11

49 1 0
                                    

"E-eh??"

"I wanted to talk to my father but that doesn't mean I'll leave unnoticed?"

"..."

"You don't trust me, do you?"

"Hindi sa ganon..."

"Teka nga"

"Huh?"

"You're not hiding anything from me right?"

"W-wala! Bakit napunta dun?!"

"Eh ayaw mo eh! Gusto mo ko pero di ka naman kumikibo!"

"Elena-"

"Nakakafrustrate ka alam mo yon?"

"Elena. ELENA!" Sigaw ko kasi tuloy tuloy na bibig niya

"Are you shouting at-"

"Sshh. Pwede wait lang?"

"Why?!"

"Isa pang salita hahalikan na kita"

Elena's PoV

"W-what?"

"Makinig ka. Gusto kita that's a fact. Natakot ako. Totoo din yon. Pero Elena. Umamin ako... 30 mins ago lang"

"So what?"

"Tsk." Sambit niya bago bumuntong hininga. "Sa gustuhin ko mang gawin yung gusto mo... mas nangingibabaw saken na... gustuhing patunayan muna yung sarili ko sayo. Oo, makaluma... pero ganun ang tingin ko na dapat... I was happy you told me na gusto mo rin ako... pero hindi naman sapat yun di ba? Dapat patunayan ko pa rin sarili ko sayo"

"Andami mo nang nagawa para saken, isn't that enough?"

"It isn't... kasi hindi ko naman sinabi mula pa simula na gusto kita... higit pa sa pagiging modelo mo. Nagugustuhan kita ng higit pa don"

"Pero yun yung nararamdaman ko sa ginagawa mo"

"Elena..."

"What? You like me, I like you kailangan pa ba pahabain yun?"

"Are you really this straightforward?"

"Ang akin lang naman... hindi ko na alam yung pwede pang mangyari sakin sa mga sunod na araw... I am still some kind of wanted or what... I felt this... with you. Sa tingin mo hihintayin ko pa bang mapatay ako?"

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan"

"That's the truth. Posible pa rin akong mapatay"

"Elena! Tsk"

"Pahinga na lang tayo" sambit ko sa kanya. Maybe I was really a little too aggressive...

"Elena..." tawag niya saken pero naglakad pa rin ako palabas ng bahay

"Elena!"

"Papahangin lang ako!" Sigaw ko ng hindi lumilingon. Baka nga naman kasi pinapatulan ko lang siya sa trip niya kaya ayaw niya maniwala ganun.

Hindi ko din naman alam sa sarili ko pero kasi... after having a near death experience parang ayoko na mag-aksaya ng panahon...

Tumingala ako sa paligid only to see posters of me missing with a price money...

"Elena..." naramdaman ko na lang may nakahawak na sa braso ko

"Oh?" Sambit ko trying to smile. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko.

"Uwi na tayo" sambit ko walking away trying to escape his stares pero hinila niya ako pabalik before he grabbed my face and kissed me

"Bahala na... pero mahal talaga kita Elena"

Darius' PoV

"A-akala ko ba... ayaw mo..."

"Ako? Aayaw sa'yo? Ang kapal naman ng mukha ko non..."

"Pero sabi mo... sabi mo mabilis... di ba nga-"

"Mahal kita" pagputol ko sa kanya

"Mahal kita... yun yung alam ko... mahal kita... marami pang mangyayari... marami pang dapat gawin... pero sigurado ako... mahal kita"

"D-darius..."

"Kanina oo nagddoubt ako... kasi nga... artista ka... pero... ahh basta!"

"Sinasakyan mo lang naman ata ako eh... hindi mo naman gusto to eh..."

"Ilang beses ko ba dapat ipagsigawan na mahal kita para sabihin mong totoo? Andami daming mong picture sa bahay ko mukha na kong stalker... hindi pa ba kita mahal non?"

"Pero-" bago pa man siya nakapagsalita ulit hinawakan ko na magkabilang pisngi niya bago ko siya hinalikan ulit

"Uulit ulitin ko na parang sira na kong plaka... mahal kita" sambit ko habang nakatitig sa mga mata niya. Pagkatapos non yumakap lang siya sakin kaya niyakap ko lang din siya pabalik

"Wala nang bawian ha? Sabi mo gusto mo ko..." nagsumiksik lang siya sa dibdib ko sa sinabi ko kaya niyakap ko lang din siya muli habang may ngiti sa labi ko

" nagsumiksik lang siya sa dibdib ko sa sinabi ko kaya niyakap ko lang din siya muli habang may ngiti sa labi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
No OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon