Sa buong buhay natin we don't know who are people that we are meeting. Maybe that person you meet your the one, the one that can be your future. That person can befriend and be your worst enemy.

Sa buhay minsan 'pag nakakapagbasa ka sa libro iniisip mo na sana ganito ako, sana katulad niya ako at sana ganito ang buhay ko. Minsan pa nga iniisip mo na sana may makakapagbago sa buhay mo but we are the author of our own life. Tayo ang gagawa sarili nating kwento, tayo ang nagdedesisyon sa buhay natin hindi sila.

We are the author of our own life. Why? Kasi buhay natin ito tayo ang nagsusulat sa nakatadhana sa atin, tayo ang nagdedesisyon. Parang nakasulat sa libro makakaranas ng sakit, saya, at ng lungkot.

Parang Ferris Wheel lang ups and down ang buhay may panahon na nasa baba at doon mo mararanasan ang lungkot. Pero pagdating mo sa taas marerelief ka na lang kasi ang ganda nang tanawin at doon ka magiging masaya, makakaranas ng saya pero uulit lang 'yan kasi nga walang permanente sa mundo.

Paikot ikot na parang Ferris Wheel ikaw ang gagawa nang paraan para baguhin yun kung baba ka o magsstay ka lang sa Ferris Wheel.

_____________

"Mama gusto ko doon sa Ferris Wheel." Pagpipilit ko. Umiling lang si mama na dahilan ng pagkalungkot ko.

Nasa tapat kami nang Ferris Wheel at nakikita ko ang mga tao na sumasakay doon. May mga natatakot habang paakyat ang Ferris Wheel, pero pagkababa nila naririnig ko na masaya sila.

"Gusto kong maranasan 'yon." Bulong ko. Hawak ako ni Mama sa kamay. Napasimangot na lang ako dahil gusto ko talagang pumunta roon.

"Anak dito ka lang. Ito bibigyan kita nang pera panlaro mo rito sa perya pero, hindi mo ito gagamitin sa Ferris Wheel na 'yan. Dito kita hihintayin sa tapat ng Ferris Wheel." Wika niya sa akin at ibinigay ang pera. Naglakad na lang ako papunta sa nagbabasag ng pinggan.

"Oh iha bakit nagbabasag ka nang pinggan may galit ka ba?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita, maganda siya at halatang mayaman.

"Gusto ko kasing sumakay sa Ferris Wheel pero ayaw ako ni mama isakay doon." Himutok ko at naghagis ng panibagong pinggan.

"Gusto mo isabay kita halatang gustong gusto mo, ang anak ko gusto rin maranasan roon." Sabi niya nagliwanag naman ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa perang natira sa'kin.

"Wala na po akong pera." Malungkot kong sabi ngumiti lang ito.

"Ililibre kita."

Nandito na kami sa tapat ng Ferris Wheel lumilingon pa ako baka nandito si Mama pero wala. Pumila kami at katabi ko ang anak ng babaeng naglibre sa akin.

"Hi anong pangalan mo? Ako si Tyesha Salvatore. Ikaw?" Pagtatanong ko. Tiningnan lang ako nito.

"Suplado." Nakangusong bulong ko, hndi ko na siya kinausap dahil parang ayaw niya akong kausap.

"Ako si Heissue Arch De Vierre." Maikli niyang sabi nginitian ko naman siya.

"Huwag kang mahiya sa akin, dapat nga ako ang mahiya kasi nilibre ako nang mama mo." Wika ko rinitigan ako nito kaya naman nagtaka ako.

"Hoy tulala ka na riyan." Wika ko at kumaway sa harapan niya mukhang bumalik na siya sa dati kaya naman umiwas siya nang tingin.

"Kayo na Heissue ang susunod na sasakay." Wika nang mama niya, napalingon ako sa bumabang pasahero at susunod na kami.

Makakasakay na rin ako sa wakas.

"Picture muna kayo." Sumunod kami at pinicturan kami.

"Hindi po kayo sasama?" Umiling lang siya.

"She's pregnant sabi nang doctor bawal siya sa mga heights kaya hindi siya pwede." Sabi ni Heyshu? basta 'yon na 'yon, tumango lang ako.

Sumakay kami ang Ferris Wheel na ito, iyong umiikot paikot din ang upuan, kami ang huli kaya dalawa lang kami ang nakasakay. Masayang masaya ako dahil nakasakay na rin ako habang paakyat ng paakyat natatanaw ko ang buong perya ang sa laki, parang gusto ko dito lang ako sa himpapawid.

Malapit na kami sa tuktok ng mapalingon ako kay Heyshu.

"Ayos ka lang ba?" Namumutla at nakapikit ito halatang natatakot naisip ko baka takot siya heights. Mahangin ito sa taas at 'pag tumingin ka sa baba ay mahuhulog ka.

"Alam mo ayos lang ang matakot pero ang ganda kasi nang tanawin dito sa taas, imulat mo kaya ang mata mo." Umiling lang siya.

"Heyshu sayang ang pagsakay mo kung hindi mo makikita ang view." Sabi ko sabay hawak sa balikat niya napatingin at kumunot ang noo nito.

"Heissue ang pangalan ko hindi Heyshu." Pagkokorek niya.

"Mahirap bigkasin ang pangalan mo kaya Heyshu na lang." Sabi ko.

"Heissue nga hey-shu-see Heissue." Napangiti ako nang makitang hindi na ito masyadong takot kaya naman pinalingon ko siya sa tanawin, nasa itaas na kami. Nanlaki ang mata at tuwang tuwa siya.

"Ang ganda." Sabi niya. Tama siya nakikita namin ang paglubog ng araw mula rito sa itaas at hindi na siya natatakot.

"Sabi ko sayo maganda ang tanawin." Sabi ko. Tumango lang siya at busy sa pagtingin sa langit.

Nang makababa na nang Ferris Wheel ay nakita kong nakaabang ang mama ni Heyshu.

"Mom you know ang ganda sa itaas. I can't believe na nalabanan ko ang fear of heights ko." Tuwang tuwa niyang sabi sa mama niya. Natuwa rin ako dahil nakatulong ako sa takot niya.

"And what? Because of her mom kung hindi niya ako pinilit." Wika niya.

"Pwede bang isa pang shot?" Pininturan niya ulit kami, pero ngayon ay nakaakbay na siya sa akin at nakangiti hindi tulad kanina na hindi siya nakangiti.

"Thanks, for you." Nakangiting sabi nang mama niya sa akin.

"Anak jusko kanina pa kita hinihintay." Nagulat ako nang makita ko si mama na tumatakbo sa akin.

"Mama!"

"Naku saan ka ba nagpupunta nagalala ako sa'yo." May hawak pa na mga plastik si mama.

"Nakita ko siya rito at mukhang hinihintay ka kaya naman pinasyal ko siya malapit dito para hindi siya mainip. Pasensya na kung nag-alala kayo." Sabi nang mama ni Heyshu. Kinindatan niya pa ako, palihim akong nag thumbs up sa kanya.

"Naku ayos lang. Mabuti at hindi siya napahamak salamat sa inyo." Sabi ni mama. Hinila naman ako ni mama tanda na aalis na kami.

"Salamat at aalis na kami." Sabi ni mama at hinila ako pero nagpumiglas ako.

"Mrs. De Vierre at Heyshu Arch De Vierre paalam po at aalis na kami." Sabi ko sa kanilang dalawa. Kumaway lang sa akin ang mama ni Heyshu pero si Heyshu yumakap sa akin.

"Samahan mo muna ako Tyesha." Napangiti ako dahil naalala niya ang pangalan ko pero.

"Aalis na kami Heyshu, sorry pero sana magkita ulit tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sayang. Sige bye Tyesha see you again." Nakangiti niyang sabi at kumaway sa akin pero bago iyon ay may ibinigay siya na bracelet sa akin, may initial ng pangalan niya ako walang maibigay kaya ibinigay ko na lang ang panyo ko na pinatahi pa sa akin ni mama.

"Sana magkita tayo ulit at muling tayong sumakay sa Ferris Wheel." Kita sa mukha niya ang pag-asa na magkita kaming muli.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ferris Wheel Where stories live. Discover now