Kabanata 15.5

0 0 0
                                    

🚨🚨WARNING!!!🚨

This Chapter contains themes that are not be suitable for very young audiences. Read at your own risk.

Happy reading ❤

Kabanata 15.5 : Bangungot

"B-Bakit???" Nanghihinang tanong nga kanyang ama sa batang bersyon niya.

Walang emosyong siyang tumitig sa ama at meron pa itong syringe na hawak hawak.

"Sa tingin mo ba ay si Alba pang ang paunti-unti kong nilalason Dad? Tama ka nga may mga mata at tenga ang pader upang malaman ko ang kahayupang pinag-gagawa kay Alpha sa tuwing pinapatawag mo siya sa opisina mo..." malamig niyang turan sa ama

"Y-You bast*rd! *gasp!* *gasp!* p-pipiliin mo pa talaga ang walang kwentang haliparot na iyon kesa sa sarili mong dugo't laman?!?!?!"

Napangisi naman ang batang Philip sa itinuran ng naghihingalo niyang ama.

"Syempre dahil si Alpha lamang ang tanging mahal ko....." malamig niyang tugon pagkatapos ay walang awa niyang tinurukan ang amang naghihingalo na upang talusin ang buhay nito.

Nagbabalik kay Philip ang kasalan niya sa amang matagal na niyang ibinaon sa limot. Naalala niya king papaano nila pagtakpan ang isat-isa at kung papaano niya minapola ang mga ibedensya at ituro ang kanyang mga krimen sa wala namang kinalaman na driver ng kanyang ama.

Wala man lamang naghinala sa kanilang magkapatid at minana niya lahat lahat ng yaman ng pamilya nila. Huli na ng mabalitaan niya na nagpakamatay daw ang idiniin nilang driver matapos itonh masentensyahan sa krimen na hindi nito ginawa.

Wala naman talaga kasi itong kasalanan, ang tanging kasalanan niya lamang ay aksidente nitong natapunan ng kape ang regalong ibibigay niya sana kay Alpha. Kaya ng napag isipan niya kung sino ang ididiin niya sa kanyang krimen ang driver na iyon ang kanyang ginawang suspek, kasalanan niya na lamang na uto-uto ito at nagkataong bw*sit siya sa driver nila.

Nakakaramdam na siya ng pagkairita kung bakait ito pa ang pianpakita sa kanya.

"What the f*ck is wrong with you!! Sino ka?!?!?! Bakit mo ito pinapakita sa akin?!?!" Sigaw niya sa kawalan. Ngunit tila bingi ang mga tao sa kanyang paligid na walang may nakaka tinig sa kanyang pinagsisigaw.

Kung sino man ito ay mas lalo siuanh bwino-bw*sit sa hindi nito pagpapakita ay sa mapangasar na tawa nitong kaninan niya pa naririnig.

"Magpakita ka kung sino ka man! Hinding-hindi ako natatakot sa iyo!!!" Malakas niya pang sigaw sa madilim na kawalan.

Tanging isang nakakaasar na pagtawa ang paulit-ulit na siyang naririnig sa kadiliman.

Sa kanyang paglalakad sa kawalan ay tila nakakaramdam ng kakaibang init sa kanyang katawan na tila bala sinusunod siya kahit wala namang kahit na usok sa kanyang katawan.

Natigilan si Philip sa paglalalad ng may isang pamilyar na dalagang nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Nakasuot ito ng isang nakaputing bistida hawak hawak isang napakalaking karit at may nakakatindig balahibong ngisi.

Napakalapad ng kanyang ngisi hangang sa napunit na ang pisngi nito at tumigil ito sa gilid ng kanyang mata. Sa kanyang malapad na ngisi ay nagsilabasan ang mga nagtataliman at mahahabang pangil. Ang kanyang mga mata ay hindi rin normal sapagkat imbis na mga mata ng tao ay meroon siyang pares ng matang mahahalintulad sa isang pusa.

"KAMUSTA PHILIP NAALALA MO PA BA AKO???"

Saad ng nagraramihang boses na sumasabay sa pagbigkas ng nilalang sa kanyang harapan.

10 Roses of MonroeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon