Dorm

28 6 1
                                    

"1 week Bago ang pag alis ko para magpunta ng maynila at kumuha ng dorm"

I spend all of my time bonding with my family and also sa mga asungot ng buhay ko ang mga kaibigan ko HAHAHAHAHA Kumain kami sa labas together nagpuntang theme park etc...... Then this day come today ang pag alis ko para harapin ang panibagong challenge na ginusto kong tahakin and this is not easy kasi mag isa ako sa manila and ang malala wala pa akong alam na lugar pero may nireccomend naman sakin na dorm na pwede kong pag stay habang nasa manila ko..

Mamu:Oh nak mag iingat ka doon ha?wag mo kami alalahanin ni papu mo dito ang alalahanin mo ang sarili mo basta kapag naubusan ka ng allowance mo don mag chat ka lang sa amin papadalhan kita kaagad ha?

Papu:kahit kapos tayo sa buhay magsabi ka lang sa amin ng mamu mo gagawan namin ng paraan.(nakangiting sabi ni papu, sabay hawak sa mukha ko)

Venice:Wag mo kami kalimutan ha?Pagdating mo don baka may wifi naman tawag ka agad samin para di ka ma bored😊

Gabbi:Take care kath!

Sheila:Uhm Pag you feel difficult mag ask ka lang samin kath ha? we're ready to help you naman

Mamu:nako salamat ng marami sa inyo mga iha mahal na mahal nyo talaga itong kaibigan nyo nakakatuwa naman naaalala ko tuloy nung kabataan ko may isa akong kaibigan ang name nya is Lynette highschool bestfriend ko sya pero dahil nag transfer na sya sa manila nawalan na ako ng connection sa kanya..kahit matanda na ako hinihiling ko pa din na sana isang araw magkita kaming muli para naman makapagpasalamat ako sa naitulong nya saakin noon

:Wag ka mag-alala mamu Pagdating na pagdating ko sa manila hahanapin ko agad yang teenage bestfriend mo.

Gabbi:Pano mo naman hahanapin don teh?di mo nga alam mga lugar don?

Venice:Para saan ma ang google map kung di naman gagamitin?

Mamu:aynako wag mong intindihin muna yon nak ang intindihin mo maging maayos ka don tsaka mo na i priority yon pag alam mo na ang mga lugar don

:Ako pa ba mamu?nakabisado ko nga Table of elements in just 3 days?

Mamu:Osya sige na sumakay ka na ng Bus at baka mamaya maiwan ka iloveyou nak(nakangiting banggit ni mamu)

Papu:Nak....😢

Mamu:Nubayan Pa daig pa kita tignan mo ako di ako umiiyak oh?

:Papu uuwi pa naman po ako dito di naman ako papanaw magkikita pa tayo papu ano po ba gusto mong pasalubong? HAAHAHA

Papu:Wala akong gustong pasalubong nak umuwi ka lang ng maayos masaya na ako sige na sumakay ka na(nakangiting sabi ni papu)

Venice:Mamimiss ka namin😭Bakit kasi di ka nalang dito mag-aral?dami daming magagandang school dito maganda pa don

:Luka alam mo naman Dream school ko yon diba?kung nakapasa lang kayo makakasama ko kayo don eh

Gabbi:Oh basta balitaan mo nalang kami kapag may nagpapatibok na ng puso mo don ha?

Papu:Aynako yan ang hindi pwede Katherine ipangako mo kay papu na hindi ka muna mag boboyfriend don ane?nando ka para mag-aral ha?

:Opo papu alam ko naman po sige na sasakay na ko lalo lang humahaba ang chikahan natin baka maiwan ako ng bus HAHAHA...Bye guys mamimiss ko kayo Pag uwi ko dito teacher na'ko Pangako ko sa inyo yanw...Mu I kotong mo nalang ako kay kenneth ha?

Pagkatapos non ay sumakay na ako ng bus halong saya at lungkot ang nararamdaman ko non di ko maiwasang maluha sa bus dahil namimiss ko na sila kaagad....Malayo layo pa ang Byahe ko kaya naisipan ko munang umidlip....Sa sobrang Idlip ko di ko namalayan naka sandal na pala ang ulo ko sa balikat ng katabi ko..

