"Mama naman ayaw ko! " Sigaw ko kay mama.
Nakikiusap sa akin si mama
at pinagpipilitan Na dapat kung
harapin yung lalakeng tinutukoy
niya kung hindi ay makukulong daw sya."Nak pangako huli nato na hiling ko,
Gusto mo ba ako makulong?""Hindi ko nga yun kilala!"
"Nak pumayag kana isipin
mo naman yung mga kapatid mo"Wala talaga akong magagawa kundi pumayag Dahil alam ko gagamitin niya nanaman Ang mga kapatid ko.
"Sige pero sasamahan moko!" Sigaw ko
Pumasok ako sa kwarto ko at nag
Simula bumuhos ang mga luha ko.
Bakit ganto bakit parang lahat ng
Problema sa akin Lahat. isang taon
Na pumanaw si papa.Noong
Pumanaw siya nagka deleche-leche
Ang buhay namin.Una tumigil ako sa pag aaral at
Dito lang ako sa bahay para
Bantayan ang dalawa Kong
Kapatid na si Kiana at kevin.
Pangalawa baon si mama sa
Utang dahil marami palang hindi
Sinasabi si papa kay Mama nong
Nabubuhay pa siya ay ang dami
Niyang utang dahil sa sugal.Nasa ganon paren akong sitwasyon ng biglang pumasok si kev at nakita akong nagpupunas ng mata dahil umiyak ako.
"Ate? Nag away nanaman
ba kayo ni mama?"I smile at him sobrang pogi talaga
Netong kapatid ko kahit malungkot
Ako umaaliwalas ang mukah ko
Kapag nakikita ko siya."Hindi kev bakit ka andito?
Anong oras na oh matulog kana
Bukas may pasok kapa"Lumapit sya saken at hinawakan
Ang mag kabila kung pisnge."Ate nagsisinungaling ka,
Umiyak ka oh, sabi ni teacher
Bawal daw mag sinungaling"Ngumiti ako sakanya tsaka
Niyakap siya at niyakap nya rin ako."Kev umiyak si ate kase masaya
Lang ako kase may kapatid akong
Katulad mo na sobrang lambing
Kayo ni kiana"Tumango tango lang sya at hinagod
Ko ang buhok nya."Bumalik kana sa kwarto mo bukas
Maaga kapa sige na"Umalis na siya sa kwarto ko
At inayus kona ang higaan ko para Makapag pahinga naden dahil
Bukas aalis den kami ni mama.KINABUKASAN...
"goodmorning ate!" Bati saakin
Ng dalawa pag kalabas ko palang sa kwarto ko.Wow first time magluto ni
Mama dahil May hinihingi
Siyang pabor saakin kaya siya
Ata itong umaasikaso sa mga
Kapatid ko."Nak upo ka alam kung gutom ka
Hindi ka man lang kumain kagabi"Binigyan ako ni mama ng plato at
Halos lahat ng ulam ay ilagay
Sa plato ko."Ma! Ano ba ako na ang mag
Lalagay, andami mong nilalagay
Hindi naman ako bibitayin"Binawasan ko yung ulam ko
At nagsimula kumain. Titig na
Titig saakin si kiana na parang
Alam nya kung bakit kami ni
Mama ganito."Ate galit kaba?" Tanong
Ni kiana at palipat lipat ang
Tingin samin ni mama."Kumain kana kiana ma-lilate
Na kayo ni kev" si mama ang
Sumagot.Ng matapos kaming mag almusal
Ay umalis na ang magkapatid at
Ito maliligo naako para pumunta
Kung saan ang lakad namin ni mama."Nak pwede pumasok?"
Narinig kung kumatok si mama at
Kahit nasa loob na sya ng kwarto
Ko mag tatanong pa kung pwede
Pumasok ano ba itong nanay ko
Baliw.Lumabas naako sa banyo para
Mag bihis nakita ko si mama
Nakaupo sa kama ko at may paper
Bag na nilapag sa kama at tiningnan ko yun."Ano to?" Tanong ko at hawak
Ang paper bag na yun."Suotin mo yan gusto kase nung
Lalake na presentabli kadaw tingnan"Lumabas na si mama ng kwarto at
Binuksan ko yung laman ng paper
Bag at kumunot ang noo ko
Dahil masyado naman itong sexy
Tingnan. Ng ma isuot ko ang kulay
Itim na backless dress ay para
Akong hindi makapaniwala na
Bagay saken at presentabli ako
Tingnan ang ganda!, Parang hindi ako Mahirap Sa suot kung to."Nak? Tapos kana bilisan mona
Diyan at andito na sundo naten"Kumurap kurap ang mata ko dahil
Sa sinabi ni mama na "SUNDO"
nakakaloka para san ba itong mga
Paganito ibebenta ba ako ni mama?."Eto lalabas na"
Ng buksan ko ang pinto nakita ko
Ang pag titig ni mama at ang
Isang driver ata yun tulala silang
Tiningnan ako habang pababa
Akong hagdan patungo sakanila."Nak sobrang ganda mo ang payat
Mo tingnan"Natawa ako sa sinabi nya at
Tinaasan sya ng kilay."E? Hindi naman ako mataba
Ah Chubby lang" sagot ko.Umalis na kami ng bahay at
Sumakay sa sinabi ni mama na
Sundo infairness naka kotse kami
Bagay na bagay sa sout ko.