Ikalabing Pitong Kabanata

0 0 0
                                    

Ikalabing Pitong Kabanata

Pagsang-ayon

Pagkarating namin sa hospital ay agad kaming sinalubong ng dalawang nurses na may dalang higaan na de gulong. Inihiga ni senyorito Raiden ang Nanay roon, lumapit naman ako at hinawakan ang malamig na kamay ni Nanay.

Sumabay din ako sa pagtakbo ng mga nurses papunta sa loob, hindi ko inaalis ang paningin ko kay Nanay, gano'n din ang hawak ko sa kamay niya.

Nang nasa dulo na kami at ipapasok na nila si Nanay sa loob ay pinigilan nila akong sumama.

"Pakiusap po, iligtas niyo po ang Nanay ko," pakiusap ko sa nurse.

"We'll do our best," saad niya at isinarado na ang pintuan. Gusto ko pa sanang sumilip pero, natatabunan ng berdeng kurtina ang pintuan mula sa loob.

Hindi ako mapakali, kinakabahan talaga ako sa kalagayan ni Nanay. Hindi ko yata kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya. Siya na lang ang meron ako, siya ang dahilan kung bakit kinakaya ko bawat araw. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kung pati siya ay iiwan din ako.

Nanghihina akong napaupo sa gilid ng pasilyo at napasandal sa dingding. Pakiramdam ko ubos na ubos na ako. Ni halos wala na akong lakas para huminga pa. Napapikit ako at walang kabuhay-buhay na kasalampak sa sahig.

Kumunot ang noo ko nang nanout sa ilong ko ang pamilyar na pabango. Naramdaman kong may umupo sa harapan ko kaya idinilat ko ang mga mata ko at natagpuan ang senyorito na matamang nakatingin sa akin.

"Kailangan mong umuwi, Cherry," mahinang saad niya. Agad akong umiling bilang pagtutol sa gusto niya. Hindi ko pwedeng iwan ang nanay ko rito. Baka ano mang minuto ay lumabas ang doktor at kailanganin ako ng nanay sa tabi niya.

"Hindi po ako uuwi hangga't hindi ko kasama ang nanay ko senyorito..." Sagot ko na may pinalidad. Napalunok naman siya at dahan-dahang tumango. Mababakasan ang kalituhan sa mga mata niya pero hindi ko alam kung para saan.

"At least don't sit here, Cherry. Madumi ang sahig. Doon ka umupo sa waiting area ako na ang maghihintay sa nanay mo dito," saad niya sa akin.

Napaawang ang mga labi ko at napatitig sa mga mata ni senyorito na ngayon ay nababakasan ng pag-aalala at sinseridad. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng mga mata ko dahil agad na nawala ang mga emosyong iyon. Bumuntong-hininga ang senyorito at pagkatapos ay tumayo. Akala ko aalis na siya pero gano'n na lang ang gulat ko nang inabot niya ang kamay sa akin.

Mula sa kamay ng senyorito ay dumako ang tingin ko sa mukha niya. Walang makikitang emosyon ang mukha niya at nanginginig ang kamay ko sa takot habang itinataas ang kamay ko para abutin ang kamay niya.

Tinulungan niya akong tumayo pagkatapos ay pinagpagan ko ang sarili dahil sa mga dumi na nasa sahig kanina. Umupo ako sa isa sa mga hilera ng upuan na hindi kalayuan sa emergency room. Gano'n rin ang ginawa ng senyorito, umupo siya sa isa sa mga upuan, isang upuan ang pagitan naming dalawa.

Natahimik ako at bawat pagpatak ng segundo ay nagbibigay ng walang humpay na kaba sa akin. Nakayuko lang ako at nakatingin sa mga paa kong may mga pa dahil sa ulan kanina. Ngayon ko lang rin naramdaman ang lamig na nanonout sa balat ko. Niyakap ko ang sarili at inatras sa ilalim ng upuan ang paa ko sa hiya nang dumaan ang isang nurse.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may lumapat na kung anong mainit at malambot na bagay sa balikat ko. Nang maamoy ko ulit ang pamilyar na pabango, iniangat ko ang ulo ko at natagpuan ang senyorito na nakatingin sa akin. Naguguluhan akong nagbawi ng tingin at tiningnan ang pinatong niya sa balikat ko.

Isa 'yong jacket na kulay itim at nakadikit roon ang amoy niya.

"Baka magkasakit ka pa," aniya.

Tumikhim ako. "S-salamat po..."

Huminga siya ng malalim pagkatapos ay umupo na siya sa tabi ko. Agad na naghurementado ang puso ko at lalong hindi nakatulong na nasa tabi ko lang siya at ramdam ang init ng kaniyang katawan.

Makalipas ang ilang segundo, ay nagsalita ang senyorito na nagpapitlag sa akon. Mariin aking napapikit dahil sa nangyari.

"Siguro naman ngayon napakapagdesisyon ka na. Isang oo mo lang Cherry, gagawin ko ang ipinangako kong kasunduan sa 'yo," saad niya sa akin.

Umawang ang mga labi ko at nanlaki ang mga matang nilingon ang senyorito. Napakurap-kurap ako nang makita ang detetminasyon sa mukha niya.

Magsasalita pa sana ako nang marinig kong bumukas ang pinto sa emergency room at nagsalita ang doktor.

"Kayo ba ang pamilya ni Ester Gallardo?" Tanong ng doktor.

Agad akong tumayo at nilapitan ang doktor. May mga nurses sa likuran niya pero hindi ko na lang 'yon pinagtounan ng pansin. Agad kong ibinalik ang atensyon sa doktor.

"Ako po..." Mahinang saad ko nang makalapit sa kaniya.

"You know your mother's condition, right?" Walang paliguy-ligoy na tanong ng doktor sa akin. Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya dahil wala akong maintindihan sa sinabi niya. Litong tumingin sa akin ang doktor nang mapansig wala akong maisagot sa katanungan niya. Tiningnan niya rin si senyorito Raiden na nasa gilid ko.

"Miss Gallardo—" hindi na naituloy ng doktor ang gusto niyang sabihin nang sumabat ang senyorito sa usapan naming dalawa.

"I'll explain it to her later," saad ng senyorito sa doktor. Nakahinga naman ng maluwag ang doktor at tumango.

"Her condition's getting worst. She needs to undergo an operation to save her and avoid more complications. I suggest that you'll bring her to the bigger hospital in Manila to get a better treatment. They're complete of the equipments that will surely save her," paliwanag ng doktor na kahit isang salita ay wala akong maintindihan. "An immediate action and decision is what she can do right now to save her mother."

Tumango ang senyorito pagkatapos ay saglit na tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin at kagaya kanina, wala akong makitang ano mang emosyon sa mga mata niya.

"Okay, Doc. Thank you," baling niya sa doktor pagkatapos ay nakipagkamay dito.

Tumango ng isang beses ang doktor at bahagyang ngumiti. "I'll go ahead." Paalam nito bago umalis sa aming harapan.

Pagkatapos makaalis ng doktor ay parang nanghihina kong itinukod ang palad sa pader malapit sa akin. Napapikit ako sa panghihina at huminga ng malalim.

Bakit sobrang daya ng mundo? Bakit sa dinami-rami ng pwedeng magkasakit at mahirapan, bakit ang nanay ko pa? Ang gusto ko lang naman ay masaya at mapayapang buhay. Bakit walang hanggang delubyo at pasakit ang ibinibigay sa amin? Wala na ba talaga kaming karapatang makuha ang simpleng buhay na 'yon?

Napapitlag ako nang may bigla na lang humawak sa balikat ko.

"Kailangan mong mag-desisyon Cherry. Kailangang ma-operahan ng nanay mo sa lalong madaling panahon para mailigtas siya, at walang ibang magandang desisyon ngayon kung hindi ang tanggapin ang alok ko," paliwanag ng senyorito.

Idinilat ko ang mga mata at nakita ko ang senyorito na nakatayo sa harapan ko at determinadong makuha ang agaran kong desisyon. Sa itsura pa lang niya, parang siguradong-siguradong na talaga siyang papayag ako sa alok niya sa akin ngayon.

Tinitigan ko sa mga mata ang senyorito bago lumunok at dahan-dahang ibinuka ang bibig para sabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin.

"Senyorito..."






112621
1731

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now