67

247 17 6
                                    


Maren
9:54 PM

Mauve:
te
pst

Maren:
si kahel na naman?
ilang buwan din kayong 'di nag-usap ah
natiis mo pala
ano na ang susunod nyan?
maghanap ka pa ng iba
pakilala kita kay mike

Mauve:
👍

Maren:
HAHAHAHA
si gino
pwede rin

Mauve:
kaibigan ko 'yun e
saka
may sinabi siya sa 'kin no'n

Maren:
ano?

Mauve:
hay basta
anong gagawin kooooo?

Maren:
kasalanan mo 'yan
bakit kasi sinabi mo na itigil niya 'yung pangliligaw niya sa'yo?
e hihintayin ka naman, 'di ba?
pero may mali rin naman siya
'di niya pinaglaban
ibig sabihin lang no'n

Mauve:
ano?

Maren:
kulang ka lang sa tulog

Mauve:
ano baaa

Maren:
nirespeto niya lang ang desisyon mo

Mauve:
ano nga gagawin ko?
paano kung
may ligawan siyang iba?
problemado na nga 'ko sa kursong kukunin ko tapos dagdag pa siya sa iniisip ko

Maren:
huwag mo muna siyang isipin
antok na 'ko
bye

10:57 PM

Maren:
alam mo, mauve, hindi mo kailangang magmadali patungkol sa mga ganyang bagay
hindi masamang magkagusto
pero alalahanin mo ang mga limitasyon at bagay na puwedeng magpahamak sa'yo
hindi naman ako magaling sa ganito, e, pero bilang kapatid mo
ayaw lang din kitang masaktan
mas malakas ka sa 'kin, alam ko 'yon
tinulak mo nga 'ko sa kanal no'n, e
hay, mauve
kaantok, lab u
ang korni

11:09 PM

Maren:
meron pa pala
pakiramdam ko hindi ako naging mabuting kapatid sa'yo dahil sa ginawa ni kahel noon
mali ako, hindi mo kasalanan kung ayaw mo siyang sagutin
kailangan mo ng oras, mauve
kung kayo talaga para sa isa't isa, dadating naman kayo r'yan, e
pero sa ngayon, isipin mo muna ang sarili mo

Bawat KahelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon