Dos

11 4 0
                                    


"Siaaa my babyyy! Mamaya ah?" sigaw pa nito at nakangiting ikinaway ang dalawang kamay

"Noted" sigaw ko pabalik

"Uy! Bagay talaga kayo ni Ethan" pang aasar nito

"Tangina Sam kilabutan ka nga" parang nandidiring suway ko dito

"Aba! nag iinarte pa ang babaita! Hoy bulag ka ba? Ang pogi kaya ni Ethan"

" Ewan ko sa'yo Samara daldal mo. Ano bibili ka ba? Kase kung hindi lumayas layas ka rin sa harap ko"

" Sungit ah!" Tawa nito

Kapikon bwiset!

"Eto na nga bibili na eh, parang mananakit ka na sa ganyang tinginan Sia"

"Mananakit talaga ko Sam, kaya bilis bilisan mo"

" Ouch! Sakit, pag kay Ethan ang bait bait mo. F.O na talaga"

"Gago bahala ka nga d'yan" Agad akong pumasok sa loob ng bahay dahil umaatake na naman ang period cramps ko

Mabilis akong naghanap ng pain reliever at ininom ito. Inihiga ang katawan ko sa sofa. Hinayaan kong nakalaylay ang kamay ko sa sahig at mariing ipinikit ang mata habang ang isang kamay ay nakapatong sa tiyan ko.

Habang iniinda ang sakit ng puson, malakas na tumunog ang cellphone ko sa bulsa.
Hindi ko na tinignan kung sino ito dahil si Ethan lang naman ang madalas tumatawag sa'kin.

"Oh bakit?" Sagot ko agad

"Wala hehe! Namiss lang kita"

" 'Wag mo nga muna 'ko kulitin at nababadtrip ako ngayon"

"Kailan ba hindi?"

"Kapag hindi ikaw ang kausap ko"

"Grabe ka Sia, 'di mo ba alam na nasasaktan ako. Look oh I'm hurt na dito sa heart"

"Baliw"

" 'Di mo man lang ba 'ko susuyuin?"

Hindi ako sumagot

"Oo nga sabi ko nga hindi"

Abnormal talaga amp

"Alam mo ba kanina yung~
Agad kong inend ang call. Wala talaga 'ko sa wisyo kumausap ng kahit sino

Agad nag pop ang message ni Ethan

ETHANGINA

2:15 pm
Hoy! Bakit mo pinatay may chismis pa nga ako!!!😡

Hindi na 'ko nag abalang replyan ito at ipinikit ko na lang ang mata ko. Badtrip sobrang sakit talaga.

Sinking Alone (ON GOING)Where stories live. Discover now