Chapter 1

52 1 0
                                    


Tall,dark,and...beautiful!

Ang gandang lalaki siguro nyan!Pwde ring short,white,and never mind!

Haiist,sana matagpuan ko na yung masasabi ko talagang "the one" ko, ang Prince Charming ng buhay ko.

Ipinanganak na kaya siya? Haha malamang! Di yata ako papayag na kapag nagkita kami,maputi na lahat ng buhok ko. :D

Anyway,I'm still 15 years old.Kaya madami pakong kailangang kakainin na bigas para masabing natagpuan ko na siya nuh.
Syempre gusto ko sa lalaki ay yung mabait,matalino,magalang,yung pahahalagahan ka,at bonus na ang gwapo!
Juicecolored,he's a good catch mygas!
Syempre magiging maswerte rin sya sakin nuh.
Ako kaya si Jessy Caballero!Ang pinakamagandang nakilala ng nanay ko!Panu bayan,yan ang sabi ni nanay eh kaya please wag na po kayong komontra para walang gulo.
Joke!

Hindi talaga ako kagandahan,hindi rin pangit ha.May mukha rin akong maihaharap nuh.Ako lang ang nag-iisang anak ni nanay at ni tatay.Pero di ako spoiled ha.Nadisiplina ako nang maayos.Di raw kasi kami mayaman,di rin naman kami mahirap.Kasi sabi ni nanay,mahirap daw ang buhay mayaman.Ironic nuh?Ewan ko kay nanay,napaka idealistic kaya tuloy namana ko.:D

Elementary teacher si nanay sa isang public school. Si tatay naman ay isang engineer.

Oh sa mga nasabi ko nakikilala niyo naba ako?Kulang pa yun kaya sana subaybayan nyo ko sa kwento ko para mas makilala nyo ko.

Ringggggg....Ringggg...

Jessy's POV

Yes!Salamat at nagbell na.Paboritong subject ko yata ang susunod!
Walang iba kundi ang RECESSS! Yeeyyy!
Kanina pa kaya ako nag iimagine ng pagkain dito.

"Jessy!Oh paboritong subject mo na!Dali na!",sabi ng best friend ko.
Eto talagang si Melissa,alam na alam halos lahat sakin.Haha syempre mag best friends eh.Ganun din naman ako sa kanya nuh.

"Haha paborito nating dalawa!",sagot ko sa kanya.

Habang patungong canteen,nakita ko ang 8th grade crush ko kasama ang mga barkada nya.At aaminin ko may paghanga parin ako sa kanya hanggang ngayon.
Yung pag uupuan namin ay malapit lang talaga sa kanila at di pa napapansin ni Melissa yun.
At nang nakaupo na kami...

"Jessy,yung crush mo oh!Si Francis!Patay na patay ka dun diba?!",ani ni Melissa.

"Beshhh!Hindi rin gaanong mahina ang boses mo nuh!At saka hindi ako patay na patay dun nuh,sabi ko sa kanya.

"Haha sarey,sarey!Teka,magkaklase pala sila ni kuya ngayon?At mygass,friends din sila.So,anong moves ang gagawin natin Jes?"

"Anong moves moves ka dyan?!Ang gagawin natin ay...kainin na natin snacks natin baka mahimatay nako dahil sa kanya este sa gutom.",bigla kong naisagot.

Ang gwapo parin talaga ni Francis Jay!Nasa kanya na yata lahat ng gusto ko sa lalaki.Matalino na,mabait pa!Saka may bonus pa --gwapo!Pero nakakainis kasi parang hangin lang ako sa kanya.Mas mabuti pa nga yata ang hangin,alam nyang nag eexist!Eh ako?Does he know I exist?

Not Like the Fairy TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon