Allyah Fuentes Castillo
"sige na, akala mo naman walang nurse dito."
Pilit kong pinapaalis si fiona para puntahan na niya si justin, pero hindi parin mawala ang pag-aalala niya sakin, pinakita ko na yung nurse na gagamot sakin, ayaw parin umalis, oa yarn.
Nasa clinic kami ngayon para gamutin ang sugat ko, pero bigla daw nagmessage si justin kay fiona, at mukhang may kailangan sakanya. Eto namang si fiona, halos mapunit na yung labi sa sobrang lawak ng ngiti, ganon din ako, syempre masaya ako para sakanya. sanaol.
"sure?"
Huling tanong niya, tumango ako at ngumiti saka tinulak siya sa pinto para umalis na.
"okay lang nga, punta kana don, kailangan ka na ni prince charming mo."
Asar ko sakanya habang nakangisi, sinamaan niya lang ako ng tingin pero ilang sigundo lang ay lumakad na siya paalis.
"ally?, gamutin ko na sugat mo."
Biglang sabi ng nurse, nakalimutan ko na sinabi ko pala sakanya ang pangalan ko, ganda niya kasi e, joke.
"hindi na, ako na, kaya ko naman."
Sabi ko sa nurse, tumango lang siya kaya kinuha ko naman sa katabi kong lamesa ang first aid kit at umupo ako sa isa sa mga kama. Nakita kong biglang tumakbo palabas ng kwarto yung nurse, nagtaka ako nung una, naisip ko na baka may emergency, kaya itinuloy ko na ang pag gagamot sa sugat ko.
Nang matapos ko na gamutin ang sugat ko ay inayos ko ang first aid kit at inilagay ito ulit sa lamesa. Sinuot ko na ang bag ko at itinanggal ko na rin ang jacket na binigay ni justin mula sa bewang ko, dapat pala binigay ko na kay fiona kanina para siya nalang din ang nagbigay.
Lumakad na ako paalis ng clinic para hanapin si justin para maisuli ko na ang jacket niya.
Habang naglalakad ako sa hallway ay tinitignan ko ang jacket na ipinahiram sakin ni justin, mukhang mamahalin to, tas tinali lang sakin? the audacity.
"ally!"
Biglang may simugaw ng pangalan ko mula sa likod ko, napalingon ako at nakita si justin.. at.. may kasamang ibang lalaki, pero nasan si fiona?
"aray ko naman jah! ayusin mo naman yang hawak mo!"
Rinig kong sabi ng isa sa mga lalaking kasama ni justin, ang isa mahaba ang buhok, yung isa medyo, pandak? tas yung isa mukhang matino, at yung isa..
teka, familiar yung isang lalaki.
Tinitigan ko ang isang lalaking pula ang buhok, may sugat din siya sa katabing labi, mukhang kaka gamot lang.
"ally, okay kana?"
Natauhan ako nang biglang magsalita si justin sa harap ko, napalingon ako sakanya at tumango.
Inabot ko ang jacket niya pero hindi niya ito tinatanggap, tumingin lang ako sakanya para hintayin na kunin ang jacket niya, pero hindi siya umiimik.
"sayo na yan."
Nagulat naman ako sa sinabi niya, ang mahal mahal ng jacket na'to, ibibigay lang saken?
"hindi na, kunin mo na, thankyou nalang."
Sabi ko at pilit na inaabot sakanya ang jacket, ngumiti siya at kinuha na ang jacket mula sa kamay ko.
"hi ally! ikaw pala yung sinasabi ni justin na--"
"stell, paki hawak to, sakit na ng kamay ko eh."
Sabi ni justin at hinagis ang hawak niyang box sa isa sa mga lalaking kasama niya, nakita kong sinamaan ng tingin ng lalaki si justin kaya natawa nalang ako.
"ikaw si ally?"
Tanong ng mahaba yung buhok, halos lahat sila gwapo, grupo ba sila?
Tumango ako, medyo na a-awkwardan sa nangyayari kasi nababalibutan ako ng mga lalaking hindi ko kilala, maliban kay justin.
"aalis muna ako, may kailangan lang akong gawin."
Sabi ng lalaking pula ang buhok, kanina ko pa siya pinagdududahan dahil feeling ko ay nakita ko na siya, pero hindi ko maalala kung saan.
"makikipag-away ka nanaman?"
Tanong ng pandak?, hindi ito pinansin ng lalaking pula ang buhok at lumakad lang paalis.
aba the attitude.
"ken!"
Sigaw ng isang lalaking ay nunal sa pisngi, so i assume na ken ang pangalan ng lalaking pula yung buhok, na parang manok?
"kahit kailan talaga hindi namin masabihan si ken, pag gusto niya, gugustuhin niya talaga."
Bulong ni justin habang nakatingin sa direksyon kung saan naglalakad si ken, at ganun din naman ako.
"ally!"
Biglang lumabas sa isa sa mga kwarto o classroom si fiona, nagulat naman ako dahil bakit dun siya nanggaling, akala ko kasama niya si justin.
"san ka nagpunta? akala ko kasama mo sila justin?"
Bulong na tanong ko kay fiona, nakita kong tinigan niya muna si justin bago ipinunta ang tingin sakin, natawa naman ako sa kilos niya.
"pinapapunta ka ni Mr. principal sa office, ipasa mo na daw mga requirements mo sakanya."
Sabi ni fiona at dun ko narealize na hindi ko pa pala napapasa ang mga requirements ko dahil sa nangyari kanina, agad ko namang binuksan ang bag ko at inilabas ang mga requirements ko.
"tara, samahan mo'ko sa principal's office, dali."
Nagmamadali kong sabi at tumango naman kaagad si fiona, nilingon ko si justin na naguguluhan sa nangyayari.
"justin, hihiramin ko muna si fiona, may ipapasa lang ako na requirements, mabilis lang. Thankyou din sa kanina."
Sabi ko kaya nagulat naman si fiona sa sinabi ko at nagsimula nanamang mamula ang magkabilang pisngi at tenga niya, tumawa lang ako at hinawakan ang kamay niya saka lumakad paalis.
BINABASA MO ANG
Run away. || sb19 ken.
FanfictionAlly. Isang transferee collage student mula sa probinsya ng Cagayan de Oro, inilipat siya ng kanyang ina sa manila simula nang namatay ang kanyang tatay, para dun makapag tapos at makahanap ng magandang trabaho. Ken (felip) Isa sa mga lalakeng kina...