Prolouge
Pag tumingin sayo ang labing isang mata na yan ay kabahan ka na.
Lalo na kung ang anim na bida ng storyang ito ang tititig sayo.
Labing isa? Tapos anim sila? Diba dapat labing dalawa?
Siguro ayan ang tanong na nasa isip mo.
Bakit nga ba labing isa lang?
Dahil bulag ang isang mata ng isa sa mga bida.
Pero, kahit na ganon.
Hindi pa rin iyon hadlang sakanya.
Kahit na ganon ang kanyang mga mata, kaya niya pa rin patayuin ang balahibo mo at patumbahin ka kahit naka pikit pa siya.
Pero, paano kung itong mga bidang ito ay nasangkot sa isang gulong imposibleng manalo sila?
Yung gulong ayaw nilang kasama sila dahil gusto nila ng normal na buhay.
Gusto nilang tahimik ang pamumuhay nila. Yung iilan lamang ang nakaka alam na, gangsters pala sila.
Pero, dahil din sa kagustuhan nilang iyon. Kaya, mas napanganib ang kanilang buhay.
Dahil, hindi sila pinayagan ng namumuno sa organisasyong kasali sila.
Dahil, sila ang pinaka malakas sa lahat ng pinamumunuan nito.
Pero, dahil nga sa kagustuhan nila.
Tumiwalag sila.
At pinahanap sila.
At pinapatay.
Ngunit, hindi sila napatay.
Bakit?
Dahil ang mga taong inatasan na hanapin at patayin sila ay...
Nagustuhan at minahal sila.
Ano ng mangyayari sa susunod?
Tunghayan ang storya ng anim na mga babae na pinakamalakas sa gangster world.
Kakayanin kaya nilang pabagsakin ang namumuno sakanila para lang makatakas sila?
xxx
Dahil ito kay ate Jm eh~ Ate, tulungan mo ko dito ha? Mwah mwah! ^^
•PogingPsycho