Kaunti pa lang ang tao pero naroon na si Ella. Nasa harap siya ng whiteboard, nakatayo at may sinusulat doon. Huminto siya nang mapansin niyang pumasok ako.
"Hi?!" bati niya sabay ngiti sa 'kin.
"Hi!" Ngumiti rin ako at lumapit sa kaniya.
"Sorry nga pala ulit sa nangyari nung Saturday," nahiyang ngiti ko habang naaalala 'yung nangyari. Nakausap ko na rin naman siya sa chat, pero nakakahiya pa rin kung hindi ako mag-sorry nang personal. May konsensya pa rin ako na naiwan sila ro'n.
"Ano ka ba, okay lang 'yon. Nakauwi naman kami nang ligtas, at saka hindi na rin namin tinapos 'yung party—nagsidatingan kasi 'yung mga kasamahan ni Mayor," paliwanag niya.
"Gano'n ba? Sorry ulit. By the way, para saan nga pala 'yan?" Tinuro ko 'yung hindi pa niya tapos na sulat sa whiteboard.
"Pinapasulat ni Ma'am Evangelista, para daw mamaya sa discussion niya." Nakasimangot na siya habang nakatingin sa board.
"Bakit ikaw ang pinapagawa niyan?" Tumingin ako sa mga kaklase ko pero wala pa rin si class secretary namin. Siya kasi ang laging gumagawa ng ganitong mga pasulat. Nasa Filipino subject kasi itong ginagawa ni Ella kaya marami.
"Trip ata ako utusan ni Ma'am?!" Napangiwi ako nang makita ko siyang nakasimangot habang nakanguso.
"Siguro nga. Good luck!" Nag-thumbs up pa ako para i-support siya.
Kaya naman niya 'yan maganda naman siya.
Nilapag ko muna 'yung bag ko at hiniram ang aklat sa upuan ko. Nilabas ko ang phone ko at nag-message kay Zandaya.
Me:
Hintayin kita sa canteen. Bilisan mo, may klase pa ako.Hindi ko na hinintay ang reply niya. Naglakad na ako palabas papuntang canteen, pero paglabas ko ng room, may biglang naglakad sa harap ko kaya napaatras ako at napahinto.
Tumingin ako doon sa muntik ko nang mabangga.
Si Yisreal? Oo, siya nga.
Nag-diretso lang siya sa paglalakad, parang hindi niya nga ata ako napansin eh.
Hindi siya naka-uniform pero may bag na nakasabit sa balikat niya at may hawak na envelope. Nakapamulsa pa 'yung isa niyang kamay sa suot niyang pants.
Saan punta nun?
Nagtaka man ako, pero 'di ko na lang pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang canteen.
Ilang rooms din ang nadaanan ko bago makarating sa canteen. Sabihin na nating medyo malayo ito sa room namin. Lukaret kasi si Zandaya, dito pa ako pinapunta dahil malapit lang daw ito sa room nila.
Kung kaunti pa lang ang tao sa mga classrooms, dito sa canteen, marami nang students ang nagkukumpulan sa bawat table. Maingay rin, pero wala namang nagsisigawan. Puro chismisan lang.
Hindi ko in-expect na nando'n sina Mae, Dianne, at Princess. May kasama pa silang isang babae at lalaki. Kumakain sila habang nag-uusap. Nahagip ako ng tingin ni Princess kaya bigla siyang kumaway sa 'kin. Pati tuloy 'yung mga kasama niya, napatingin na rin sa 'kin. Kumaway din si Mae at sumenyas na lumapit ako.
Wala naman akong nagawa kundi lumapit sa table nila. Napatingin ako sa dalawang kasama nila na hindi ko kilala, pero parang pamilyar sa akin. Nginitian ko na lang sila. Ngumiti rin 'yung babae pabalik, pero 'yung lalaki tumango lang sa 'kin at binalik agad ang atensyon niya sa pagkain.
"Upo ka, Ayden," alok ni Mae sabay bigay ng pwesto sa tabi niya. Pabilog 'yung table kaya kita namin lahat ang isa't isa. Katabi ko sa kaliwa si Mae, sa kanan ko naman 'yung babaeng hindi ko pa kilala. Katabi niya 'yung lalaking busy pa rin sa pagkain.

BINABASA MO ANG
Young Love
RomanceDISCLAIMER: Cover is not mine. Credit to the rightful owners. This part is boys love story.