CHAPTER 2. I'M DONE WITH YOU.

75 2 0
                                    

ALEJHASIA'S POV.

Maaga akong nagising dahil sa rinig kong kumukulo ang tiyan ko, what the hell umaga na pala? Naalala ko bigla akong naka tulog after ko maligo kahapon pag tingin ko sa orasan aysh 4am pa lang naman pala, dahil alam kong tulog pa ang walang kwenta kong magulang pati mga kapatid lumabas na ko ng kwarto saka nag timpla ng maiinom, pabalik na ko sa kwarto ko ng makita ko si kuya kneyio
Agad itong lumapit sakin saka hinawakan ang braso ko tinignan ko lang ito ng normal saka agad itong lumapit sa tenga ko para bumulong.

"Layuan mo si vio."

"Ayoko!."matigas kong sabi

"Masasaktan ka lang alejha!."pag kasabi nya non agad na kong umalis wala akong pake sa kanya tsk.

Palagi naman ako nasasaktan no ilang beses na ko sinaktan ni vio,manhid na ko.ngayon pa sya mag sasabi di ko titigilan si vio hanggat di nya ko minamahal pabalik.

Pag katapos ko sa loob doon naman ako tumambay sa may bintana suspended ako kaya di ako makaka pasok

Syempre duh, di ko tuloy makikita si vio kung di dahil kay parshia edi sana makaka pasok ako ngayon bwiset talaga sa buhay ko ang babaeng yan.

Mag hapon akong naka tunganga,kain lang ng kain patulog tulog lang hayst namimiss ko si vio,ako kaya namimiss nya?haha asa naman ako idc basta mahal at miss ko sya.

---------

Dumaan pa ang ilang araw at yesss makakapasok na ko

Agad akong nag ayos saka nag bake ulit para kay vio kanina,now after ko mag make up sinuot kona ang sunglass ko saka nag lakad pababa, kita ko naman sila mommy, daddy at mga kuya ko na kumakain, umupo naman ako sa pinaka dulo ng lamesa saka kumain pake ko kung tinitignan nila ako after ko kumain umalis agad ko syempre naka kotse ako pake nyo ba.

Nakangiti akong lumabas sa kotse ko saka pumunta kay vio,habang nag lalakad tinitignan ako ng ilang mga studyante halos lahat sila nag bubulung bulungan

'bat pa sya pumasok tahimik na school natin may epal pa na dumating'

'yah true best sana di na lang yan nag aaral dito,may share family nya kaya hanggang suspended lang ang kayang gawin ng dean'

'andito nanaman ang malandi'

'lalandiin nanaman nya si fafa vio'

'sarap nya ibalibag'

'malandi'

'mang aagaw'

'attention seeker'

'pangit na nerd'

Ilan sa mga bulungan ng mga studyante di ba sila napapagod sa pinag sasabi nila,i admit na nasasaktan ako sa sinasabi nila pero ito na ako wala ng makaka pag pabago sakin.

Pake ko sa nararamdaman nila pare pareho lang silang walang kwenta

Agad akong pumunta kay vio para ibigay ang letter na ginawa ko kahapon,love letter yon sana magustuhan nya.

After ko pumunta don kagaya ng dati palagi nya tinatapon ang binibigay ko pero ok lang di ako napapagod.

________*

Dumaan pa ang ilang mga araw ganon ang ginagawa ko pupuntahan ko sya para bigyan ng kung ano ano pero tinatapon nya,mahal na mahal ko sya oo nasasaktan na ko sa mga ginagawa nya pero anong magagawa ko mahal na mahal ko talaga sya.
Ngayon papasok na ko ng gate kita kong konti lang ang studyanteng nag lalakad lakad dito maaga pa naman kaya wala pa yung iba na balak pumasok sa kanya kanya nilang room

Agad akong pumunta sa court dahil may nagkakagulo don,si vio pinag kakaguluhan nanaman ng mga babae,

Si vio ba talaga yon?pero bakit may kasamang babae saka parang kinikilig sa kanila ang Ibang studyante dito?

