Chapter 2

7 0 0
                                    

" diba si Ace yon " tanong ni Jaden tumingin naman si Zack kung saan nakaturo si Jaden. Di ko na lang sila pinansin. Andito kami sa fields nakaupo ni Zack at Jaden wala sila Kae, Rayi at Nova may class pa sila hinihintay na lang namin sila. May study session kami after class kaya hinihintay pa namin sila Kae.


" umm hi Akihira gusto ko lang ibigay toh sayo sana magustuhan mo " abot sa kin ng random dude tapos kumaripas ng takbo. Tiningnan ko lang yung inabot sakin. It was a box of brownies that had different toppings. I just gave the box to Zack. He looked like he wanted it so bad. I just took one brownie. It's really hot today. I'm wearing a loose beige pants partnered with a grey sleeveless crop top and a black flannel since it was cold inside the classrooms.


" tara " sabi ko at tumayo sa pagkakaupo sa grass.


" san punta naten? "


" library " sumunod naman sila sakin napaka lamig kasi don sa loob ng library kaya dun na lang kami maghihintay sa kanila Kae. Nadaanan namin sila Vann at Ace na nagtatalo diretso na lang akong naglakad ngunit napatigil nang may humarang sakin na grupo ng mga lalaki pagtingin ko may mga grupo ng mga lalaki na may kanya kanyang bitbit na box, paper bag, at envelops. Blanko ko lang sila tiningnan at maglalakad na sana ulit ako ng magsalita ang isa.


" Akihira para sayo ito sana iyong tanggapin " abot niya sakin ang isang paper bag tiningnan ko muna ito bago tanggapin.


Pagkatangap ko sumunod naman ang iba na nakapila doon na nagaabang sakin. Napamura na lang ako sa isip ko. Apaka rami neto pano ko bibitbitin lahat ng toh mukha ba akong shopping cart na kayang bitbitin lahat ng yan. Nilingon ko na lamang si Jaden at nakita ko na nakatingin na sila sakin pati si Ace na mukang takang-taka.


" Tumabi nga kayo ako mauuna " nilingon ko yung pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang lalaki na tinataboy ang mga nakaharang sa daanan niya. Nang makalapit na siya sakin bigla nyang hinawakan ang kamay ko at lumuhod at naglabas ng isang maliit na box.


" Akihira simula nung nakita kita ulit sa library at nung sinamahan mo ako sa mga errands ko for the past week nahulog na ako sayo at gusto kitang maging girlfriend ito ang singsing na ito ay nagsisimbolo ng pagmamahal ko sayo. " sabi niya na nakaluhod paren sa isang tuhod na akala mo naman ay magpropropose.


" Do I know you? " sagot ko sa kanya na ikinagulat niya naman.


" Ouch saket non " sabi ni Jaden at sabay tawa


" Anong ibig sabihin mo di ba lagi mo akong tinutulugan at ang sweet mo sakin " halos maluha na siya habang nagsasalita.


Aba taena di ko naman kilala toh! Di ko nga maalala na nakasama ko toh baka isa sa mga naging flings ko ang isang toh. Di ko na lang siya pinansin at naglakad na paalis habang bitbit ang sandamakmak na regalo. Ayoko naman di tanggapin ang yon sayang mga pera nila na ginastos para sa mga regalo na binigay nila sakin. Ipinabigay ko na lang sa kanila yung ibang regalo kay Jaden at Zack sila na magbibit non sa sobrang dami. Dumeresto na lang ako sa Kotse ko para ilagay lahat ng bitbit ko sa loob at dun na lang naghintay kila Kae at Jaden. Makalipas ang ilang minuto nakita ko na sila Jaden at Nova na andaming bitbit na box at paper bags. Nakasunod sa kanila si Kae at Rayi na may bitbit din na mga box.

Serenity of LovingWhere stories live. Discover now