MOTHER OF BRAVERY by MyLittleTurnips

0 0 0
                                    

Ang kabuhayan ng aming mga magulang ay pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay at prutas.

Ang nagdaang taon ay masasabi kong naranasan ko ang hirap at init ng araw sa aking balat upang mabuhay lamang kasama si ina.

Lumipas ang ilang taong pag-iipon ng aming mga magulang ay nakapag-patayo na sila ng malaking bahay sa kabilang baryo.

Simula sa araw na ito ay masasabing nakaraos na din kami sa hirap.

Akala ko noong bata ako ay magiging permanenteng masaya ang aming buhay ngunit akala ko lang pala.

At sa tuwing maaalala ko ang matutulis na bato na aking inaapakan tuwing kami ay papuntang paaralan ay mas gusto ko pang bumalik roon kaysa maranasan ang mga gayong bagay.

"Ma,bakit hindi mo sinabi?"tanong ko sa kanya.

"Anak,hayaan mo na,wag mo ng sabihin sa mga kapatid mo ang nakita mo kanina at balang-araw ay maiintindihan mo rin lahat."yun lamang ang sagot na natanggap ko mula sa kanya.

Ang buwan ay lumipas at ang taong laging masayahin ay makikita mo ng may mga pasa at galos minsan.

Ika nga nila ay walang lihim ang hindi nabubunyag.

Harap-harapan siyang niloloko ni ama kaya naman ay kinompronta namin si ama.

Ang araw na iyon ay naging mahirap para sa aming magkakapatid.Tanging pagtangis lamang ang maririnig sa bahay na iyon dahil iniwan kami ni ama at sumama sa kabit niya.

Nagkademandahan sila ni ama at nagpapasalamat ako sa VOWC dahil naipanalo nila ang kaso ng aming ina.

Hindi namin alintana ang mga tsismosa noon ngunit yun ang ginawa namin sa loob ng ilang taong kahihiyan na aming natamo sa panahong iyon.

Nag-drop si kuya sa paaralan sa kagustuhang matulungan si ina sa hanap-buhay.Naging malungkot man ngunit kinailangan niyang mag-adjust para sa amin.

Ang masasabi ko lang ay mahirap para kay ina na maging single parent dahil na rin sa trabaho niya.

Isang farmer lamang ang aming ina at bawat araw ay naglalakad siya ng mahigit limang kilometro papuntang bundok taniman upang magtanim ng gulay.

Naalala ko pa kung paano siya nagpakahirap na magbenta para lang may maibigay siyang pera sa amin noong high school.

Nakakaiyak pa noong panahon na mayroon siyang sakit at wala ako sa kanyang tabi upang alagaan siya samantalang noong ako ang nagkakasakit ay ni hindi niya inisip na matulog upang maalagaan lamang ako.

Laging dasal ko noon sa Diyos upang siya ay gumaling at natupad naman iyon.

Lumuwas siya sa siyudad upang humanap ng pera at sa huli ay hindi niya kami binigo.

Mula noon ay nagpapadala na siya sa kapatid namin na nasa kolehiyo para sa kanyang pag-aaral.Samantalang ako naman ay sumubok bilang isang working student.

Masasabi ko man na nagkulang sila pareho pero hindi na maibabalik ang oras at nais kong magpasalamat sa kanya.

She's Juliet,one of the bravest mother I ever had and she's my supermom.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MOTHER OF BRAVERY Where stories live. Discover now