Secret 01:
*kring* *kring*
Azar na alarm clock toh. Ang cheap na nga ng sounds, ang lakas pa.
*kring* *kring*
Ugh!
Dahil sa naiirita na ako, pinatay ko na ung alarm clock at bumangon.
Naghikab ako at tiningnan ang oras sa alarm clock.
Ah. 7 o'clock pa lang naman pala.
...
Wait, what?!
Napamulat ako ng mata ng wala sa oras.
Fudge! Oo nga!
Eh 7:30 simula ng klase ko!
Agad agad akong pumunta sa banyo at ginawa ang mga dapat kong gawin at nagbihis ng mabilis.
Bago pa man ako makalabas, may nakalimutan ako.
Bumalik ako sa sala na may salamin at inayos ang buhok ko na trintas na pigtails ng mabilis at nagsuot ng malaking nerd glasses at nilagay ang retainer at lumabas na ng bahay.
Ay swerte! May tricycle agad!
Pinara ko yun at sinabing sa Stellar High ako. Pinatakbo naman nya ito agad.
Kung nagtataka kayo kung bakit retainer at hindi brace, pwes, i-eexplain ko nalang sa inyo mamaya. Dahil sure akong tsugi ako sa teacher namin.
Swerteng pagdating ko sa room, wala ang teacher.
Nakahinga ako ng maluwag.
Papunta na ako sa pwesto ko ng bigla akong napatid.
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.
"Oh. Okay ka lang ba?" Tanong ni Erich, isa sa mga plastic na malandi sa room namin.
Nginitian ko. "Oo." Kita nang pinatid mo ako tas tatanong tanong ka pa kung okay lang ako. Tanga nito.
Tumayo na ako at successfully, nakaupo na ako sa pwesto ko.
Ay, tanga ko talaga.
Nakalimutan ko magpakilala.
Sa ngayon, ito muna ang pangalan na dapat malaman nyo. Alias, I mean.
Ang alias ko ay Jessica Diosina. Meaning, hindi ko yan tunay na pangalan.
Yan rin ang alam na pangalan ng lahat ng nag-aaral at nagtuturo sa paaralan na ito. Since 1st year ko pa yan tinatago. 4th year na ako, and successfully, wala parin nakakaalam.
Nakakapagtaka noh?
Well, I have many secrets. Sa ngayon, yan muna ang secret na ibubulgar ko sa inyo.
Alias lang ang tawag sa akin ng lahat. Kilala bilang nerd.
Pero wala talagang nakakakilala sa totoong ako.
Dahil matagal ng nabaon sa lupa ang totoong ako.
Creepy ba? Don't worry. Chapter 1 palang tong binabasa nyo. Wala pa munang big revelations. Masyado pang maaga. *wink*
Tas may nagbato ng nakarolyong papel sa muka ko.
Nagtawanan nanaman ang mga kaklase ko.
"Ano ba yan. Nerd na nga, tanga pa." Sabi ng kaklase kong si Sebastian, isa sa mga bullies. Tusukin ko mga mata niya eh! Magsama sila ni Erich!
"Sebastian, wag mo naman batuhin ng papel si Jessica. She's a lady and she needs to be treated as one." Sabi ng crush ko, si Ivan, na nasa harap ko nakaupo.
BINABASA MO ANG
The Nerd Has A Secret!
Random"Hoy! Nerd lang ako sa iyong paningin, pero wala kayong alam tungkol sakin!" === Date started: April 17 Date finished: ??