Agad naman akong lumapit at tama nga tsk kasama nya si parshia saka bat ang saya nila, nakipag siksikan ako sa mga studyante para maka lapit ka vio.

"Hi vio" bati ko ng maka lapit ako dito from masayang muka to malamig na muka ang nakita ko sa kanya
Tinignan ako nito ng pagkalamig lamig hanggang dito ba naman nag bubulungan parin ang mga chismosang bee's na'to mygod cassie

"Look who's here, ugly stupid nerd na ew malandi."sabat ni parshia
" Di ikaw kausap ko wag kang sabat ng sabat!."giit ko kay parshia
"Ok, kung kausapin ka ni vio."ngumisi ito sa akin kaya ngumisi din ako

"Ahm vio cake nga pala para sayo."nakangiting saad ko dito ng kinuha nya ito napasimangot si parshia kaya mas lumaki ang ngiti ko ngunit di ko inaasahan na natatapon nya sa muka ko ang cake kaya pinag tatawanan ako ng mga studyante sa paligid punong puno ng icing ang muka ko dahil sa gulat di ako nakapag react agad alam kong naka ngisi si parshia

"I told you alejha, di nya yan tatanggapin, asa ka naman HAHAH"natatawang saad ni parshia saka nag tawanan ang lahat,naiiyak ako di ako ganto pero bat ako naiiyak tinignan ko si vio walang makikitanf emosyon sa mata nya.

"Tumigil kana alejha." Malamig na saad nito sa wakas nag salita na siya sa tagal kong pag chachansing sa kanya ngayon lang sya nag salita sa mismong harap ko.

"Ayoko."parang batang sagot ko.

"DI KITA GUSTO ALEJHA TUMIGIL KANA, SOBRA NA YANG PAGKALANDI MO, DI KABA NAHIHIYA ARAW ARAW NA LANG ALEJHA TIGILAN MONA KO GUSTO KO NG TAHIMIK AT ISA PA SI PARSHIA ANG GUSTO KO!!."pilit na sigaw nito nagulat naman ako dahil sa sinabi nya

"Pero vio mahal kita,mahal na mahal kita pls,kelan mo ba mo mamahalin pabalik vio!."

"TAMA NA ANG PAGIGING ATTENTION SEEKER AT PAGIGING DESPERADA MO,KET KAILAN DI KITA MAMAHALIN, HINDING HINDI KITA MAGUGUSTUHAN, BUKOD SA NERD AT PANGIT KANA SOBRANG LANDI MO PA DI NAMAN GANYAN SI TITA(MOMMY NI ALEJHA) PERO IKAW ANG LANDI MO NAPAKA DESPERADA MO!!!."ramdam ko ang inis at galit na kinikimkim nya
Sa tagal kong pag chachansing sa kanya ngayon lang nya ko sinabihan ng ganto

Nag mahal lang naman ako pero bakit ganto dahil ba sa ugali at istura ko?
Di naman ako ganto dati eh, mas sumama lang ang ugali ko dahil sa pambubully sila saka dahil sapag mamahal ko kay vio

Lahat nanahimik dahil sa sigaw ni vio kahit ako ngumiti ako sa kanya

"Sige, kung yan ang gusto mo, from now on, titigilan na kita yxvio czy,nag mahal lang naman ako eh, naging desperada ako naging ganto dahil sa mahal kita dahil gusto kong mahalin moko pabalik pero sige tutal ikaw na din talaga mismo nag sabi titigilan na kita
I'M TIRED CHASING YOU MR.CZY!!!"

ilang istudyante na lang ang alam kong naka rinig ng sinabi ko dahil sa nag bell kanina nag si alisan na ang iba tumingin ako kay parshia saka ngumiti pati kay vio kita ko ang ngisi ni parshia at panlalamig ni vio

Umalis nako dahil sa nagsisiunahan ng tumulo ang luha sa mga mata ko,nakita ko si kuya jasper walang emosyon ang makikita sa mata nya tumakbo nako saka nag drive pa uwi.

I'M TIRED CHASING YOU MR.CZY!(On Going)Where stories live. Discover now