My Secret Love

43 1 1
                                    

“Sana ay iyong mapansin

Tibok nitong aking damdamin

Hindi mo lang alam ako’y nasasaktan

Sa tuwing kita nakikitang masaya sa piling ng iba

Nasanay na ako na lagi kang nariyan

Umaasa na minsa’y mapansin”

Daniel: Hoy Jas! Gumagawa ka nanaman ng bagong kanta mo noh?

Jasmine: Ano ka ba nakakagulat ka naman. Bakit napadaan ka yata dito? 

Daniel: Bakit? Nabili mo na ba tong park ha?

Jasmine: Panira ka kasi ng moment eh.

Daniel: Moment moment ka pa diyan. Patingin nga niyang sinusulat mo. Baka makanta ko yan sa gig ko.

Jasmine: O yan. Hindi pa tapos eh.

Daniel: Kung makasulat ka ng kanta parang in love ka talaga ah. Pero infairness maganda siya. Tuloy mo ung pagsulat niyan ah.

Jasmine: Talaga? Nagustuhan mo?

Daniel: Oo naman. Bigay mo sakin ung lyrics saka ung chords ah. Sige mauuna na ako.

Jasmine: Sige mag-iingat ka

Daniel: Ikaw din (with a huge smile on his face)

Kababata ko si Daniel. Nasa abroad pareho ang mga parents naming at nakatira kami sa iisang subdivision lang. Palagi kaming magkasama ni Daniel. Gumagawa ako ng mga kanta para sa kanya. Vocalist siya ng isang banda. Pinagtatakpan ko rin siya sa mga parents niya pag may ginawa siyang kalokohan. Sumusundo sa kanya kapag sobrang lasing na. Nag-aalaga kapag may sakit siya. Kapag may mga problema siya sa mga nililigawan o sa mga girlfriend niya, sakin siya lumalapit. Ako naman tutulungan siya suyuin ung girl. Ako ang bestfriend niya. Kasangga sa hirap at saya ngunit hindi niya alam na matagal ko na siyang minamahal. 

Jasmine: O ayan, tapos na yung kanta. 

Daniel: Wow. Ang ganda naman nito. Pagaaralan ko muna to. Nga pala, punta ka bukas sa gig ah. May surprise ako sayo. Magbihis ka ng maganda ah.

Jasmine: Ano nanamang kalokohan yan huh?

Daniel: Hindi to kalokohan noh sumunod ka na lang.

Jasmine: Oo na. Sige pupunta ako

Daniel: Sige 7pm sharp ah

Jasmine: Sige

Hindi ko alam kung anong surprise ang gagawin ni Daniel bukas sa akin. Malamang kalokohan nanaman yun. Walang ibang alam yung taong yun kungdi pagtripan ako. 

Daniel: Yun buti dumating ka!

Jasmine: Bakit mo ba ako pinagbihis ng maganda huh?

Daniel: Basta... oh sige next na akong kakanta dyan ka lang ah.

Emcee: Let's now welcome the Heartbreaker's Club (tilian ang lahat ng girls pagtuntong ni Daniel sa stage

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon