"Goodmorning Manang Fe :) si mommy po?" Pagtatanong ko habang pababa sa hagdanan.
"Good morning din. Andun sa garahe kasama yung dad mo" sagot ni manang. "Ahh cge po, thankiee" tugtong ko nang may ngiti sa mukha. Ansaya ko lang, kasi naman nandito pa sila. Every morning kasi palagi silang wala ni dad kami lang palagi ni kuya ang nasa bahay at yung kasama lang namin ay ang manga katulong. Kaya nang na laman kong nandito sina mom nagmadali akong pumunta sa garahe..
Nang nasa garahe na ako "MOMMY! DADDY!" Niyakap ko sila nang sobrang higpit at halos maiyak na ako sa sobrang saya. "Bat po nandito pa kayo? Himala po ata at makaka sabay po namin kayo sa breakfast" dugtong ko at binitiwan na sila sa pagkakayakap.
"Ahh, baby sorry pero paalis na kami ng daddy mo eh. We're on a rush kasi.. May meeting pa kami this morning, actually malapit na kaming ma late eh.." Sabi ni mommy na halatang nag aalala na Baka ma late sila.
"Oh sige, ganito nlang anong gusto mong pasalubong? Anything. Ibibigay namin ng mommy mo." Dugtung naman ni dad
"Anything?" Sagot ko.
"Oo my princess, anything" sagot naman ni dad.
"Kayo po, kayo po yung gusto ko. Will you stay here just for today?" Sabi ko na parang nagmamakaawa.
"Baby, alam mo namang..." Pinutol ko agad ang sinasabi ni mommy, alam kona kasi yung sasabihin nya. "Its okay mom, I understand" dugtong ko na parang nagsasalita na walang gana.
"Cge po, maliligo napo ako may klasi pa kasi ako. Ingat po kayo" dugtong ko at tumakbo na ako papuntang kwarto ko. Narinig kong tinawag ni dad yung pangalan ko pero di ko ito pinansin, diretso lang talaga ako sa kwarto ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Parang si Melody sa Little Mermaid.
Pagdating na pagdating ko sa kwarto ko, agad ko itong ni lock at nagpatuloy ako sa pagiyak. Naiintindiha ko naman sina mommy eh, alam kong for our own good yung ginagawa nila pero anak lang din naman kasi kami eh, kailangan din namin ng magulang..
*tok-tok-tok*
May kumakatok at biglang nagsalit "Kaye? Its me, open the door." Yun si kuys pala, siguro alam na ni kuya ang nangyari. Matagal kasing gumising si kuya eh kaya di na nya naabutan sina mommy. Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko.
By the way, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Kaye Marie S. Andalio, 16 yrs. Old, Senior na ako and I have a brother and he's Kyle S. Andalio. I go the same school as my kuya. He's 1st year college. 1 year lang yung gap namin kayanaman naiintindihan ako palagi ni kuya. My moms name is Mellisa S. Andalio while my dads name is Richard S. Andalio. Kung napapansin nyong puro K nag ee'start yung name namin ni kuya well di ko ron alam. Hihihihihi.
Okay so pag bukas ko nang pinto nasa harap kuna si kuya.
"Are you okay?" Pagtatanong ni kuya habang hinahawakan yung kamay ko.
"I'm fine kuya" sagot ko habang nag fi'fake smile. "Sanay nanaman ako ehh. Palagi naman silang ganyan." Dugtong ko at ngayoy lumuluha nanaman ang Mata ko.
"Kaye, we need to understand them." Sagot nya habang nakahawak ang mga kamay nya sa mukha ko. "Alam ko yung nararamdaman mo kasi parehas lang din naman tayo ng sitwasyon eh. Hindi lang ikaw ang nangangailangan ng magulang." Pagdudugtung niya nang napaka seryoso.
"But kuya.." Pinutol ni kuya ang sinasabi ko kaya napatigil ako sa pagsasalita.
"No buts Kaye. Sige na, maligo kana at malilate na tayo sa school." Pag singit niya.
Pagkatapos mangsermon ni kuya sakin, lumabas na sya sa kwarto ko. Pag labas ni kuya naligo nalang ako at nag bihis ng uniform ko sa takot na Baka ma late kami.
After 20 minutes tapos na akong maligo at tapos nadin akong magbihis. So bumaba na ako to eat breakfast.. An tahimik ng bahay, parang walang tao. Panu kasi kami lang ni kuya at yung mga katulong namin yung nandito. Haaaaaaayyyyy... So nang bumaba ako umupo na ako katabi ni kuya at nagsimula na kaming mag dasal at pagkatapos naming magdasal kumain na kami. After eating, pumunta na kami sa garage at nagpahatig na kami kay manong.
_____________________________________
Okay jan muna. Hahaha! Tinatamad na ako xD mehehe!
Thankyouuuuu ❤Grasbe~