Doc may sakit ako

0 0 0
                                    

Ako si Carl, wala akong kongkretong pangarap. At s'ya naman si Elise, pangarap n'ya na maging doktor.
Matalino s'ya.

Noong magkakilala kami hindi pa malinaw kung anong mararamdaman ko para sa kan'ya pero isa lang ang sigurado. Masaya akong nakilala ko s'ya.

Hindi ko intensyon na mahulog sa kan'ya at hinding hindi ko kayang masira ang tiwalang ibinigay n'ya sa akin.

Lumipas ang ilang taon at mas nakilala namin ang isa't-isa,tinanong ko s'ya kung naong gusto n'yang maging, "doktor, gusto kong maging doktor." Noong magcollege na kami at nagkahiwalay ng paaralan naisip kong gusto ko na rin magdoktor dahil baka doon sa propesyon na iyon ay mahanap ko s'ya dahil pagkatapos ng lahat nawalan na rin kami ng koneksyon .

Lumipas ang ilang taon at sa wakas doktor na ako, at coffee break namin.

Pumunta muna ako sa isang coffee shop para bumili ng kape kasi ano nag binibili doon.

At sa wakas nakita ko na ang doktora ko. "Hello, Doktora!" At hindi sya kumibo.

"Elise naaalala mo pa ako?" Tanong ko sa kan'ya.
At tumango na lang s'ya.

"So, dito ka nagtatrabaho?"

Hindi na sya sumagot at nagpatuloy sa pagtatrabaho.

Noong matapos na ang shift ko
Binalikan ko s'ya doon para makipagkwentuhan, matagal tagal na rin kasi kaming hindi nagkita.

"Doktora ka na ngayon?"
"Hindi"
"Hindi ba pangarap mo iyon?"
"Nawalang ako ng focus sa pag-aaral."
"Sa katunayan nga may bata na akong binubuhay."

Natahimil ako sandali at tumulo ang luha ko.

"Sana pala hindi kita iniwan"
"Sana hindi ako lumayo sa'yo"
"Sinamahan dapat kita."
"Pero hindi, inuna ko ang sarili kong gusto."
"Kung alam ko lang."

"Okay lang, nakakaya ko naman."

Wala s'yang asawa at magisang bumubuhay sa anak n'ya kaya ako nag tumayong tatay sa anak n'ya para hindi nya danasin ang dinanas ko sa tatay ko.

Naging masaya kami at inaamin ko high school pa lang ay may gusto na ako kay Elise at hanggang ngayon hindi nawala iyon.

Sinabi ko sa kan'ya ang nararamdaman ko at hindi nagtahgal ay ikinasal kami pero hindi ko alam kung bumabawi lang ba s'ya sa akin.

Pero naging maayos naman ang pagsasama namin at naging mabuting tatay ako sa anak n'ya.










You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hello, Doktora! Where stories live. Discover now