Athena's Pov:
"Athena ang tagal mo naman! Hinahanap ka na ni tito!."agad nyang sabi pagkapasok ko sa bahay.
Pumunta na ako sa kwarto ni dad pero wala sya doon kaya bumaba ako,pumunta ako sa kusina at doon ko sya nakita.
"Dad."tawag ko kay dad at lumingon naman ito habang hinahalo ang tinitimpla nyang kape.
"Athena anak bakit hindi ka man lang nag-sabi na aalis ka sana ay inutos mo nalang kay manang rose yan."
"Hindi napo malapit lang naman ang pinuntahan ko kaya ako nalang ang pumunta."sabat ko naman sa kanya.
"Sana ay nagpasama ka man lang sa kahit na sino dito sa bahay para hindi ako nag-aalala sayo, dapat ay nagsabi ka kay mang george para ihatid ka nya."nag-aalalang sabi nya.
"Ok lang yun dad,sige na at pupuntahan ko na si Amanda."sabi ko naman sa kanya. Mahal na mahal kami ni dad kaya ganun nalang ang reaksyon nya.
Pumunta ako sa sala para puntahan si amanda pero wala na sya doon kaya nagtungo ako sa kwarto namin dahil hindi naman nakakalabas ng village si amanda sapagkat hindi nya alam ang pasikot sikot dito.
"Athena! Ano na!? Wala ka man lang bang binili para saakin?.malakas na tanong nya saakin at nagkukunwari pang galit.
"Oh."sabi ko at binato ko sa kanya ang isang plastik na puro sitsirya.
"Kaya mahal na mahal kita athena eh maraming salamat i love yu."ngiting sabi nya habang kinakain ang mga ibinigay ko.
"Pwede bang! Wag kang maingay kaya ayaw ko muna umuwi dahil sayo!."iritableng sabi ko!.
"Meron ka ba ngayon at ganyan ang init ng ulo mo!?."mas malakas na sabi nya.
"Oo kaya wag kang maingay masakit ang puson ko!."at ibinato ko ang unan na nadampot ko sa kanya.
Humiga muna ako at pumikit dahil nakakaramdam ako ng sakit ng ulo.ang totoo ay wala talaga ako ngayon at kakatapos kolang last week masakit lang ang ulo ko dahil sa daming sinasabi ni amanda.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ko alam na naka tulog ako tumayo ako at wala na si amanda sa kwarto kaya bumaba ako para tignan sya pero wala sya sa sala kaya naman nag tanong tanong ako sa mga maids dito pero hindi daw nila alam kung nasaan si amada.Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya pero hindi nag ri-ring ang tawag ko. Hindi ako sanay na ganto si amanda dahil takot syang lumabas.
Lumabas ako ng bahay.nag lakad lakad ako at umaasang nandoon lang si amanda.
Habang naglalakad ako ay nakita ko sya! Hindi si Amanda kundi yung lalaking feeling close!. Hindi ko alam na ditong village sya nakatira.
Naglalakad lang ako na para bang walang nangyayari pero binilisan ko ang paglakad ko dahil ayokong makausap sya masyado siyang maingay katulad ni amanda.at nung sa harap nya na ako tatakbo ay nagdadasal akong hindi nya ako makilala.
Naka-hinga ako ng maluwag dahil wala syang naging reaksiyon baka hindi nya talaga ako nakita. Nasan kaba kasi Amanda!
To be continued.....
YOU ARE READING
My Girl
Short StoryAthena mae alvarez ang hindi karaniwang babae. Maraming nag-bago sa kanya dahil sa sakit na naramdaman nya sa nakaraan. Pumunta sya ng maynila para hanapin ang totoong sya at syempre as usual para maka pag move-on. Hindi nya aakalain na meron syang...