Boy:uhm miss?miss gising nasa manila ka na

:Hala!nako pasensya na po nakatulog ako ng sobra pasensya na(may hiya kong sinabi)

Boy:no its ok haha Btw you're looking for dorm din?

:Pano nyo po nalaman?

Boy:Simply because you have lot of bags besides you

:ah oo eh haha so naghahanap ka din ng dorm?actually may nireccomend na sakin na dorm..

Di pa man ako nakakatapos magsalita biglang..

Boy:wait sorry to interrupt you Bumaba muna tayo sa labas na tayo mag-usap haha

:Jusko oo nga pala haha pasensya na po manong(akward kong sinabi)

Tinulungan nya akong bitbitin ang iba kong gamit para maibaba sa bus

:Nako wag na ako nalang mabigat yan eh😅

Boy:No problem

:Salamat..(hiya kong sinabi)

Boy:Btw My name is Rhon how about you?

:Ah ako?ano haha my name is Katherine but you can call me kath nalang for short😅

Rhon:Well nice to meet you Kath

:Nice to meet you din

Di ko maipaliwanag pero awkwardness talaga ang nagyari saakin sa pag-uusap namin

Rhon:So sinabi mo lang earlier may recommendation na sayo kung saan dorm ka pwede tumuloy?

:Ah oo haha medyo malapit lang daw kasi sa campus para mas mabilis ako makapasok less late hehe

Rhon:Sounds Good! Actually may recommendation na din sa'kin but medyo far sya sa campus kaya baka ma late ako lagi oh btw CSA ka ba?

:Ah oo scholar ako don ikaw din?

Rhon:CSA din ako so magiging schoomate pala tayo haha

:Reccomend ko nalang din sayo yung dorm na nireccomend sakin para less late ka nalang din

Rhon:Yo thankyou so saan ba yon?tara na?

:Tara!

After ng Long awkward talk ay nakarating na din kami sa Dorm

Old Girl:Iha ikaw ba si katherine?yung galing ng Bicol?

:Ay opo lola ako po, Kath nalang po lola

Old Girl:akala ko ba eh nag iisa ka lang sino itong kasama mo?

:Ah siya po si rhon lola kukuha din po sana ng dorm kung may available pa po

Old Girl:oo meron Halika pero ok lang ba paghiwalayin ko kayo ha?para safety na din uso kasi ang mag nobyo pa lang eh sabik na sa mga gawaing pang mag-asawa

:Ay nako lola! hindi po hindi po kami mag nobyo nagka kilala lang po kami sa bus station haha

Napatingin ako kay rhon at nakita kong napangisi sya.

Old Girl:Ganon ba?pasensya na akala ko mag nobyo kayo eh osya dito ka wag kayo mag-alala may ka dorm-mate kayo dito ka sa room 14 katherine dito ka naman pogi sa room 15.

Us:Salamat po lola

Sabay nag tinginan kami at pasok sa kanya kanya naming dorm

Ok naman yung dorm Cute pang babae talaga and ang mahalaga di ako mabobored kasi may kasama ako

:Ay hello ako si kath ako yung dorm mate mo(nakangiti kong sinabi)

Girl:Ay hello!nako salamat may makakasama na ko Omg Taga san ka teh?

:Ah haha taga bicol ako

Girl:So bicolana ka?

:Yes po haha

Girl:CSA ka no?Anong year mo na?

:Ako?2nd year college na ko

Girl:Omg Same!anong course mo?

: Educational (nakangiti kong sinabi)

Girl:Btw my name is Ashley, Nice to meet you kath

And napa haba ang kwentuhan namin get to know each other ganon ok na ang lahat inupdate ko na sila mamu and mga kaibigan ko na nasa dorm na ko ang hinihintay ko nalang is ang pasukan na hinihintay ng lahat sana magagandang bagay pa ang susunod na mangyari at madami pa ko makilala dito sa manila....






Our Almost Happy Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon