NIGHTMARE:

20 2 5
                                    

⚠️WARNING: Strong Language and Sexual Harassment⚠️

KRISTINE'S POV:

“Tara tiktok" pag-aya ko sa pinsan ko

I’m Kristine the pretty young woman, charot.  Nandito kami ng pinsan ko sa bahay namin ngayong gabi at nagku-kwentuhan nang kung ano-anong bagay lamang. Madalas sa gabi kapag wala kaming mga gawain ay pupunta siya rito sa bahay para makipag kwentuhan sa ‘kin.

“Anong sasayawin natin?” Tanong ni Chelsie sa akin. Chelsie is one of my closest cousin, she always got my back. Kaya mahal na mahal ko ‘yan eh hshs.

“Budots ang sasayawin natin" biro ko sa kaniya at sabay kaming tumawa.

Palaging ganito ang bonding namin, lokohan, asaran, at kwentuhan. Hindi lang kaming dalawa ang palaging magkasama, madalas o sabihin nating araw-araw rin ay kasama namin ang isa pa naming pinsan na siya namang mas matanda sa amin ng pitong taon.

“Kuya John! Tara sali ka sa ‘min magti-tiktok kami" pagyaya ko sa kaniya ngunit agad niya ring sinabi na

“Pass muna ako beh, medyo hindi na rin ako updated sa mga sayaw ro'n eh. Panood na lang ng movie sa tablet mo" ah ‘yung movie pala

“Damot mo, teka kunin ko tablet ko" agad akong tumayo sa kinatatayuan ko para sana kunin ang tablet ko pero agad kong napansin ang pananahimik ni Chelsie

“Hey ghurl, anong nangyari sa ‘yo? Ba't tahimik ka bigla?” Tanong ko sa kaniya at tumawa ngunit agad niya lang akong pinagkunutan ng noo. Hmp, sungit naman.

Pumasok na lamang ako sa kwarto para kunin na ang tablet ko. Agad ko rin namang kinalkal ang gallery ko para hanapin ang movie na gustong panoorin ni kuya John. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at lumapit kay kuya John na ngayon ay nakaupo na at hinihintay ako.

“Kuya oh. Maganda ‘yan! Omg ka, mapapa “We don’t talk about Bruno” ka na lang talaga “ sabi ko sa kaniya at tumawa.

“Baliw! Doon ka na nga at manonood na ako" sabi niya sa akin at nagsuot na ng kaniyang earphones. Psh, sungit din, tablet ko ‘yan ah! Bahala na nga.

Lumapit na ako kay Chelsie at tinabihan siya, nakakapanibago dahil tila ba ay hindi niya malapitan o matingnan lamang si kuya John. Hindi niyo na kasi matatanong ay talagang close na close kaming tatlo ‘no. We’re like siblings eh. Imbes na tanungin si Chelsie ay nag-cellphone na lamang ako at hinihintay ang reply ng crush ko. Amp, epal ‘yon hindi ako nire-reply-an. Ouch ouch, feeling ko broken ako. Charot! Habang nags-scroll sa fb dahil wala namang reply ang crush kong palaging busy sa buhay ay bigla na lang nagtanong ang pinsan ko na siyang ikinagulo ng isip ko.

“Beh ‘di ba puwede namang makulong ‘yung taong nang-harassed sa ‘yo kahit may consent mo?” tanong niya at agad naman akong naguluhan. Mukha namang napansin niya na naguluhan ako kaya muli siyang nagsalita. Weird naman nito

“Kumbaga, sabihin natin bata pa tayo no'n. Kunwari ako ‘yung nang-harass sa ‘yo. Sabihin nating mas matanda ako sa ‘yo ng limang taon. Kunwari ikaw 9 ka pa lang tapos ako 14 na no'n, siyempre ikaw wala ka pang alam sa mga gano'ng bagay kaya pinayagan mo siya na gawin niya ‘yung mga sinasabi niya kasi akala mo laro-laro lang. Like hinayaan mo siyang hawakan ka or panoorin ka ng kung ano. Then bigla mong maaalala lahat ng ‘yon tapos ngayon alam mo ng mali ‘yon. Anong gagawin mo? Magsusumbong ka ba?” Mahaba niyang paliwanag.

Pilit ko mang iwaksi sa isip ko ay alam kong bigla na lamang akong naapektuhan sa mga sinabi niya. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko, maging ang kamay ko ay nanginginig. Iba’t ibang imahe ang bigla kong nakita sa hindi malamang kadahilanan. Tiningnan ko ang pinsan ko at kitang-kita ko ang kaguluhan sa mga mata niyang nakatitig sa akin.
“Kung ako ay gugustuhin kong m-magsumbong" nauutal kong sabi sa kaniya. Lumipas ang ilang minuto at nananatili kaming tahimik ngunit muli siyang may idinagdag sa kaniyang mga sinabi na siyang umagaw ng aking pansin

My Short StoriesWhere stories live. Discover now