Chapter 1

27 3 1
                                    

I woke up inside my best-friend's room, kasama ang ibang guests. Naalimpungatan ako sa ingay na nagmula sa labas.

Hinawakan ko ang aking ulo na masakit pa rin hanggang ngayon, wala akong maalala sa mga nangyari kagabi, ang naalala ko lang ay nung inimbitahan ako ni James sa bahay nila. Para magparty.  I hate parties, especially when the guests are very noisy.


"Jake! Isang shot pa bro!" Sigaw ni James saakin kasama ang iba niya pang kaibigan. Ininvite kasi nila ako, hawak hawak ko ang  binabasa kong libro para hindi mabored sa party.

"I want to go home right now. You know I don't drink-"  Hindi ko na natuloy ang aking sinasabi kasi biglang nagsalita si James 

"Hina mo naman pre" 

"No. I don't have time for these kinds of stuff." 

"Isang shot nalang bro papauwi na kita" 

"No- Wag kang makulit." 

"TAWAGIN NIYO NGA SI RACHELLE HAHAHAHAHA" Sigaw ni James sa mga guests. 


I was only 15 when I started to have feelings for Rachelle. I started to lose feelings for her nung niligawan na siya ng older brother ko last year. 

"No, wag niyo nga dinadamay inosenteng tao dito sa party niyong walang kwenta. Para saan ba tong party na ito?" Tanong ko kay James. Sa tingin ko ay napahiya siya sa sinabi ko dahil napayuko siya. 

may yumakap sakin na hindi ko kakilala. "Who are you?" I asked her, naweweirduhan ako sakanya. the way she acts is so weird- Why hug a person you've never met before? 

 "Future mo" Sabi niya saakin. Napakunot naman ang aking noo, huh future? what is she talking about? Ang weird niya talaga.

"Ah yes, I forgot to introduce her to you, her name is Katie. She said she wants to know more about yo-" Hindi na naituloy ni James yung sinabi niya dahil tumayo ako bigla sa inuupan ko at bigla nagsalita.

"That's it I'm leaving." Tugon ko. 

"Just this time pleaseeeee?" Sabi ni Katie while giving me those puppy eyes. Ang weird niya talaga. I was shocked because she hugged me tightly para di ako makaalis. 

"Bro isang shot lang sige na"  

"Sige na nga, basta papaalisin niyo na ako." 

"Hmm, maliban kay Katie madami pang girls gustong makilala ka. Lakas ng amats mo bro HAHAHAHA, kung ako naging babae din pasok ka sa standards ko HAHAHAHA"

"Well, ako naman hindi ka pasok sa standards ko."  Sabi ko kay James na ngayon ay nag rolled eyes nalang.

 Ininom ko na yung isang shot ng tequila. Nag-hiyawan naman yung mga guests kasi napainom na nila ako. I opened my phone then I saw 25+ unread messages from Rachelle. I didn't care much about her because she's in a relationship with my brother. 

Hinawakan ko ang aking noo dahil nakaramdam ako ng pagka-hilo. 


Naalala ko na wala ang parents ni James nung nag-party sila, nasa province sila ngayon. 
Nagulat ako ng makita ko ay may katabi akong lalaki sa kama, I think isa siya sa mga kaibigan ni James. Umalis ako sa higaan ng tahimik, nakahiga yung mga guests sa lapag, iba naman sa sofa, I saw katie lying on the floor. 

"Weirdo" I whispered.

Lalabas na sana ako sa room, kaso muntikan ko maapakan ang taong nakahiga sa tapat ng pintuan. May mga nakakalat na bote ng beer kung saan-saan, may mga balloons at bandaritas na nakasabit sa ceiling, may mga nakakalat na confetti kung saan-saan din. Pagkalabas ko ng room ay mas lalong lumakas ang nagsisisigaw na nasa 1st floor.

Elyse (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon