdib ko.

Ganito pala yung love, masakit..

Lalo na kung mali.

Pero, wala namang mali magmahal and mag expect na yung mahal mo mamahalin ka..

Huminto ako sa Moonlight Park, malapit lang sa school. Habang naglalakad may nakita akong couple, or maybe not. Matanda na sila, siguro around '50s na yung edad nila. Kaya lang, pareho silang lalaki and magkahawak sila ng kamay.. Siguro masyado lang ako nadala kanina. Lumapit pa ako sakanila ng konti para makinig.

#MedyoChismoso

"Di ko inexpect na magtatagal yung relasyon natin. Akalain mo yun? 30 years na tayo? Ang dami na nating pinagsamahan.. Madami na tayong problemang nalagpasan. Naalala ko pa nung unang hinalikan moko, nasuntok pa nga kita 'non diba? Pero di ko inakalang tayo din pala hanggang sa huli." sabi ni lolo dun sa kasama niyang may - edad na rin.

Damn! Tama nga ako, pero.. bigla kong naalala yung nangyari kanina..

Aalis na sana ako kaya lang nagsalita yung isang lolo.

"Oo nga e, buti nalang nakinig ka sakin 'non, Akala mo siguro makikipag break na ako sayo dati no? Yung time na humingi ako sayo ng time and space? Di mo alam kailangan ko talaga ng time para paghandaan yung anniversary natin haha!" Sabi niya and nagtawanan sila.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko..

Di kaya?!

Agad akong tumakbo para balikan siya, nawala lahat ng lungkot at galit ko sakanya.

Tumakbo ako ng tumakbo

Malapit na ako sa school, sa sobrang pagka-excite ko napasigaw ako.

"LIPSY! BABY! MAHAL! MALAPIT NAKO! HINTAYIN MO-

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

Paki follow ako para mabasa yung mga chapters, may explicit contents kasi e. Salamat!

Yung bida po yung nasa picture, Anong name? Basahin niyo po yung chapter 1. Follow me first kasi may spg kaya kailangan niyo muna akong i follow bago mabasa. Maeenjoy niyo I'll assure you.

Adik sa halik (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon