Natalia's POV
Today is saturday at ngayon na rin ang lakad namin ni Mike at kagabi nadesisyonan namin na magkikita kami sa labas ng school at exactly 11 am nandun na kami.
Ngayon ay 9:45 na at naligo na ako pagkatapos nagbihis na. Nagsuot ako ng croptop, pinaresan ko ng short then converse na sapatos, fini-fishtail ko naman ang buhok ko then nagshades rin ako and lastly isinabit ko ang DSLR sa leeg ko.
PERFECT!
Bumaba na ako at nagpahatid na kay manong sa skwelahan. Pagkarating ko dun nakita ko na kakarating lang rin ni Mike.
"Oh 'san na tayo pupunta?", bungad ko, wala nang 'hi' or 'hello' hindi kami close ha ha ha!
"Basta, sumakay ka nalang", grabe ang sungit nag tanong lang naman psh >.< kaya ayun sumakay nalang ako no choice eh...
"Tara na po manong" utos niya kay manong driver, hindi ko alam kung ano ang pangalan ni manong kaya yun nalang ang sinabi ko
"Uy Mike 'san ba tayo pupunta?" wala kasi siyang sinabi kung saan kami pupunta ngayon at sabi niya siya lang daw ang bahala
"Basta"matipid niyang sagot
"Manong saan po tayo pupunta?", nacu-curious na talaga ako
"Basta po ma'am. Mabuti pa at matulog muna kayo kasi malayo-layo pa 'tong byahe natin", pati ba naman si manong naki 'basta' rin?
"Manong Natalia nalang po ang itawag niyo sa akin"
"Sige po ma--ay Natalia"
Gaya ng sinabi ni Manong driver natulog nalang ako
**
"Wow ang ganda", mangha kong sabi. Grabe ang ganda dito ang daming fireflies. Nakapalibot sila dito sa lugar na ito at parang itong puno na kaharap ko ngayon ay parang bahay nila.
They are not just an ordinary fireflies because they have a different colors.
Naglibot-libot lang ako sa lugar hangga't sa napadpad ako sa isang puno na maring fireflies na color violet.
Waaaahhh ang cute, favorite ko talaga ang color violet
Nang mas nilapitan ko ang puno ay may nakita akong isang lakake na nakaupo sa likod nito. Anong ginagawa niya dito?! At sino naman tong lalaking ito?
Lalapitan ko na sana siya ng...
.
.
.
.
"Natalia gising na po, andito na tayo", gising saken ni manong driver
Sayang! Hindi ko nakita ang itsura ng lalake, tsk tsk. Siguro gwapo yun. hihihi
Paglingon ko sa right side ko wala na si Mike, nakalabas na pala siya kaya lumabas na rin ako.
Wow! Nice choice ha! Hindi ko naisipan 'to ah. Nandito pala kami sa Rizal Park
"So ang pi-picturan mo ang statue ni Dr. Jose Rizal, okay? Pi-picturan ko lang ang buong park", tugon niya at tumango lang ako, may dala rin siyang DSLR niya.
Ginawa ko na ang sinabi niya at pagkatapos nun pinicturan ko rin ang mga bata na naghahabulan, ang ku-cute nila.
Napangiti ako sa naisip ko, ang sarap pala maging bata no? Kasi wala ka masyadong problema gaya ng love life mo, at gaya rin ng bata umiiyak ka lang kasi hindi ka binilhan ng magulang mo kung ano ang gusto mo o di kaya nadapa ka hindi gaya saken na umiiyak dahil sa pag-ibig. Pero dapat rin natin tanggapin na hindi rin tayo pwedeng maging bata nalang palagi at 'yung masaktan ka, parte lang yun sa ating buhay kaya dapat maging matatag tayo.
BINABASA MO ANG
Unknown Guy In My Dreams
HumorSi Natalia Clarisse Halmonte ay isang simple at maganda na babae.Mabait siya kung mabait ka, at kung maldita ka, aba! maldita din siya at hindi siya nag papa-api.Kilala siya sa kanilang skwelahan bilang magaling na mananayaw at magaling kumanta, ma...