KANDILA
“Inaaaaaay! Inaaaaaaay!” Ako’y kumakaripas ng takbo papunta sa aming bahay. Galing ako sa bahay ng aking kaibigan, kung saan natamo ko na ako’y nakapasa sa isang Unibersidad na nais ko pasukan.
Natagpuan ko ang aking ina na nagluluto sa kusina.
“Ina, tignan niyo po!” Abot langit ang ngiti nang ipinakita ko kay ina ang papel na nagsasaad na ako’y nakapasa mula sa pagsusulit para Unibersidad.
“Nakapasa na po ako at makakapag-aral na po ako sa Unibersidad na nais ko pong pasukan. Magkokolehiyo na po ako!”
Sa kabila ng kadaldalan ko, iniwasan ni ang papel, siguro dahil nagluluto siya.
“Kapag nakapagtapos po ako ng pag-aaral, nais ko po sanang—” nahinto ako sa pagsasalita ng kanyang itaktak ang panandok ang kawali.
“Tawagin mo na ang mga kapatid mo at tayo’y kakain na.”
“Sige po. Sasabihin ko din po sa kanila.” Sinunod ko ang utos ni mama.
Lahat sila ay nakaupo na ngayon sa harap ng lamesa. Tinulungan ko si ina sa paghain at naupo na rin.
“’Tay, may sasabihin po ako.” Sambit ko habang hinihintay na sila’y matapos maghain.
“Sige, ano ‘yon anak?”
“Naka—”
“Oo nga po pala, ‘tay, ‘nay! Mayroon din po akong sasabihin.”
“Pero ako ang nauna—”
“Ano ‘yon, anak?” Si inay ang nagputol sa aking sasabihin, wala akong nagawa kundi ang manahimik.
“Naisipan namin ni Bina na magpakasal matapos kong makapagtapos ng pag-aaral.”
“Aba’y mabuti iyon, anak! Paghahandaan natin iyan!”
“Aprubado na ba ang pamilya ni Bina?” Tanong ni itay.
“Opo. Katunayan sila ang may kagustuhan na kami’y magpakasal na. Matanda na raw po sila at nagnanais na magkaroon ng apo.”
“Kung ganun, sige. Ikaw naman Elisa? Ano ang iyong sasabihin?” Lumawak ang ngiti ko dahil kay ama. Interesado siya sa sasabihin ko.
“Mayroon na po akong eskwelahan na mapapasukan, ‘tay. Makakapagkolehiyo na po ako.”
“Ikaw?” Hindi makapaniwalang tanong ni kuya Jose, ang pangalawa sa aming magkakapatid. Halos may halong insulto ang tingin niya sa akin.
“Opo. Nais ko pong makapagtapos.”
“Walang kwenta ang pag-aaral. Aanhin mo ang pag-aaral kung mananatili ka lang sa bahay?”
“Oo nga, anak. Sapat na ang makapagtapos ka ng hayskul. Nariyan naman ang mga kuya mo at kami ng mama mo.” Pagsasang-ayon ni itay.
“Pero nais ko pong—”
“Kung nais mong yumaman, huwag kang mag-aalala. May balak si mareng Luciana na ipagkasundo ka sa kanyang anak na si Alfredo.”
“Po!? Ayoko—”
“Huwag kang suwail. Masasayang lang ang taon mo sa pag-aaral. Isang mahusay na inhenyero si Alfredo, nakapagpatayo na rin ito ng sariling bahay kung kaya’t huwag kang mag-alala.”
“Ipagkakasundo ninyo ang anak niyo sa isang estranghero?”
“Hindi sila estranghero, anak. Matalik silang kaibigan at mapagkakatiwalaan. Mayaman din sila kaya—”
BINABASA MO ANG
KANDILA (ENTRY FOR #GirlDefender)
Short StoryKandila is my short story that I've written for #GirlDefender. How you will describe a women's right? And this is what came to my mind. Title: Kandila Author: SolLaTiDo_ 03/29/22 ©2022