WARNING: GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!
It started back when we first met at a playground. We're so young back then. We never knew what's going on or what do we have to do. All we know is to play and have fun.
Matagal na rin yung una naming pagkikita't pagkakakilala, kung tutuusin medyo nakakalimutan ko na talaga.
Meet Dree, short for Audrey, siya yung kaisa-isang childhood friend ko na hanggang ngayon ay going strong pa din ang aming friendship. Masaya siya kasama, makulit, palabiro at talagang hindi ka maboboring 'pag siya ang kausap mo.
Before I proceed, Hi! I am Drei, short for Andrei, isa akong high school student at average na lalaki lang, wala masyadong talinong taglay or kahit kapogian. Natatawa nalang ako kapag iniisip ko, ito na ang nakasanayan ko at ng mga taong nakapaligid sa'kin but she changed everything, she changed me, lahat ng ayaw ko sa sarili ko unti-unti ko nang natatanggap.
We've been friends since we were 6 years old. Nagkakilala nga kami sa playground somewhere dito sa'min and di ko alam na magkalapit lang pala ang nga bahay namin. Naglalaro lang kami lagi, yun ang naalala ko, tinatawag pa ko ng mother at father nya para lang pumunta ako sa kanila at kalaruin si Audrey. We're almost like siblings, 'di na kami mapaghiwalay no'n.
Ngayon, parehas na kaming senior high school grade 11 pero magkaiba na kami ng school na pinapasukan. May kalayuan din sa bahay nila, minsan na lang kami magkita, minsan na lang din makapag-usap kasi abala na sa kanya-kanyang buhay at studies.
Little did she know na may gusto ako sa kanya, matagal-tagal na rin simula nung naramdaman ko 'to, matagal na rin akong nag-iipon ng lakas ng loob para konprontahin at sabihin sa kanya.
One time, nagkaroon kami ng time para makapag-usap nung nakita ko siya sa labas nila.
Tinawag ko siya, then she answered, "Oh, Drei, ikaw pala", tuwa lang naramdaman ko nung mga time na yon kasi naalala pa pala niya ko.
Pumunta kami sa bahay nila then dun kami sa sala nag-usap, napansin ko ding wala sila tita, maybe umalis sila nung panahon na yun.
We talked for hours about sa mga bagay bagay, then bigla kong naisipang isingit yung pagsasabi ng nararamdaman ko.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob, sinabi ko na may gusto ako sa kanya.
She laughed at me tapos sabay banggit ng mga katagang, "Gusto din kita Drei matagal na, hindi ko lang masabi kasi ayokong maging uncomfortable ka sa'kin."
Hindi ko maipinta yung mukha't nararamdaman ko, pinaghalong kaba at saya ang tanging nangibabaw sa'kin.
Niyakap namin ang isa'-isa habang binigkas nya yung salitang "I love you" , sinagot ko nalang yun ng, "Mahal na mahal kita sobra".
Nagsama kami katulad ng isang normal na magkarelasyon, masaya't malungkot ang naging karanasan namin sa mundo ng pag-ibig.
Iniisip ko na siya na ang pakakasalan ko sa paglipas ng panahon at siya na mamahalin ko hanggang sa dulo ng buhay ko.Pinapanalangin ko sa Diyos na huwag na sana siyang kuhanin sa'kin kasi hindi ko talaga makakaya.
Siya lang tumatakbo sa isipan ko.
Siya lang tangi kong naiisip sa bawat minuto.
Siya lang iniisip ko sa lahat ng aking ginagawa.
Siya lang, siya lang, siya lang