ANGELA'S POV:
"Wahhh! Hindi ako nire-reply-an ng crush ko!" Maktol ko at padabog na binagsak ang cellphone sa lamesa.
Hi! I'm Angela 17 years old and may crush ako sa hindi ako crush! Ouch. Matthew is his name at ang pogi niya! Plus, magaling pang mag gitara! Pak, hottie!! Charot hehe
Today is Saturday at gabi na, it's already 7:00 P.M pero wala pa rin akong balak kumain dahil wala naman sila mama at papa, mag-isa lang ako rito sa bahay ngayon at hindi talaga ako kakain hangga't walang reply ang crush ko! Ha, grabe na siya. Buong araw siyang walang reply. Kumain pa 'ko nang kumain kanina, sa kakahintay lang pala sa reply niya 'ko mamamatay hindi sa gutom.
Matthew is 18 years old and he's currently in his grade 12 year. Yes, graduating student na siya. He's kind, tall, have a white skin, family oriented, talented, matalino, at pogi! Win na win! Matthew is aware that I like him. I confessed last year. It's been 8 months since I like him. And take note, kahit na umamin ako sa kaniya ay hindi niya ako iniwasan, he never avoids me. 'Yon nga lang, these past few weeks ay hindi na kami madalas mag-usap just like before dahil busy siya palagi, graduating eh. May magagawa ba 'ko? Siyempre wala! Matthew is kind, he never let me feel na iniiwasan niya ako or ayaw niya sa 'kin… But that doesn't mean na he likes me the way I do. He doesn't like me the same way. When I confessed to him my feelings he said straightforwardly na hindi niya mababalik ang feelings ko, hindi dahil sa may gusto siya sa iba pero mukhang mas may priority siya. He put an endpoint already about everything. It hurts me so much but I didn't do anything but to respect his decision. Pero sa kabila no'n ay patuloy ko pa rin siyang gusto. I mean, we can't do anything about our feelings right? I can't stop it no matter how hard I try, kita mo nga mag-iisang taon na yata 'tong feelings ko sa kaniya kahit na alam kong walang pag-asa. I never assumed, never akong umasa o nagbigay ng malisya sa bawat usapan o kilos na ipapakita niya. Simula no'ng nagkagusto ako sa kaniya kahit kailan hindi ako nag-assume. Ayaw ko. Basta masaya naman ako go lang, hahayaan ko na lang sigurong mawala ng kusa. Mapapagod din naman siguro ako 'no? Bahala na. Pero kahit ano pa man, he's worth it!
*New messages* I heard a beeping sound on my phone so I immediately opened the notifications and I literally jumped!
"Nag-reply na! Omg! Okay patagalin ko muna 1 minute baka sabihin niya masyado akong atat eh" Sabi ko sa sarili ko at wala pa man ding 1 minute tulad ng sinasabi ko ay agad ko nang binasa ang mga reply niya
"Hello! Gaga sorry late reply, busy ako.." 'Yon ang pinakaunang bungad ng chat niya sa 'kin. Wahhhh!! Hello niya pa lang para na akong kamatis sa pula! My god, mura 'to nang mura sa 'kin, ayaw mo bang mahalin naman ako? Joke lang hehe.
Ang dami ko na namang naiisip agad. Iba talaga epekto nito sa 'kin! Lakas mo naman! Ni-reply-an ko siya agad at hinintay ang reply niya. Hala para siyang si flash! Nag-seen agad! Himala. Hinintay ko ang tina-type niya at may nakalagay na
"Wait, usap tayo mamaya. Lalabas muna ako may bibilhin"
Kyahh! Ina-update ako. Sineen ko na lang ang chat niya at tumakbo na agad ako palabas ng gate. Siyempre dadaan 'yon dito, aabangan ko! Kakawayan ko-
"Ginagawa mo r'yan sa labas?"
"MALAKI KANG KALABAW!" Sigaw ko sa gulat at agad kong narinig ang tawa niya "My god Matthew! Puwede bang sa susunod 'wag kang mang gugulat ha?" Singhal ko sa kaniya at ramdam ko na agad ang bilis nang pagtibok ng puso ko. Heart attack ako nito kapag lumapit pa 'to sa 'kin
"Netoh, baliw ka ba ha? Tinatanong ko lang kung anong ginagawa mo r'yan sa labas eh gabi na" natatawang sabi niya sa akin
"Ano.. may…" Ano bang sasabihin ko? Alangan namang sabihin kong inaabangan ko siya, kapal niya naman aba! "Ano lang, pahangin gano'n" sabi ko at sabay na tumingala
YOU ARE READING
My Short Stories
Short StoryThis book contains a random compilation of my one shot stories (short stories) and also some poems. Different genre and plot is here!!