Chapter 2

452 18 4
                                    

MALIIT LANG DAW NA BAGAY... DAMN IT.

Pumait ang panlasa ni Irene nang maalala ang sinabi ni Mang Leopoldo. Umaga na at kasalukuyan silang nag-aalmusal sa balkonahe ng kanilang bahay.

It could have been a perfect Saturday. The wind was mild, and the sun wasn't hot. Kumakanta ang mga ibon sa puno at payapa rin ang kabuuan ng probinsya ng Sta. Fe. Tamang-tama lang ang panahon kung hindi sana...

"Hoy, Irene. Mag-asawa ka na."

"Ano 'yon, 'Tay?"

"Sabi ko mag-asawa ka na."

Napasimangot si Irene nang ulitin pa nga talaga ng matanda ang sinabi nito. Ang totoo ay narinig niya ito noong una palang, pero sinadya niyang balewalain. Patamad na nilapag niya ang hawak na pandesal sa platito. Pagkatapos ay nagpeke siya ng ngiti bago nagtanong, "Para saan? Para quits tayong mag tatay?"

"Hindi namamana ang kamalasan." Tumawa rin ang matanda bago gumaya sa kaniya. Nilapag nito sa platito ang kinakaing pandesal, pinagsalikop ang mga kulubot na kamay, bago mabagal na nagsalita. "Alam mo na, Anak, tumatanda na si Tatay. Bukas makalawa baka solo mo na 'tong bahay. Wala ka nang kasama, mga multo na lang--"

"Ang aga-aga, wala na ba tayong ibang topic?" Yamot na napakamot sa pisngi si Irene para ipakita sa ama ang kaniyang disgusto. Not that she didn't like talking with him. The truth was, she loved the old man more than anything. Pero ayaw na rin naman kasi niyang paulit-ulit na balikan ang tungkol sa sakit nito. "Alam mo, 'Tay, hindi mo 'ko mapipilit mag-asawa dahil lang sinabi mo. Umisip ka ng ibang topic."

"Mathematics, gusto mo?" Leopoldo chuckled and then tilted his head. "Saan mo gustong simulan? Doon sa pinatawag ako ng teacher mo noong grade three ka pa?"

"Ang tagal na noon. Hindi ka pa nakaka-getover?" She shook her head quickly. "Pag-usapan na lang natin 'yong mga multo rito sa bahay--"

"Tsk! Hindi na natin mababago 'yong sitwasyon. Stage Four na, eh. Pag-usapan na natin, 'Nak." Tinapik ng matanda ang mesang nakapagitan sa kanila. Magaan ang itsura nito, he was even smiling. Kabaligtaran sa hindi maipintang ekspresyon ni Irene habang tinititigan ang mga tusok ng injection sa kulubot na braso nito. "Mag-asawa ka na para naman may taga-igib ka man lang ng tubig dito sa bahay--"

"Naka-jetmatic tayo, 'Tay."

"O e 'di... tagasibak ng kahoy--"

"May gasul tayo."

The old man chuckled. And only God could tell how Irene's heart broke ever so silently with the sound of it. Paano ba nakakapagbiro nang ganito ang tatay niya ganoong ni hindi na nga nila alam dalawa kung gigising pa ito bukas o hindi na?

She swallowed the lump in her throat when the doctor's words crossed her mind. May ideya ba ang matandang kasama niya sa kung gaano kasakit 'yong masabihan nang, 'Iuwi niyo na lang si Tatay, Miss... Mas hahaba kasi ang buhay ng pasyente kung hindi na siya magtri-treatment'?

Para na rin sinabi ng doktor na hintayin niya na lang mamatay ang nag-iisang taong mayroon siya!

"Ay umiiyak na naman." Mahinang tumawa ulit si Leopoldo nang mapansing nagingilid ang kaniyang mga luha. As always, dinadaan na naman nito sa pagbibiro ang lungkot na nararamdaman niya. "Pambihira, 'Nak. Pumapangit ka. Lumalaki butas ng ilong mo--"

"Naman, eh!"

"Mag-asawa ka na kasi para may iba ka nang taga-punas ng sipon." Iyon lang at marahan na itong tumayo mula sa inuupuan. Mayamaya pa ay yumukod ito sa kaniya para punasahan ang kaniyang mukha.

COMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon