Disclaimer: The characters, events, names, etc is not related in real life it's just a story that i made up in my mind . Thankyou, Have a nice day Everyone!!❤️
-----------------------------------------------------------
"Kaya ko pa bang pumasok?" tanong ko sa sarili ko.
"Yvette, anak hindi ka pa ba mag aayos ng sarili mo para pumasok" hiyaw ni mama.
"Sandali lamang po at maliligo na ako" sunod na sigaw ko mula sa taas hanggang sa baba.
Palagi kong iniisip kung bakit ayaw nang mga kaklase ko sakin siguro'y maldita ako? pero di naman ganun kamaldita noh! pero hindi ko naman sila pwedeng pilitin na gustuhin ako. Meron naman akong isang circle of friends they always making me feel na back- up friends lang nila ako pero hindi naman ako tanga para mag pauto nang mag pauto sakanila noh!
"Kain ka na" sabi ni mama habang hinahain ang almusal namin buong pamilya.
"Sge po" sabi ko habang pinupunasan ng towel ang basa kong buhok
Maya-maya rin bumaba na sila papa at ang kuya kong si Aiden ganun kami palagi sabay sabay pumapasok si papa ay sa trabaho si mama sabay sila ni papa dahil iisa lamang sila nang istasyon si kuya naman collage na kaya ibang school sya at ako naman highschool 3rd year.
"Aray ko, Mama oh si kuya" sigaw ko matapos akong batukan ni kuya.
"Meme eh se keye" pangiinis nya pa sakin
Nang matapos kami kumain umalis na rin kami unang umalis si mama at papa sumond na rin maya maya si kuya kaya ko nalamang ang natira ngunit nung nag lalakad ako papunta sa school biglang may nandumog sa balikat ko sobrang sakit nang dumog nya as in!
"aray!" sigaw ko sa humahangos na lalaki na akala mo ay hinahabol ni kamatayan
"I'm really sorry miss" sabi nya sabay himas sa braso ko
Napatitig ako na kulang nalang ay matunaw ang lalaki na yon "ise pe tapes ake megseseri" sobrang gwapo!!
"Whatever sorry again" bulong nya at sabay takbo ulit.
Nung makita ko ang humahabol sa kanya naka uniform na pang assistant bodyguard infairness ha pogi nga pero mukang pasaway.
"Hay eto papasok na naman ako sa impyernong room na to" bulong ko sa sarili ko at sabay hugot ng malalim na hinga bago pumasok sa room, pero walang pagbabago kada naman papasok ako ay lagi nila ako tinititigan at sabay mag bubulungan na parang mga bubuyog akala mo ay nirape ko ang principal.
"Yvette!" sigaw nang nagiisa kong matalik na kaibigang si Ycie.
"Uy, aga mo yata ngayon?" sabi ko, palagi kasi tong late.
"Hindi kasi ako nag puyat kagabi" balik nya naman sakin at sabay akbay sakin.
"Alam mo bang may bagong transfer? ipapakila mamaya" bulong nya sakin.
"Kahit gaano ka gwapo sa tingin mo magugustuhan ako nun iba ngang kaklase natin hate ako without knowing why." sabi ko naman.
"Everybody sit down" wika ni Ma'am Claro.
"This is Steven Napone new student introduce your self please?" sabi ni Ma'am
Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang maaliwalas na muka nang lalaki, tama! sya nga yon! yung nakadumog sakin! sabi ko sa sarili ko pero dahil sa sinabe ko kanina na hindi ko napigilan ang bibig ko tinago ko ang muka ko sa buhok ko.
"Steven Marquez Napone, I'm 15 years old, nice to meet you guys" pagpapakilala nya.
"Steven, may bakante naman upuan dun sa tabi ni Yvette no need to get an another chair" sabi ni maam habang tinuturo ang upuan na nasa tabi ko
"wtf" sabi ko sa sarili ko omyghaddddd.
______________________________________
^_^