Reaching The Sun.

20 0 0
                                    

"Reflection is a bouncing back of the light" sabi ng physics teacher ko.


Tama,Repleksyon. Repleksyon lamang ako ng taong mahal ko.


Ako si Minami Montefalcon,isang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mangarap,Mag-assume at umasa. Hindi ko masasabing Unique ang kwento ng lovestory ko,alam ko kasing marami akong katulad. Maraming taong nagpapakatanga sa mga taong mahal nila pero hindi naman sila mahal.


Bata pa lang ako,limang taong gulang,Wala na ang mga magulang ko sa tabi ko. Namatay sa aksidente ang Nanay ko,at ang tatay ko? Kasama siya sa Aksidente, pero hindi pa patay si Papa, nasa Ospital siya, nakaConfine. After ng Aksidente,Nawala si mama,Nacomatose naman si papa. Mahigit labindalawang taon na siyang Comatose. Nagtataka ba kayo kung bakit ang tagal na? Isa sa pinakamayaman ang Pamilya namin sa Bansa. May dalawa kaming malalaking kumpanya na siyang pinatatakbo ng mga tito ko, salamat sa kanila sapagkat hindi nila inaabuso ang pera at kayamanan namin. Sila ang tumayong mga magulang ko at napapalago nila ang kumpanya namin. Dahil dun,Napanatili naming ganun si papa. Ayaw naming mawalan ng pag-asa. Alam naming mabubuhay pa siya.


Nang gabing mawala si mama sa piling namin. Hindi ko matanggap,napakasakit na sa napakabatang edad ko pa lang na limang taong gulang ay hindi ko na mararamdaman ang pag-mamahal ng isang tunay na ina.

Pero may nagpabago ng lahat. Isang batang lalake. Naalala ko pa nuon..

*FlashBack*

"Hey,Little princess, why are you crying?" Sabi nang batang sa tingin ko ay kaedad ko lang.


"My mommy is in *Hik!*heaven *hik!* already.. *hik* She left me.." Sabi ko habang umiiyak.


But then I didn't expect sa ginawa nya,I dont even Know him pero niyakap niya ako,and said."Stop Crying li'l princess,I'm sure your mommy is happy with Papa God,And I think she don't want to see you crying.."


With that, napakalma ako..

"Anu bang name mo?" Tanong ko.


"My name is-"

"John Bryle Villanueva!! Halika nga ditong bata ka! Magagalit saakin ang mameh mo! ireng batang ire napakulit! Halina't kakain ka na!"

Sigaw ng yaya niya,I think?


"Hey,Tawag na ako ni yaya ko.Goodbye Li'l princess,See you when we met again!"


*End of Flashback*


That time alam kong masyado pa akong bata at baka malimutan ko ang pangalan niya sa paglipas ng panahon. Kaya ang ginawa ko ay sinulat ko ang pangalan niya sa dingding ng kwarto ko. 

John Bryle Villanueva. Ang Araw na nagbigay liwanag sa isang madilim na buwang katulad ko.

Simula non ay hinanap ko siya, wala akong balita sa kaniya. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Nang tumuntong ako ng elementarya ay sinubukan ko siyang hanapin, dahil nga mayaman kami ay ginawa ko ang lahat makita ko lang ang "araw" na nagbigay saakin ng liwanag. Nabigo ako sa paghahanap sa kaniya. Nang tumuntong ako ng HighSchool. Doon ko siya muling nakita. Nabuhayan ako ng loob! Napakasaya ko ng mga panahong iyon. Sa wakas, nakita ko na rin ang Araw na nagbigay liwanag sa buhay ko.


Ngunit akala ko magiging madali ang lahat. Akala ko madali siyang lapitan, pero hindi. Sikat siya sa school namin. Isang gwapong istudyante na gustong gusto ng lahat.

Hanggang ngayong Forth year na kami. Sobrang saya ko kasi naging magka-klase kami. Masaya na ako kahit hindi niya ako pansinin. Napakalapit ko sa kaniya pero hindi ko siya maabot. Okay na ako dun..Pero gumuho ang mundo ng may ligawan siya. Masakit? Oo sobra.

Yung mga panahon na iyo ay gusto kong lamunin ako ng lupa at mawala ang puso ko. Na pilit kong inaayos tuwing masasaktan. 

Ako na sobra ang effort para lang makita at makasama siya. Walang napala.

Anung laban ko? Hindi ko siya malapitan,mahawakan,makausap.. Hanggang tingin lang ako.

Umaasa na sana isang araw ay tingnan mo rin. Umaasa isang araw ay ngitian mo rin. Umaasa isang araw na sana ay kausapin mo din. Sa loob ng labindalawang taon, wala akong ibang pinangarap kundi ang maabot ka.. Maabot ang araw na nagbigay liwanag sa madilim na buwan na tulad ko.


Totoo nga ang sabi nila. 

Mahalin man kita at mag effort man ako ng sobra,hindi pa rin maalis yung katotoohanan, na ang buwan ay repleksyon lang araw. At kailan man hindi maaaring maging isa ito. May Eklipse man, mangyayari pa rin ang paghihiwalay nito.

May mga tao talagang dadaan sa buhay mo, maaaring ung iba ay para bigyan ka ng kulay at aral at ang iba naman ay para manatili sa tabi mo at makasama ka habang buhay.

I have learned my lesson.

That Sometimes you need to take a break and rebuild yourself, not by changing who you are but growing up a little more.

Maaring siya nga ang nagbigay liwanag sa buhay ko pero hindi natin masasabi na siya nga ang taong dapat mahalin ko.


At ang masasabi ko lang ay:

He is like a sun, I cannot look at him, but without him I cannot see anything.

And I'm a moon who only his Reflection.


-End-

Done again ~ ihahabol ko later yung Cover ~

Am back~ who's still alive? Hallooo~ readers~

Comment please~

Reaching The Sun. [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon