Ng aagahan na kame ni Ina dahil papasok pa sya sa school. Habang kumakain ay ng ku kwento ito ng kung ano ano ulet. Hanggang sa nabanggit nito ang tungkol sa panaginip nya daw kagabe.
"Ano yon baby? Anong napanaginipan mo?" Marahang tanong ko dito. Tumingin ito saken na parang nag dadalawang isip pa na sabihin saken ang panaginip nya " what is it baby?"
"Kasi po mama, sa panaginip ko pa. May lalaki po" mahinhin na kwento neto. Tinignan ko ito na parang sinasabe na mag patuloy sya.
"Tapos po, tinawag nya po ako anak. Tapos po tinawag ko syang papa, tapos po nagising nako" Nanlake ang mata ko sa tinuran nito. "Mama, baket po wala tayong papa?" Tanong nito na nakapag pasikip sa aking dibdib.
Alam ko naman na mag hahanap sya ng tatay. Pero hindi ko alam na ganto ka aga nya hahanapin ang papa nya.
Hindi ko sya nagawang sagutin. Sinabihan ko nalang sya na kumain na at baka ma late pa sya sa school. Mabuti nalang at sumunod na to sa sinabe ko. Matapos kumain ay pinaliguan ko na to at binihisan saka ko sya inihatid sa school nila
Hanggang sa makauwi ako dito samin ay hindi mawala sa isip ko ang na kwento nyang panaginip nya.
Hindi ko alam kung ano o kung pano ko ipapaliwanag kung nasan ang tatay nya. Hindi ko den alam kung maipapakilala o maipapakita ko manlang ba ang picture neto sakanya. Hindi ko alam.
Ng sunduin ko si Ina sa school ng mag uwian na sila ay ipinag paalam ko ito sa teacher nya na hindi sya makakapasok bukas dahil may pupuntahan kame.
"Okay lang naman po, wala naman pong test o quiz bukas. "Sambit ng teacher ni Ina. Nag pasalamat ako at pinuntahan na si Ina. Kinuha ko na ang bag neto para makauwi na kame at mag pa pa print pako ng resume ko.
Saglit na nag paalam pa ito sa mga kaklase nya na naiwan pa don dahil wala pang sundo. Grabe talaga itong si Ina Tila halo lahat ng kaklase nya ay ka close nya. Pero maganda na yon, kesa naman lumaki sya na ilag sa mga tao.
Dumaan kame sa printan para mag pa print at mag pa type ng mga kailangan i sulat sa resume. Medyo nag tagal kame doon dahil andaming tanong sa resume. Ng matapos den ay umuwi na din kame.
"Baby, di ka papasok bukas" malambing kong sambit dito. Hindi pa nya alam na hindi sya makakapasok bukas.
"Baket po mama?" Nag tatakang tanonv nito.
"Kasi pupunta tayo doon sa magiging work ni mama pag tinanggap si mama" mahinahon na paliwanag ko dito.
Tumango lang ito at pumunta na sa sala para manood. Tinawagan ko si ulet si ate Amanda yung kakilala ni nanay lucy para itanong dito kung anong oras at saan kame mag kikita bukas. Nakailang ring bago nya ito saguten.
"Ah hello po" bungad ko
"Oh ija, naihanda mo na ba ang resume mo?"
"Ah opo" magalang kong sagot
"Mabuti kung ganon. Bakit ka nga pala napatawag?"
"Ah itatanong ko po Sana kung saan po tayo mag kikita at kung anong oras po?"mahinahon kong sambit.
"Ah nine ang simula ng interview. Pero eight palang ay kailangan nandoon na tayo sa bahay ni Mr tuazon. Kaya dapat again mo magising. I te test ko nalang sayo kung saan tayo mag kikita bukas" sumangayon ako saka ako ng pasalamat saka nya binaba ang tawag.
Ng luto nako ng kakainin namen ni Ina nang makakain na kame at makapag pahinga na. Bukas ay maaga pa kame aalis. Oo nga pala bukas den pala ang alis nila nanay Lucy. Mamaya nga matawagan para makamusta.
Nakaluto nako ng may mag text saken. Si ate Amanda. Ibinigay na nya saken ang lukasyon kung saan kame mag kikita bukas.
Ng matapos nako mag luto ay kumain na kame ni Ina. At ginawa ang mga ginagawa namen tuwing Gabi. Hanggasa nakatulog na den kame ng maaga dahil maaga den kami aalis bukas.