Faye Andres
"Baaaabe, tara, date tayo." Aya niya sakin. Ngumiti lang ako at yumuko.
"Huwag na.. Dito na lang tayo sa bahay para hindi ka na maasar sa labas." Mahina kong tugon.
Oo, lagi siyang naaasar tuwing nagdedate kami.
Bulag kasi ako..
Since birth daw yun sabi ng auntie ko na tinutuluyan ko.
Namatay kasi si mama noong pinanganak ako. Pagkatapos naman malaman ni papa na bulag ako, iniwan niya na ako kay auntie na bestfriend daw ni mama.
"Wala namang kaso sakin yun babe. Magoone year na tayo. Sanay na ako doon. Pakiss ha?" Sabi niya atsaka ako tumango.
Nagpapasalamat nga ako sa Diyos at tanggap niya ako.
Tanggap niya ako kahit ganito ako..
Love is blind nga naman..
Pumayag na ako at nag bihis nung mga inabot niya saakin na damit. Maganda naman daw kasi iyon.
Ang kapa ko ay isa lang 'tong blouse atsaka pantalon. Sinuot ko ang sneakers ko na ang pagkakaalam ko ay college pa ako nong unang napunta ito sakin. Tapos ako ng pagaaral at Accounting ang course ko.
Siguro nga, Blindness has its perks.
"Tara na?" Inabot sakin ni Warren yung walking stick ko atsaka pinakapit ako sa braso niya.
Nilock muna niya ang pinto at inabot sakin ang susi.
"Dahan dahan ha."
Lagi niya akong inaalalayan san man kami magpunta.
At kung may mga tao man na kukutya samin, ay hindi niya na ito iniinda atsaka magpapatugtog at meron kaming earphones bawat isa.
Ilang beses ko na din tinanong kay Warren at sinabi sakaniyang.. "Kung sawa ka na sakin, sabihin mo lang ha?"
Hindi na lamang sumasagot ito at hinahalikan ako sa noo.
"Dito na tayo" masigla niyang sabi. Hindi ko makita ang ekspresyon niya sa mukha.
Sa totoo lang, gustong gusto ko ng makita yon..
"Sir! Ma'am! Sir!" Narinig ko namang may tumawag samin kaya napabaling ako kay Warren.
"Babe, ano yun?" Tanong ko sakaniya pero di siya naglakad.
"Gusto po sana naming tulungan ang babae. Meron po kasi kaming special treatment sa mata for free." Sabi nung tumawag samin kanina.
Makakakita na ako?
"Saan 'to? Government approved ba to? Safe ba to? Paano ako makakasigurado na totoo to?" Sunod sunod na tanong ni Warren, boses niya ay may bahid ng pagaalala.
"Teka lang po sir. Hehe. Isa isa lang po, mahina ang kalaban. Kung gusto niyo po ay pumunta po kayo sa Aoistral Hospital po, hanapin niyo po si Francisco Andres." Bigla akong napasinghap.
Francisco Andres
Siya kaya ang tatay ko?
"Warren, punta tayo." Sabi ko ng may diin kay Warren.
Halata kong nagaalala ito at nagdadalawang isip pero hinila ko siya agad.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Babe kung ayaw mo mahulog sa pond, dito tayo pupunta. Hahahaha" At kinabig niya ang shoulders ko ng pakanan.
-3-