1

194 5 2
                                    

Darius' PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Darius' PoV

"E-elena?" sambit ko nang nakita kong nagising na siya

Unti unti niyang minulat ang mata niya bago tumingin saken

"N-nasan ako? Sino ka?"

"Elena... ano, ako si-"

"Elena? Sino si Elena?"

"I-ikaw?" Takang sambit ko

"A-ahhh" sambit niya hawak hawak ang ulo niya

"T-teka mahiga ka muna"

"S-sino ka ba?! Kilala ba kita?!"

"Hindi! Pero kumalma ka muna may pilay ka pa..."

"B-bakit wala akong maalala?!" Sambit niya na nagpaisip saken na mukhang nawala ang memorya niya mula sa aksidente

"May private plane na bumagsak sa tubuhan!!" Sigaw ng mga kapitbahay namin dito sa bukid.

Busy pa ko non pagtingin sa magazine ni Elena Stanford na siyang iniidolo ko nang bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog at maya maya nga eh nalaman na naming may bumagsak na eroplano

Nagpuntahan kami sa lugar at nakita namin sa labas nung nasusunog nang eroplano ang isang babae. Wala nang pulso ang iba niyang mga kasamahan pero nang tingnan siya ng albularyo ay buhay pa daw ito

Hindi ko pa makita ang mukha noong una pero nang iayos ang posisyon nito ay nanlaki ang mata ko na makita ang babaeng tinititigan ko lang noon sa magazine na mismong nasa harapan ko.

"E-elena?!" Sambit ko na ikinataka ng mga tao. Karamihan sa lugar namin walang telebisyon o magazine kaya hindi din kami gaanong kapmilyar sa mga kagaya ni Elena pero naiba ako dahil napadpad ako sa syudad at siya yung unang babaeng pumukaw sa atensyon ko. Nalaman kong isa siyang modelo kaya naghanap talaga ako ng magazine na siya ang cover at inuuwi yon sa bahay

Napunta sa bahay ko si Elena dahil sambit ng mga kapitbahay ako naman daw ang may kilala dito, kaya dun ko na patulugin habang nagpapagaling.

Yung mga pagpupunas sa katawan niya sina manang cyntia inuusap ko. Kahit naman kasi idolo ko si Elena, wala sa konsensya ko ang kayaning mambastos. Binabantayan ko lang siya hanggang sa nagising na nga siya.

 Binabantayan ko lang siya hanggang sa nagising na nga siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
No OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon