Simula

20 2 0
                                    

simula

May mga panahon kung kailan, kailangan mong mag desisyon. Walang ibang kasama, at ikaw lang magisa

pero mero'n din panahon kung saan, wala ka ng oras para mag desisyon pa. kung buhay ng tao ang nakataya. wala ka ng magagawa...

kumilos ka na lang nang, hindi na nagiisip.

basta iyon na lang ang ginawa mo at hindi mo alam kung bakit. hindi mo rin alam kung pagsisisihan mo ba ang desisyon na 'yon sa huli o hindi...

Kasi, wala ka ring oras para isipin 'yon.

Ang ginawa kong 'to...hindi ko pagsisisihan 'to.

ngumiti ako sa huling segundo ng buhay ko. habang pinapanood ang malaking truck na babangga sa kaliwang side ng aking sinasakyan...

dahan-dahan...bumagal ang aking paligid. sa aking pag ngiti..,tumulo ang isang luha sa aking mata...

kumilos ako, ng hindi inisip ang mangyayari sa sarili.

sa kanan, may mga batang tumatawid sa kalsada. tuloy-tuloy ang andar ng truck at mukhang hindi nakita ng driver ang mga bata o nawalan ito ng control. kahit nasa loob pa rin ako ng sasakyan, narinig ko ang sigawan ng mga tao. nakikita din nila ang mga mangyayari...

mababanga ang mga batang 'yon...

kaya naman mabilis kong hinarang ang sinasakyan. nasa loob ako...

bumagal ang paligid at nakita ko na lang ang bawat piraso ng salamin na nagkalat sa akin. Nagkalat sa upuan. Nagkalat sa sementong kalsada. Pakiramdam ko, lumulutang ako. bumaliktad na ang sinasakyan na kotse. Nakabaliktad ako, dahil sa suot na seatbelt.

hinarang ko ang sarili para sa mga batang 'yon. para mabuhay sila...

Hindi ako nagsisisi.

umingay ang buong paligid. siren ng ambulansya ang huli kong narinig. Apoy, sa sasakyan. ang huli kong nakita. bago bumagsak ang mga pilik-mata...

Ang huli kong sinabi sa sarili...

"Ayos lang..."

gwaenchanh-a. uljima.

Naging maganda ang buhay ko. namuhay ako ng masaya at wala na akong hiniling pa.

kung may dapat mabuhay. sa tingin ko, ang mga bata dapat 'yon. dahil hindi naman ako gaanong mabuting tao...

Twenty five years ko ng kasama ang sarili, pero hindi ko pa rin masyadong kilala 'to.

One hour, before the accident.

naka ngiti ako at tumatawa pa. hawak ang cellphone at nakaupo sa sofa.

Bumukas ang pinto at pumasok ang aking manager. Tumingin ako sa kan'ya. He look at me, angrily. hinampas n'ya, ang maliit na lamesang pumapagitna sa amin. he did it because he was mad at me. alam kong kasalanan ko na ka'gad 'to. gusto kong magtago pero hindi ko na nagawa.

"Ssibal! mwo haess-eo!?" galit n'yang sigaw sa akin. pumikit ako ng mariin. agad kong tinago ang hawak na cellphone.

ano daw ang ginawa ko, sigaw n'ya. hindi ko na sinama ang mura na sinigaw n'ya para sa'kin. hindi ako nagsalita. inaamin ko naman at alam kong may mali din ako. pero bakit s'ya galit na galit sa'kin ngayon, katulad nito?

ngumuso ako. I didn't answer. alam kong kung sasagot pa ako, mas lalo lang s'yang magagalit. ilang beses s'yang nagmura. pumikit ako ng mariin at hindi na kinaya pa.

"bakit ba?" tanong ko.

natigil naman ng lumapit s'ya sa akin at tinignan ulit ako ng masama.

"anong bakit, ha? anong bakit ba?! do you know what you did today?!"

Another Place, Another Time.Where stories live. Discover now