1

0 0 0
                                    

"Furthermore, the vulnerability of the Philippines to natural disasters such as earthquakes and tsunamis being along the Pacific Ring of Fire, and typhoons and storm surges being a tropical cyclone gateway from the Pacific Ocean, puts more pressure to the weakening defensive stance offered by the beach forest (Sabulao et.al., 2020)."

Namamanhid na ang kaliwang bahagi ng paa ko nung sinubukan kong tumayo. This is just so unreasonable. Mas lamang pa ang sakit sa paa kaysa sa likod at leeg ko, samantalang ilang oras akong nagbabad sa computer.

Naaasar akong tumayo at nagsalin ng tubig.

"Hindi na nga nagtuturo ang demanding pa. Ano nalang natutunan ko sa kanya? Magtanim ng sama ng loob? Hays!"

Ilang saglit pa ay may kaluskos akong narinig sa pintuan ng aking kwarto. Napangiti nalang ako nang makita ang maliit na papel na nakauslit sa ilalim ng pinto at ang hagikgikan sa labas.

Guhit iyon ni Isaac, ang nakababata kong kapatid. "Mommy, Ate Bina, and Isaac. Happy Together, Family"

"He's really sweet. You should have seen him."

"No. He'll become dependent on me if I spoil him."

"No, sweetheart. You're just caught and afraid. Show him that you love him too. There's nothing wrong with an Ate loving her little brother. Besides, he's so cute. Pa'no mo siya natitiis?"

---

Pupungay-pungay ang mata kong pumasok sa room. Katatapos lang ng lunch break at nakakaantok talaga. Siesta time dapat ngayon eh, bakit pa ako nag-aaral?

"Tignan mo 'tong b-ob-o na 'to. Dumayo na naman dito"

Pagkaupo ko lang sa upuan napansin na may commotion sa labas. Or more like bullying.

"Inutusan lang po ako ni ma'am Gina" halata ang pagkautal niya, siguro na rin sa takot at kaba.

Nakakapagod na ang eksenang 'to. Sa tuwing walang teacher, napagttripan ng grupo ang batang iyon. Ewan ko ba, hindi pa ba yun nadadala at dumadaan pa talaga dito. Alam namang bully lang ang sasalubong sa kanya.

Wala na akong naririnig maliban sa r&b music na nagpplay sa naka-full volume kong headphones.

"Isaac, hmm..." ...i just want to protect you.

"You must learn to live with down syndrome in order for you to grow"

___

"Bakit mo pinabayaan ang kapatid mo?! Alam mo namang mahihirapan siyang mag-isa diba? Kaya nga pinagbantay kita sa kanya!"

"Nay--"

"Manahimik ka Bina!" Tumalikod siya at patuloy na pinunasan ang ngayo'y umiiyak na si Pael.

Parati na lamang inuuna ng nanay ang batang 'yan! Hindi naman ito ang tumutulong sa gawaing bahay! At mas lalong hindi nakakatulong kahit sa sinokeng gawain na nararapat para sa isang lalaki.

Bakit sa huli, sa akin pa rin ang sisi? May galos rin ako. Lumuluha rin ako. Nasasaktan din ako. Bakit?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Si PaelWhere stories live. Discover now