Prologue:

1.7K 25 2
                                    

"Wala ka talagang kwenta, ano bang ginawa naming kasalanan para bigyan kami nang isang malas na katulad mo!" Pag-e eksaherada ng isang ginang sa isang binatang nasa dalawampu't dalawang taong gulang na naka-yuko habang tinatanggap ang masasakit na salita na nagmu-mula sa bibig ng sariling ina.

"Pinalaki ka namin, kinupkop ka namin mula sa lansangan labing apat na taon na ang nakakalipas pagkatapos ganito pa ang ibabalik mo sa'min? Na ano? Na bakla ka putangina Yoyo hinding-hindi kita matatanggap dahil walang bakla sa pamilyang to. Kung ganiyan ka lang rin ay lumayas ka na sa pamamahay ko ngayon din." Pagsasaad ng ginang habang namumula at nanginginig ang buong muka at katawan dahil sa labis na galit na kaniyang nadarama.

Bakas sa muka ng binatang si Yoyo ang labis na pagkagulat at kalungkutan sa sinabi ng ginang, ang mga mata niyang nangungusap at ang mga luhang nag-babadiyang bumagsak anumang oras ngayon.

"Mama huwag naman po ninyong gawin to, pakiusap." Pagmamakaawa pa ni Yoyo sa ginang.

"Buo na ang pasiya ko Yoyo, lumayas ka na at huwag na huwag pang tangkain na bumalik sa pamamahay ko." Huling sambit nito ng mga salita bago tumalikod at pumasok sa bahay.

Naiwan naman ang binatang si Yoyo na nakatayo at tulalang biglaang napaluhod dahil sa mga narinig mula sa bibig ng kaniyang kinilalang ina sa loob ng labing apat na taon. Iniisip niya kung paano siya ngayon, kung paano ang buhay niya na wala ang mga taong tinuring niyang pamilya sa loob ng mahabang panahon at sa pag-aakala na matatanggap siya ng mga ito, ngunit naisip niya rin na tama na ang labing apat na taon na pananatili sa pamilyang hindi naman talaga siya tanggap at kailanman ay hindi siya kayang tanggapin. Buo ang loob na pumasok ulit ang binata at tumungo sa kaniyang silid sa unang palapag ng bahay upang kolektahin ang kaniyang mga gamit na binili noong siya'y nag-trabaho sa isang fast food chain habang nag-aaral.

Nang makapasok ay isa-isa niyang sinilid sa isang maleta ang mga importante at mga naipundar na mga gamit at nang matapos ay lumabas na sa silid. Naabutan niya naman ang biolohikal na mga anak ng mga itinuring niyang magulang, wala mang emosyon na makikita sa kanilang mga mukha subalit ang kanilang mga mata ay nangungusap na huwag ng umalis ang binata at manatili na lamang.

Lumapit siya sa mga ito at sinambit ang kaniyang paalam.

"Kahit na hindi tayo tunay na magkakapatid, Elle, Erion at kuya Equi mahal na mahal ko kayo." Saad niya at unti-unting tumulo ang kaniyang mga luha. Tatalikod na sana siya para umalis ng biglang may anim na pares na mga braso ang humagkan sa kaniyang katawan, humikhikbi ang bawat isa sa kanila habang ang mga luha ay parang ilog pagkatapos ng isang malakas na bagyo, rumaragasa at dama ang bawat emosyon sa bawat agos ng kanilang mga luha.

"Huwag na huwag kang mag-alala kuya Yoyo, kahit na hindi ka na dito nakatira kayo pa rin ang kuya ko." Sabi ng batang si Erion, napangiti naman si Yoyo sa kaniyang narinig, niyakap niya ito at hinalikan sa noo bago nagpunaa ng luha.

"Pangako mo kuya, tatawag ka at kokontakin kami." Saad naman ni Elle

"Oo naman." Sagot naman niya

"Mag-iingat ka kung saan ka man pupunta Yoyo, gusto sana naming nandito ka lang ngunit al naman natin kung paano magalit si mama." Ang nakakatandang kapatid naman na si Equi. Napangiti na lang siya sa mga bilin nito.

"Pangako kuya, paano ba yan baka maabutan pa ako ni mama na andito pa. Aalis na ako, mag-iingat rin kayo kuya." Saad niya at lumabas na ng kanilang tahanan.

•••

Nasa terminal na siya ng van na sasakyan at binigay na rin sa kaniya kung anong kulay at numero ng kaniyang sasakyan na van.

Kulay itim at ang numero ay PCY614, medyo madilim na rin kaya agad siyang sumakay sa van na kaniyang sasakyan. Nang makapasok ay agad siyang umupo sa pinakalikod, nagtataka pa noong una ng makitang siya pa lamang ang sakay ng van at wala pa ang tsuper ng van, pinakatitigan niya ang loob ng sasakyan sa halagang isang libo't limang daan ay talaga namang maganda ito yari kasi sa balat ng anumang hayop ang upuan nito na nakikita niya lamang sa mga telebesyon. Nakaramdam ng antok si Yoyo kaya naman ay napagpasyahan niyang matulog na muna.

Nagising si Yoyo na para bang may mga lumalagapak na kung ano sa likod ng sasakyan, nataranta naman ang binata nang makita ang mga lalaking malalaki at matitipuno ang katawan at bukod dito ay meron rin silang mga mahahaba at malalaking armas na hawak-hawak. ( Ano yang nasa isip mo kapatid? Mali yan.)

Napadasal bigla si Yoyo ng mapansin siya ng isa sa mga kalalakihan, medyo may kaliitan 'to sa iba ngunit meron siyang matatalas na mata, matipuno rin ang katawan at merong malalakas na mga braso pawisan ito at kung tumingin ay masama, meron rin siyang mala-puso na hugis ng bibig at ang mga mata nito ay may kalakihan. Bigla itong nag-salita, nilingon niya ang isang lalaking malaki rin ang katawan ngunit may mukha ng labing walong taong gulang na binata.

"Yah, hyeong give this kid a damn gun, And may I know who recruits this kid?" Saad nito sa katabi.

"I dunno, but I think he can't shoot look at his hand and his body language." Pagkokomento ng lalaki, at lumingon kay Yoyo

"Ano palangan mo?" Medyo baliko pero buong sikap nitong sinambit.

"Yiox zrei." sambit naman niya, magsasalita na sana ulit ang lalaki ng may biglaang malakas na pag-sabog sa gilid ng sasakyan nila.

Sumigaw naman ulit ang lalaki kanina na may hugis pusong labi.

"Fvck, let's just escape for now we'll have our revenge on another time. Sciejer let's go." He commanded and the driver complied.

Samantalang ang ating bidang si Yoyo naman ay gulong-gulo pa rin sa mga nangyayari.





___________

Words and sign means:

••• - time skip
__ - end of chapter
() - author's

Words and names pronunciation base on the author's imagination and personal kineme:

Elle - L
Erion - Er-Yon
Equi - E-koi
Yiox Zrei - Yox Za-rai
Sciejer - Sai- her



PS.

I've decided that I'll just change the whole plot and everything just to save it. Thank you for everything and for your support everyone. LOVE YOU ALL.... Please continue supporting yhis stupid author.


~TT_thaeytinium

Add me on facebook: Thaey Tinium

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fighting For You (BL, MPREG)Where stories live. Discover now